Chapter Twenty Three

6.1K 75 2
                                    

23

====================

"Hi Ionna" bati sa akin ni Lei Ann.

"Hi." Nakangiti kong bati din sa kanya.

Andito kami ngayon sa may first class namin. At kadarating ko lang. Magkaklase kami sa subject na to kaya naman nagkita kami.

"So, how's your vacation?" Tanong nya.

"It's ok ." Nakangiti parin ako sa kanya habang inaayos ang aking mga gamit ng makaupo sa tabi nya.

"You look good, so who's the lucky guy?" Tanong nya na parang nanununukso.

Halos magkandaubo ubo naman ako sa tanong nya.

"Hey ano ka ba. Para binibiro lang eh. Nagulat lang ako sa transformation mo. (sabay tawa) See ang ganda ganda mo. Hindi ko alam bakit ngayon mo lang naisipang ilabas yan. " nakatawa nyang sabi.

Yeah hindi na ulit ako nagsusuot ng mga oldies clothes at wala narin ang malaking eye glasses ko. Sa una nag -aalangan pa ako kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsusuot ng mga medyo revealing clothes ngunit hindi naman bastusin na kasuotan dahil natatakot ako sa maaaring maging reaksyon nila lola at tita Paloma, ngunit laking tuwa ko ng wala naman silang sinabi na anupaman ng makita nila ang aking kasuotan kanina.

"Ano ka ba Lei para nakiuso lang, who's the lucky guy ka na agad dyan. Sabi ko sa kanya na nakangiti.

Sa susunod na klase si Casey naman ang makakasama  ko, and I know marami ring tanong sa akin yon.

Unang araw ng klase ko ngayun at almost one week narin ng makauwi ako galing San Andres. Mag iisang linggo na din na puro txt at tawag na lang ang tanging communication namin ni Marco. Ibinuhos namin ang halos buong magdamag na nalalabi ko para magkasama kami. Nang masiguro nyang tulog na ang mga kasama namin sa mansyon ay pinuntahan nya ako sa aking silid at doon ay wala kaming mga pinalagpas na oras upang madama namin ang isa't isa. We made love all night long.

Natapos ang aming unang klase at magkasabay na kaming lumabas ni Lei Ann. Naghiwalay lang kami ng magkanya kanya na kami sa pagpasok sa aming susunod na klase.

Nakita kong nakaupo na si Casey sa may harapan, kaya naman ay agad ko syang nilapitan. Sakto namang may bakanteng upuan pa sa tabi nya. Nang makita nya ako ay agad naman syang napangiti.

Nagbeso beso kami at nagbatian.

"Marami kang dapat sabihin sa akin mamaya. " gaya ng inaasahan ko ay sabi nya.

Ngumiti lang ako at di na nagsalita pa. Nasa harap kasi kami ngayon at andito na ang aming professor.

~

"So, tell me. What's the real score between you and Marco? " tanong ni Casey.

Andito kami ngayon sa Starbucks sa labas ng university. Katatapos lang ng huli kong klase kung saan mag-kaklase kami ni Casey. Ngunit sya ay may susunod pang klase at ako ay wala na. Mamaya pa naman ang susunod nyang klase kaya naman may time pa kami para makapagkwentuhan.

"Ano ba yang sinasabi mo? " pagsisinungaling ko sa kanya.

"Come on Janna. I know you. I can read you. Sa party ni Cedric.. ano ba talagang nangyari? " Aniya.

Nagtataka ko naman syang tinitigan. Akala ko alam nya ang nangyari. So sino pala ang nagsabi kay mommy?

" I thought you know about that? So, who told to mom about that?" Tanong ko sa kanya.

The Step Sibling's RomanceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum