Chapter Twenty One

6.2K 74 0
                                    

21

=======================

Pinaharap nya ako sa kanya at niyakap.

"I'm sorry." bulong nya sakin.

"Marco, ano ba baka may makakita satin." galit kong sabi sa kanya habang pilit akong kumakalas sa yakap nya.

Hindi sa ayoko ng yakap nya kundi dahil natatakot ako na baka may dumating at mahuli kami.

Gusto kong magalit pa din sa kanya, ngunit tignan ko lang ang mga mata, naglalambot na ako.

"I'm sorry nahihirapan lang kasi ako na hindi man lang kita malambing sa harap ng mga tao. Hindi ko maipakita na akin ka para wala ng ibang lalaking lalapit sayo." ramdam ko ang paghihirap ng loob nya.

"Napag-usapan na natin to diba? Hinay hinay lang. Hindi natin pwedeng agad agad sabihin to sa kanila. " sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang naiiyak ako sa nakikitang paghihirap ng loob nya.

Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at iniharap sa akin. Kitang kita sa mga mata nya ang lungkot sa sitwasyon namin ngayon.

"Please Babe, promise ako lang ang mamahalin mo." sabi nya na may pagsusumamo.

"I promise. I love you." mahinang sabi ko sa kanya.

"I love you more." aniya sabay halik sa mga labi ko.

Pinagbigyan ko sya sa nais nya na yun na lalong palalimin ang kanyang halik ngunit naitulak ko din sya ng mahina ng maalalang nasa lugar nga pala kami na kung saan ay pwede kaming makita.

Hindi nga naglaon na maya maya ay narinig namin ang pagtawag ni Jake na malamang ay nasa sala.

"That asshole." rinig ko bulong ni Marco.

"Stay away from him Babe." sabi na naman nya.

Hindi na lang ako sumagot at sa halip I rolled my eyes on him and turned around to go back to kitchen at iniwan na sya.

Papalapit na akong muli sa refrigerator ng saktong papasok naman si Jake sa kusina.

"Hi pretty need some help?" tanong nya ng mailabas ko ang isang malaking tupperware na may lamang grahams cake.

"hmn I think so." sagot ko sa kanya at inismiran pa sya kunyari.

Napatingin ako sa gawi kung saan ako hinila ni Marco kanina. Nakatayo sya ngayon doon at nakatingin sa amin.

"oh dude kanina ka pa dyan?" tanong sa kanya ni Jake.

"Nope. Kadarating ko lang." sagot nya. At lumapit din sa kinaroroonan namin ni Jake.

Nakasuot ngayon ng khaki short at white tshirt si Jake at basa pa ang buhok. Preskong presko ang itsura na lalo nyang ikinagwapo.

Awkward.

Kasama ko ang dalawang lalaking ewan.

"Kayong dalawa kumuha kayo ng mga platito at tray." utos ko sa kanila na hindi tumitingin. Inabala ko ang sarili ko sa pag i slice ng grahams cake.

Napansin ko naman na parehas silang kumikilos na.

Maya maya ay inilapag na nila ang mga nakuha nilang mga platito at tray sa lamesa.

Maya maya naman ay narinig ko na silang nag uusap ng tungkol sa business. Narinig kong ineengganyo ni Jake si Marco sa pinaplano nilang Cargo Shipment Business. Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila ngunit parang ito din ang pinag uusapan nila kagabi lang.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now