Chapter 24: Princess

54 12 1
                                    

ALLISON

"Ang yabang kasi." Dumilat ako upang makita ang mukha ni Sebastian na nakalapit sa akin.

Nasalo ako nito kaya ngayon ay nakapulupot ang mga braso niya sa katawan ko.

"I told you, You were too small."

"Baka gusto mo akong ibaba." Sabi ko dito.

"Sorry, Sorry." Dahan dahan niya akong ibinaba sa sahig.

"Are you hurt?" Umiling ako.

"Hindi naman." Nagtama ang mga mata namin.

Walang bumasak ng katahimikan. Wala ring nagbitaw ng tingin.

"Tapos na po kami!" Tumingin ako sa nga bata at pabalik kay Sebastian na ngayon at nakatingin sa sahig.

"Mabuti naman! Ipasa niyo na." Nakangiti kong sabi sa kanila at lumapit sa harapan nila.

"Ipasa na ang mga tapos. Sa hindi pa, Pwede pang tapusin." Paalala ko.

Sa tagal ko itong ginagawa, May disiplina na ang mga batang dati ay hindi maka-intindi ng salita. Kahit hindi ko na sabihin, Pumila ang mga ito at isa isang inabot ang mga papel sa akin.

"Rowena, Handa na ba ang mga librong nakuha niyo?" Tanong ko.

"Yes, Andoon kay Rodel. Kinukuha niya palang. Tulungan ko na siya." Tumango ako.

"Salamat..." Sabi ko at ngumiti.

Umikot ang mga mata ko sa paligid. Kumunot ang aking noo nang makitang wala si Sebastian kahit saan ako lumingon.

Saan naman kaya inabot ang lalaking iyon?

"Are you looking for me?"

"Putangina-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang magtawanan ang nga bata.

"Hindi! Hindi! Masama iyon, Mga bata." Humarap ako kay Sebastian na nangingibabaw ang tawa.

"I'm sorry, I didn't mean to scare you." Inangat nito ang tig-apat na kahon sa magkabilang kamay.

"Ano iyan?"

"Food."

"Nag-abala ka pa..." Nahihoyang bulong ko.

"Well, I don't mind. Since it's for you." Nagkasalubong ang mga kilay ko.

Ilang segundo kami natahimik.

"Or kids... It's for your kids. Food for your kids..."

"Food for the kids." Ngumiti ito.

"Siya, Andiyan na eh. Salamat, Sebastian." Binaba niya ang mga kahon sa lamesa ko at isa isang ginupit ang mga tali nito.

"Meryenda muna kayo." Tumayo ang mga bata at pumili.

Kahit na tuwang tuwa ang mga ito hindi nila nakalimutan ang ugaling naituro ko sa kanila.

Tumingin sa akin si Sebastian habang tinutulungang kumuha ng pagkain ang mga bata.

Napangiti din ako nang ngumiti siya.

"Oh. Ayos ah." Sabi ni Rodel na kararating lang.

Kasama nito si Rowena, Pareho silang may bitbit na mga libro.

"Tara. Ilapag muna natin 'to sa upuan ng mga bata." Sabi ko habang kinukuha ang ibang libro na dala nila.

Isa-isa namin itong nilagay sa upuan ng mga bata. Hindi rin nag-tagal namataan ko si Sebastian na ganoon rin ang ginagawa.

"You even buy them books?" Tanong ito. Umiling ako.

"Hindi, Ano ka ba?" Natatawa kong tanong.

"Then where did you get these?" Tanong niya habang sinasalansan ang mga libro.

Love How You Hate Me (Castel #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя