Chapter 47: GregorioLaxamanaDelosSantosPineda

29 7 0
                                    

ALLISON

Napunta na ba kayo sa sitwayon kung saan parang kahit anong direksyon bumaling ang mata niyo, Ay wala na talagang pagasa?

Isa ito sa mga sitwasyong iyon.

Tinitigan kong ang kinakalawang bakal na rehas. Sa kabilang dulo ng kulungan, Mayroon ring mga kriminal na nagtatawanan. Ang pinagkaiba lang nila sa mga nakakulong dito ngayon ay ang unipormeng asul at batuta. Sa tabi ko ay ang selda kung saan nakapirme din ang mga raliyistang nasa harap ng unibersidad kanina.

Mabilis akong tumayo nang mamataang pumasok si Sebastian sa estasyon.

"Seb," Mahina kong tawag dito. Tumigil ito sa harapan ko bago tuluyang humarap sa akin. Hinintay ko itong sumagot ngunit tinaasan lamang niya ako ng kilay.

"Sebastian,"

"Yes?"

"Palabasin niyo ako dito, Alam mong hindi ako dapat nandito." Madiin kong pakiusap.

"Oh, I'm not the one who wanted you here." Pumikit ako at huminga ng malalim.

"Sebastian, Nakikiusap ako. Kailangan kong maka-labas dito." Dahan dahan itong lumapit sa akin, Nasa loob ng mga rehas ang kalahati ng ilong nito.

"I swear, Al. I can't."

"Huwag mo nga akong niloloko, Sebastian. Alam kong isang pakiusap mo lang sa kanila, Susunod na ang mga iyan." Inis kong saad.

"Wow. Ikaw na ang nakikiusap, Ikaw pa ang galit? You know exactly why you're in there,"

"Stop acting like you're always a victim." Pumalatak ito bago kumurba pataas ang isang parte ng kaniyang labi.

"Sebastian, Please." Tinaasan muli ako nito ng kilay.

"I prefer you in there." Lumaki ang mga butas ng ilong ko sa naring. Bago pa ako makapagtaas ng kamay sa kaniya, Humakbang ito palayo.

"Plus,"

"You're in there for disturbance of peace. Hindi ka naman ikinulong for no reason, 'no." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Seb, Makinig ka."

"Now you're calling me Seb-"

"Makinig ka muna, Putangina naman." Pagputol ko dito. Umikot pataas ang mga mata nito bago bumalik sa akin.

"Hindi ako kasali sa protestang nangyari kanina. Hindi ko nga alam na mayroong ganoon. Ngayon ko lang rin nabalitaan ang nangyari." Ilang segundo ako nitong tinitigan bago nagsalita.

"I'm sorry, Al. I really don't think I want to get you out of there." Bumaba ang aking tingin sa maduming sahig.

"Seb, Kung galit ka sa akin dahik sa tingin mo ako ang nagpasimuno noong protesta laban sayo,"

"Wala akong alam doon. Kilala mo ako. Kung may pinaglalaban ako, Kahit kaharap pa kita magsasalita ako. Nagsasabi ako ng totoo." Ilang segundo muli itong nanahimik bago bumuga ng mabigat na hangin. Mabagal itong lumapit muli sa akin.

"Al, Even if I wanted you out, What am I supposed to do? Hindi nga ako ang nagpakulong sa inyo. It was just a coincidence that I happened to pull over with the cops." Mahinang saad nito.

Napalunok ako ng laway. Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Axe. Masyado na itong maraming iniisip sa pagkawala ni tito, Lalala lang ang sitwasyon kapag nalaman niyang nandito ako.

"I can't just talk to them to get you out, Wala akong position. I'm not even a baranggay tanod." Nagtama ang mga mata namin. Minuto kong inobserbahan ang emosyon sa mga mata nito.

Love How You Hate Me (Castel #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora