Chapter Eleven

8.2K 96 0
                                    

11

=================

-Marco's POV-

Hindi ko sya magawang malapitan dahil sunod sunod ang mga gusto syang maisayaw. Hindi ko alam kung dapat ba akong manibugho gayong wala naman kaming relasyon at wala din naman akong lakas ng loob para magtapat sa kanya. Kaya nga minsan dinadaan daan ko na lang sa pagtitig lang sa kanya.

"Malayo ang tingin...." maya maya ay pakantang sabi sakin ni Jerome.

"G*go!" binato ko sya ng tansan ng pinag inuman namin.Tawanan naman ang mga luko-luko, muli ay napapailing na pinagmasdan ko ang papalayo ng si Janna.

Napansin ko na papunta sya sa may Ladies room. Hindi pa nagtatagal ay nakita ko naman na sinundan sya ng lalaking kanina ay kausap nya. Hindi ko malaman ngunit bigla akong nakaramdam na may hindi magandang gagawin ang lalaking iyon kaya naman saglit akong nagpaalam sa mga kaibigan ko at sinundan sila.

Habang naglalakad na ako pasunod sa kanila ay nakasalubong ko pa ang pinsan nyang si Casey na hinahabol naman ng isang lalaki.

"Please baby we need to talk." narinig ko pang pagsusumamo ng lalaki na pilit hinihila ang braso ng babae.

Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad ng hindi pa ako nakakalayo ay may tumawag sa akin.

"Hey."

Ngunit dire diretso pa din ako,at nagkunwaring hindi sya nadinig.

"Marco?" muling tawag sa akin.

Si Casey. Nakita nya ako at tila namam gulat na gulat na nagtagpo kami dito.

Nilapitan nya ako at ang kasama naman nyang lalaki ay nakatitig lamang na parang gusto ng manapak.

"Hey what's up? Sinong kasama mo?" nakangiti nyang bati sakin.

Napansin kong inirapan nya yung lalaking humahabol sa kanya kanina.

"Mga kabarkada ko. Kaibigan ko din yung may birthday." sagot ko. Mangani ngani ko na syang iwan lalo na at iba pa yata ang iniisip sakin ng kasama nyang lalaki.

"What a small world, Cedric is my cousin. Anyway.." hindi nya pa natatapos ang sasabihin nya ay nagpaalam na ako. Alam kong iba na ang pakay nya sakin dahil kumapit pa sya sa braso ko.

"Ha? Ah wait san ka pupunta? Isama mo na itong impakto na to!" sigaw nya pa sakin.

Tuloy tuloy lang ako at muli ay tinungo kung saan pumunta si Janna.

"Let me go!" boses yun ni Janna.

Kahit malakas ang tugtog na nagmumula sa may party ay hindi ko maipagkakaila na boses nya yung narinig ko.

Tinakbo ko na ng tuluyan ang Ladies room at hindi nga ako nagkamali walang gagawing matino yung hayop na lalaki na to.

"No!" sigaw pang muli ni Janna. Nagdilim ng tuluyan ang paningin ko kaya naman bigla ko hinaltak ang lalaking nananamantala sa kanya at ibinalibag sa lapag.

"Marco?" narinig kong tawag sakin ni Janna. Hindi ko sya pinansin sa halip ay pinagsisisipa ko ang walangyang lalaki sa tagiliran.

"Have you lost your fucking mind?"

Hinila ko sya sa kwelyo nya at pinagsasasapak sa panga. Hindi ko na sana sya titigilan ng marinig ko na naman ang tinig ni Janna.

"Marco stop, please tama na. Just bring me home."

Umiiyak sya at kung hindi ko lang sya iniintindi ay baka mapatay ko na ang walangyang lalaking ito na sa sobra sigurong kalasingan ay hindi na nagawang lumaban o kumibo man lang.Iniwan ko syang nakahandusay sa lapag.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now