My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Author's Note

EPILOGUE

469 33 104
By drazzzzyyyy

Ehan's Pov

“Hmm...” Usal ko pa. Nakaamoy ako ng chemical. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Naramdaman kong may luha na tumulo mula sa mata ko. Napakarealistic ng panaginip ko.

May kasama raw akong babae, kasama ko sa adventures tapos lagi ko siyang pinagtatanggol hanggang sa isang araw na-inlove ako sa kanya. Masaya kaming nakaupo sa ferriswheel at naalala ko pa na umiiyak siya.

Doon natapos ang panaginip ko. Hindi ko man lang nakita o naalala ang mukha niya. At hindi ko na alam kung ano na ang nangyari matapos naming maupo sa ferris wheel.

“Omy! Gising kana!” Napangiwi ako nang may marinig akong sigaw. Tss. Nakakairitable ng kanyang boses.

“Doc!” Sigaw pa ni Coleen at lumabas. Napailing na lamang ako.

Inilibot ko ang paningin at nasa ospital pala ako. Bakit ako nandito? Ano ba ang nangyari?

Dahan-dahan akong naupo, ngunit nakaramdam ako ng pananakit sa katawan at ulo ko. “Aray.” Daing ko pa.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Jeriche na mukhang gulat na gulat at di makapaniwala sa nangyari.

“Gising kana?” Aniya. Di kakikitaan ng saya ang mga mata niya. Ngumisi ako.

“Why? Is it better that I die?” Sarkastiko ko pang sabi. Ilang segundo matapos kong sabihin yun ay nag-iba ang ekspresyon niya. Ngumiti siya na para bang inosente at masaya.

“Mapagbiro ka naman. Of course not. Why would you?” Aniya at umiling. Ngumisi na lamang ako na tila ba naniniwala ako sa kanya.

I know you better that anyone else.

Nang makarating si Coleen ay bumubula ang bibig niya kakasalita e hindi naman ako interesadong pakinggan iyon.

I fell asleep for two years. I know maraming nangyari at hindi ko alam kung papaano ako mag-uumpisang muli.

Ang huling naalala ko lang ay nag-inuman kami kina Jeriche. Birthday niya kaya ayon. Nagmaneho ako pauwi at hindi kumakagat ang break dahilan para andito ako ngayon. But even I, don't sure about this. Ito ay ayon sa statement ng tito chief ko. I don't even remember kung uminom ba ako e.

Alam kong masyado akong napuruhan noon, at hindi ko alam kung bakit buhay pa ako ngayon.

Nang idischarge ako palagi nang dumadalaw si Coleen sa amin. I know my gusto siya sa akin but, I don't feel the same way.

Hindi ko siya gusto.

Ang gusto ko ay makilala ang tao sa panaginip ko.

Although, alam kong impossibleng magkatotoo ang panaginip ngunit hindi ko alam ang pumasok sa utak ko at minahal ko ang taong hindi naman nag-eexist.

Gabi-gabi kong pinapanalangin na sana ay mapanaginipan ko iyong muli ngunit wala. Hindi na muli pang naulit kahit pa ilang araw na ang lumipas.

Pumunta ako sa prisinto para tanungin kay tito chief kung ano ba ang nangyari nung gabing naaksidente ako. Matapos ko siyang kausapin ay napag-alaman kong sinadya at planado ang pangyayari. Imposible raw na magkaganun ang break ng sasakyan since bago ito at hindi iyon basta-basta masisira.

May nawala raw kasing isang piyesa sa sasakyan kaya ang hula nila, inalis ito para mawalan ng break ang sasakyan.

Alam kong kilala ko lang rin ang may gawa nun. Marami akong nakalaban at maraming nagtangkang kunin ang buhay ko pero heto pa rin ako, humihinga. Ni isa sa kanila, walang nagtagumpay.

Habang naglalakad ako sa hallway ay biglang tumawag si Coleen. Ang babaeng gustong tawagin kong love pero di ko naman gusto.

“Hello love?” Panimula ko pa sa kanya. Napangiwi ako. Napakalaswang pakinggan na tawagin ko siyang love.

“Where are you ba? Wala akong kasama sa mall.” Aniya. I rolled my eyes. Pake ko kung wala siyang kasama?

“I'm on my way na. Wait.” Wika ko pa at nagsimulang naglakad papalapit sa kotse ko.

“Sandali naka maroon!” Bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ko ay napatigil ako sa boses na iyon. Parang narinig ko na e. Hindi ko nga lang alam kung saan.

Inilibot ko ang paningin ko at hinanap kung asan ang nagsalita. Hanggang sa natigil ako nang may makitang lumalapit sa akin.

Nang makita ko siya ay nakaramdam ako ng kakaiba sa puso. Para akong nasasaktan.

“What the fuck miss? Is it necessary for you to shout here?” Bulyaw ko pa. She's not moving! Tanga ba to? She's just staring at me and it creeps me out.

Napangiwi ako when I saw her in tears and gave me a hug. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Parang kinukuryente ang puso ko.

Mabilis ko siyang tinulak papalayo sa akin. I don't know why am I so comfortable with her, to the fact na kapag di ko siya bibitawan ngayon, ay baka di ko na siya kaya pang bitawan.

“What the hell? Are you insane?” Inis kong usal sa kanya. Di ako naiinis na niyakap niya ako, naiinis ako dahil gustong-gusto kong yakapin niya ako ngunit alam ko namang mali iyon.

“Ehan?” Kunot noong tanong niya pa habang patuloy na tumutulo ang luha ko at nakaupo sa kawalan. “Paano mo nalaman ang second name ko? Only closest people knew that. ” I said. Kilala niya ako? How come?

“Jell!” Nakarinig ako ng sigaw ng lalaki at bago pa man ako makalingon ay sinalubong ako ng suntok.

“Kuya ano ba?!” Inawat ko naman nung babae ang kuya niya. Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko saka hinarap yung gagong sumuntok sa akin.

“What the hell? Bakit mo ako sinuntok?” Tanong ko pa ngunit napahinto ako. “Wait-what?! Jhalle?” My old friend. Ba't ako sinuntok ng gagong 'to? Kalalabas ko lang ng ospital tas parang gusto niya pa yata akong pabalikin e.


“Matt?” Ani Jhalle na tila ba nagtataka at di makapaniwala. Taeng to, ba't ganyan niya ako awayin?

Ano bang nagawa ko sa lokong to?

“So, siya pala ang kapatid mo? Don't worry, di ko naman siya inaano. Siya pa nga ang lumapit sa akin at niyakap—” Di man lang ako natapos magsalita nang sagutin ako ni Jhalle ng suntok. Aba't letse to ah? Nakakadalawa na siya sa gwapo kong mukha?.

“Wag na wag mong gagalawin si Jell.” Gigil na gigil niyang sabi. Anong pakulo ng uplok na 'to? Eh di ko naman inaano ang kapatid niya? Eh, ngayon ko lang nga siya nakausap talaga ng harapan. Tuwing pupunta kami kina Jhalle e, di ko naman to nakikita.

Halos di ko nga alam na may kapatid pala si Jhalle e. Tapos bigla niya akong gaganyanin?

For pete's sake! I've been asleep for two years and I don't know what happened in that past two years. Even yung exact na pangyayari kung paano ako naaksidente ay, di ko alam.

Sinabi lang ng tito ko na nalasing ako at nagmaneho then di kumagat ang break that's why, naaksidente ako. Knowing na di ako nagmamaneho kapag nalalasing ako. Nakakapagtaka.

Weeks passed, lagi kaming nagkikita ng kapatid ni Jhalle. Her name is Jell, and I think I've already heard her name somewhere. I just don't know where.

I became curious about her so I decided to follow her every single day. Hindi niya iyon nahahalata, thankfully.

Naalala ko pa na tuwing nagkakasalubong kami ay lagi niyang pinagpipilitan ang sarili niya sa akin in which, ayaw ko sa babae ang ganun.

Isang halimbawa na roon si Coleen. May endearment pa siyang ginawa e ayaw ko naman sa kanya. Kung hindi lang siya kapatid ni Jeriche e.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Canteen nang mangyari ang di inaasahang pangyayari. Nagkaharapan kaming tatlo ni Jhalle, at Jeriche.

Napatingin ako sa gawi ni Jhalle, ang sama ng tingin niya sa akin na para bang kakainin niya ako ng buhay. Tsk.

Di ko alam kung anong nagawa ko sa punyetang lalaking to eh. Sa pagkaalala ko ay okay naman kami. Pero I don't know anong nakain niya at nagkakaganyan siya.

Napalingon ako nang biglang sumingit si Jell sa gitna ng aming pagtitigan.

"Kuya! Ehan! Jeriche! Ano meron?" At ayan nanaman ang sigaw niyang nakakairita na para bang wala nang ibang tao ang nandito. Sobra kung makasigaw e.

Napailing ako sa kanya ngunit laking pagtataka ko sa sarili ko nang wala sa oras akong napangiti. Fuck. Why?

"It's been a while, Jell." Agad akong napalingon kay Jeriche nang sabihin niya iyon. So, magkakilala sila? How?

Kay Jeriche, pinakilala pero sa akin hindi? Napaka unfair naman tong Jhalle na to. Eh samantalang, di naman labag sa loob kong maging sila ni Alyana.

Nakakawalang gana.

"Ba't ka nag transfer?"  Tanong ni Jell at matamang tinignan si Jeriche.

"Sinundan kita eh." Sagot naman ni Jeriche. Napairap ako nang wala sa oras dahil sa landian ng dalawa.

I thought, ako ang gusto ni Jell? Bakit nakikipaglandian siya doon?

"Tsk." Inis kong singhal. Nakakabwesit naman kasi. "This is interesting." I smirked. Napatingin ako kay Jhalle at para na itong isang toro na anomang oras ay susungayin niya na ako.

Di ko alam kung anong problema nito sa akin pero ang sarap niyang asarin. Alam kong kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin, kailangan ko lamang ng tyempo upang makausap siya.

Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang mainis sa akin.

Nilapitan niya ako saka kwinelyuhan. "Wag mong papakealaman ang kapatid ko ugok." Aniya.

"Kuya!" Sigaw ni Jell gamit ang kanyang nakakairitang boses. Sakit sa tenga e. "Jhalle, Matt, kalma. Maraming tao, nakakahiya." Pag papakalma ni ng pabidang ulupong.

Binitawan ako ni Jhalle saka nag walk out. Napailing na lamang ako saka nagdesisyong umalis nalang rin. Masyado nang marami ang tsismoso't tsismosa. I don't like crowded places. 

"Ehan!" Rinig kong sigaw ni Jell. Di ko alam kung lilingunin ko ba siya o hindi pero napahinto ako. Nagbilang ako ng tatlo,

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Lumingon ako, ngunit sa paglingon ko, dahan-dahan na pala siyang umaalis papalayo sa akin kasama si Jeriche.

Hindi ko alam pero may kung anong kirot sa puso ko, kaya napangiti na lamang ako nang mapait.

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa bahay nang hindi ako mapakali. Nabobored kasi ako na mag isa lang ako and ayoko namang pumunta dito si Coleen upang samahan ako.

Knowing her, I know pupunta talaga yun sa akin if malalaman niyang nandito ako at mag-isa.

I just don't like her presence.

Naglakad ako sa may street namin at sa di kalayuan ay natanaw ko si Jell. Halos ilang layo lang ang bahay namin sa kanila kaya mas close ko si Jhalle kumpara kay Jeriche. Lagi akong pumupunta sa kanila e, makikain lang. Sarap mag luto ni Tita, pero never ko namang nakita tong kapatid niya.

Sinundan ko ito at napansin ko na parang wala ito sa sarili.

Napalingon ako sa may likuran ko at may napansing may mabilis na sasakyan ang paparating at halos nasa gitna ng kalsada si Jell.

Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ako patungo sa kanya at hinila siya. Sinigawan pa kami ng driver nang malagpasan kami ngunit napangiti ako nang mapagtantong ligtas kaming dalawa.

Medyos napadaing ako sa gasgas na natamo ko dahil ako ang ginawa niyang higaan. Inalalayan ko siyang makaupo nang mabuti ngunit nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin.

“Thank you, thank you. Akala ko... Akala ko... Akala ko mamamatay na ako.” Humihikbi niya pang sabi. Sunod sunod ang pagpatak ng luha niya na parang maiiyak ako kapag tignan ko siya. Nakakabading naman ito.

“Stupid woman.” Saad ko nalang at di maiwasang mapangiti dahil sa kanyang cuteness. Sandali akong nakaramdam ng paglundag ng puso ko.

This cannot be.

Napatigil siya nang marinig niya akong mag salita. “Ehan? salamat.” Aniya. Rinig ko ang kanyang pag singhot kaya hula ko ay umiiyak siya.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa kusa na siyang bumitaw. Wala akong naging reaksiyon dahil di ko naiintindihan ang sarili ko sa panahong ito kaya tumayo ako at tinalikuran siya.

Di pa ako nakakalayo ay sumigaw siya. Is her hobby is shouting?

“Sandale.” She shouted. I continued walking away from her.

“What now woman?” I said irritatingly. Paano kasi, hinabol niya ako at hinigit ang braso ko.

“Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?” Tanong niya pa.

Napalunok ako. Titig na titig siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

“I'm not feeling well, can I go?” Sabi ko nalang. Nahihilo kasi ako na ewan. Maybe, dahil sa kanina.

Sandali niya akong tinignan at napaatras na lamang ako nang ilapat niya ang kamay niya sa noo ko.

Damn.

My heart is racing again.

What's wrong with me?

“Tara sa bahay.”  Sabi pa niya. Nanlaki naman ang mata ko. Nandon ang abnormal niyang kuya na parang may buntis at ako ang pinaglilihian.

“Are you crazy?” Di makapaniwala kong sabi. Hindi niya ako pjnansin bagkus, hinila nalang niya ako sa kung saan man niya ako balak dalhin.

“Hey, you don't understand!”

“Woman, let go of me.”

“I am warning you.”

Nagpumiglas ako ngunit wala rin ako magawa dahil sa higpit ng yakap niya. And I just don't know why I like to be with her.

Nang maaninag ko na ang gate nila ay aakmang aalis ako ngunit mahigpit niya akong hinawakan.

“Hep hep. Mabilis lang to.” Saad niya at hinila ako papasok ng bahay.

***

“Maupo ka muna. Kukunin ko lang ang first aid kit.” Sabi pa niya nang makapasok kami sa kwarto.

Naglakad na siya tungo sa banyo kaya naman inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto niya. Maganda ito.

I felt strange. Parang nakapasok na ako dito e. Masyadong pamilyar ang lugar. Naglakad lakad ako hanggang sa may nakita akong pamilyar na notebook. Bago ko pa man iyon mabuksan ay binawi na ni Jell yun kaya naman nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot.

“Sorry, kita ko lang.” Sabi ko.

“Okay.” She said in reply.

Naupo ako sa kama niya at tinabihan niya naman ako doon.

Naiilang ako na ewan. I don't know what I feel anymore. It feels like, we are on the forest. There is no one except us.

Nakakasuffocate. Di ko na alam anong nangyayari sa akin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang nilalapatan niya ako ng lunas.

“A-aray.” Sinadya kong dumaing kahit hindi naman masakit. Gusto ko lang basagin ang katahimikang namutawi sa amin. Thus, I want to hear her voice.

“Sorry.” Nahihiya niyang sabi.

Nalaglag ang iilang hibla ng buhok sa kanyalng mukha. Kahit kaonteng natakpan ang kanyang pagmumukha ay lumilitaw pa rin ang ganda niya.

Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin para ilagay sa likod ng tenga niya ang mga takas na buhok.

Napalunok ako.

What am I feeling?!

“Ehan, Can you just remember me and let's have a happy life?” She asked out of nowhere while staring at my wounds.

I can sense the pain in every words she said. Di ko alam anong irereact ko kasi, kahit sabihin niyang kilala niya ako, o ano. Hindi ko siya naalala.

“What are you talking about?” Sabi ki pa ngunit umiling lang siya. “Nothing.” She said.

Habang ginagamutan niya ako ay bigla nalang siyang napaluha.  “I miss you. I really miss you.” She uttered with tears and then, hugged me.

Di ko alam kung anong gagawin ko. Di naman ako marunong mag comfort e. Hinayaan ko nalang siya hanggang sa napabitaw siya.

Tumayo siya at may kinuha sabay pakita sa akin kung ano iyon.

“Ito. Di mo ba naaalala to? Kinuha mo to nung unang meet natin. Binasa mo at ginawa mo pa. Then, tignan mo ang kwarto ko. Palagi kang nandito dati, di mo ba talaga ito naaalala?” Nabigla ako sa mga sinabi niya.

I just don't fucking remember anything!

“Itong higaan ko? Lagi kang nakaupo riyan at dahil napakafeelers mo, mas madalas ka pang humiga jan.” Pagpapatuloy niya pa na tila ano mang oras ay iiyak nanaman siya.

“Ehan? Di mo ba talaga ako naaalala? Please remember me.” Aniya na tila nawawalan na ng lakas.

Masakit siyang makitang ganyan sa di malamang dahilan at wala akong magagawa para patahanin o pambigyan siya sa gusto niya dahil isa pa, di ko naman siya naaalala.

“Can't you just stop?” Iritang sabi ko.

“I'm sorry, I can't.” Saad pa niya.

“Why can't you? Di naman kita maalala. Ilang beses na rin kitang tinaboy, ba't ayaw mo pa rin huminto? Jell, maraming iba. Wag na ako.” I almost shouted at her and cursed her.

I think, mas titigil siya kung itataboy ko siya.

“Ayaw ko nang iba.” Iiling-iling niyang sabi.

“Bakit ako?” Naawa na ako sa kanya pero di ko alam ano ba ang dapat kong gawin.

“Because I loved you, I love you and I will love you. I want to be with you. And I'll make sure that you'll remember me, no matter what it takes.” She proudly said.

And from that night, I can't stop myself thinking about her.

Mula nang sabihin niya ang mga katagang yun ay naging interesado na ako sa kanya.

Palagi ko siyang sinusundan kahit saan pa siya mag punta. I became her stalker.

Hanggang sa dumating ang di inaasahang pangyayari. Mula sa malayo, natatanaw ko ang dalawang miyembro ng gang na nakalaban namin noon.

Nag-init ang dugo nang makita kong sino ang pinagpyestahan nila.

Si Jell.

Napakuyom ako ng kamao at mabilis na tumungo sa lugar nila. Lalo akong nainis nang makita kong nakahandusay si Jell at may mga dugo. Wala na ako nag isip pa kung ano ang tama. Bahala na't mapapatay ko ang dalawang iyon.

“M-Matt?” Gulat na sa sabi ni Rolex. Nginisian ko lang siya at binugbog na.  Nang masiguro kong hindi na makakabangon ang dalawa sa loob ng ilang buwan ay nagtungo ako kay Jell.

Hindi ko alam kung paano siya nadamay, pero ngayon may rason na ako para sundan siya araw-araw. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jeriche.

Gustuhin ko mang ako mismo ang makasama niya hanggang sa magkamalay siya, ay di pa pwede hangga't di kami nagkakaayos ni Jhalle, at di natatapos ang issue ko sa MDAS.

Mabilis namang rumisponde si Jeriche dahil ilang minuto lang makalipas ang tawag ko ay nakarating na siya. Really love this girl huh?

“Don't tell everyone that I saved her.” Bilin ko pa kay Jeriche at tumango naman siya.

Bitbit niya si Jell at pinagmasdan ko na lamang na papalayo ang kotse ni Jeriche.

Kumirot naman ng konte ang puso ko.

Aalis na sana ako ngunit naiwan ang gamit niya. Kinuha ko iyon at dinala sa sasakyan. Pinaandar ko ang kotse ko saka nagmaneho pauwi. Nakakawalang ganang pumasok.

Nang makarating ako sa bahay namin ay dumiretso ako sa kwarto ko. Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinakealaman ko ang gamit niya.

Nakita kong may baunan doon at spaghetti. May nakalagay pang 'To: Ehan' Di man lang siya nagsulat ng from. Tinawag ko ang isa sa mga katulong namin upang mag dala ng tinidor.

Tinikman ko ang luto niya at napahinto ako. Pamilyar ang lasa ng gawa niya. Parang nakain ko na e. The taste, the smell. Everything seems familiar.

Hinalungkat ko pa ang bag niya at may nakita akong notebook na kulay itim na medyo makapal. Kinuha ko ito at binuksan.

Para siyang isang diary ngunit hindi naman.

Sa unang pahina ay may nakasaad doon na para ito sa akin. I became curious kung anong laman nun so I started reading it.

At first, para lang siyang gawa-gawa but when I read the whole story inside, biglang sumakit ang ulo ko kaya nabitawan ko ang notebook na hawak ko. “Argh.” I shouted as I held my head. Sobrang sakit nito.

Tila merong mga ala-ala patuloy na nagpopped-out mula sa utak ko. Lahat nang iyon ay nangyari na, hindi sa realidad kundi sa panaginip ko.

Mula sa unang araw na nakilala ko ang babaeng nasa panaginip ko, hanggang sa huling pagkakataon na nakita ko siya. Lahat nang iyon ay tugma sa mga sinulat niya.

Yung babae sa panaginip ko ay nagkaroon ng mukha sa ala-ala ko.

Biglang may tumulong luha mula sa mata ko. I can clearly remember what happened that night in my dreams bago ako nagising.

I was with a girl, riding a ferris wheel and then... I left her.

And that girl, was Jell.

Napaluha ako. Naalala ko ang lahat, masyadong detalyado ang pagkakakwento niya. Lahat ng iyon ay tugma sa panaginip ko.

Ilang beses kong ginusto na mapanaginipan ulit ang babaeng napanaginipan ko sa loob ng halos ilang buwan. And yet, yung babaeng tinataboy ko, yung babaeng lapit nang lapit. Yun na pala ang babaeng hinahanap ko.

Ba't antanga ko?

Nakaramdam ako ng saya and at the same time lungkot. Gusto kong sabihin na naaalala ko na siya but not now. Di ko pa naaayos ang business ko sa MDAS, ayoko siyang madamay.

Napangiti ako. I want to hug her and kiss her right now. Pero kelangan kong pigilan ang sarili ko. Kelangan ko munang mag pretend hanggang matapos na ang lahat.

***

“Sigurado ka na ba iho na hindi mo na siya hihintaying magising?” Tanong ni Tita nang mag-paalam akong aalis na.

I looked at Jell for the last time. She was calmly asleep in her hospital bed. “Opo Tita. Jhalle and I were not on good terms right now. Baka masuntok po ako nun.” I laughed as I said those.

“Yang siraulo ko talagang anak e. Siya sige, mag-iingat ka. Sasabihin ko nalang kay Jell na dumalaw ka.” Aniya ngunit hinawakan ko ang braso ni tita.

“Tita, please don't tell Jell I visited her. It is for her own good.” Sabi ko pa sa kanya. Nagbuntong hininga naman siya. “Okay.” Ani tita.

“Thank you po. Gotta go.” I said and walk away.

Not now Jell, not now.

Lumipas ang maraming araw ay patuloy lang akong nahuhulog kay Jell mula sa malayo.

Lagi ko siyang binabantayan, lagi ko siyang sinusundan and I want to hug her so bad, pero kelangan kong pigilan ang sarili ko.

Kasalukuyan akong nasa isang di mataong lugar, nakatayo at may hinihintay na taong dapat matagal ko ng kinausap. Napatingin ako sa relo ko, mag aalas singko na at magkikita pa kami ni Jell mamayang gabi.

Gusto ko, sa gabing yun ay magiging maayos na ang lahat. Gusto ko siyang sorpresahin na naalala ko na siya kahit alam kong di ko siya nakasama sa physically noon, kahit sa panaginip ko siya nakasama ay positibo akong siya ang babae sa panaginip kong matagal ko nang gustong makilala.

“Look who's here.” Rinig kong sabi ni Minus sa nanggigil na tono. I smirked as I faced him. “Did you miss me?” I said.

Naikuyom ko ang kamao ko. Alam kong isa sila sa may pakana kung bakit ako naaksidente. I am positive about it.

“Let's just finish our unfinished business.” Saad ko at sinunggaban sila ng suntok.

Apat sila, at nag-iisa lang ako kaya medyo nahirapan ako dahilan para magkapasa ako nang tumungo ako sa tagpuan namin ni Jell. Hindi ako tumakbo sa labanan namin, umalis ako nang masiguro kong hindi sila makakagalaw ng ilang araw.

Naglakad ako patungo sa park at sa malayo ay natanaw ko si Jell. Napatingin ako sa orasan ko, mag aalas nwebe na pala.

Lumapit ako sa kanya at kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. I can see the love in her eyes. Napangiti ako bago ako nawalan ng malay.

Nang magising ako ay ang mga sumunod na pangyayari ay tumatak sa dibdib ko. Sinayaw niya ako, kinantahan kahit na boses ipis siya, tapos nag effort din siya sa paglagay ng mga kandila. Palihim akong napangiti ngunit naglaho yun nang maalala kong hindi pa pala tapos.

Mula nang gabing iyon ay bumalik ako sa wisyo ko. Hindi dapat ako magpadala sa feelings ko. Kapag nag padala ako, sigurado akong malalagay lang siya sa kapahamakan.

Buo ang loob kong itaboy siya hanggang sa maging okay na ang lahat but I failed.

Nagseselos ako tuwing nakikita ko silang mag kasama ni Jeriche kaya nung nasa beach kami ay di ko maiwasang maging masungit, at pakealaman silang dalawa.

I don't want her to be touched by other guy. I want her mine, alone. Fuck my mission. I want to be with her.

Nang maka balik kami mula sa resort ay di ako nag dalawang isip na aminin sa kanya ang lahat at yun ang pinakamalaking pagkakamali ko kaya humantong kami sa ganto.

Sana pala ay inamin ko nang mas maaga para lagi niya akong kasama.

I should've protected her.

“What the fuck Ehan? Sabi mo iingatan mo ang kapatid ko?! What happened?!” Jhalle burst in anger.

I did not say a word.

Nakaupo lang ako sa labas ng operating room at hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.

Sinisi ko ang sarili ko kaya ito nangyari kay Jell. Naalala ko pa ang reaksyon niya nang makita kaming magkahalikan ng Coleen na iyon.

And seeing her reaction that night, hurts me.

Hindi man lang niya ako hinayaang mag explain.

Bumili ako nang bulaklak para sana ibigay ko iyon kay Jell at nung pupuntahan ko na siya ay nakasalubong ko si Coleen at sinunggaban ako ng halik. Hinabol ko siya para mag explain but I was too late to get her. It is my fucking fault.

Sobrang sakit makitang nasasaktan si Jell nang gabing iyon at ako pa ang may dahilan nun. Hanggang ngayon ay pinagsisihan kong wala ako sa tabi niya.

Tumayo ako at sa pagtayo kong iyon ay kwinelyuhan ako ni Jhalle. “Pag may nangyaring masama kay Jell—” I did not let him finish his statement and said “Magpapakamatay ako.” Saad ko nalang at aalis na sana ngunit biglang lumabas ang doctor.

“Mrs. Amando?” Bungad niya sa amin. Nagpunas naman agad ng luha ang mama ni Jell saka tumayo at pinuntahan ang doctor.

“The operation was successful. But there is a possibility that she may forget some events due to serious head injury and later ay ililipat na namin siya sa room at pwede niyo na siyang makasama.” Saad ng doctor.

Nakahinga ako ng maluwag. She's alive! Maging kuya at mama niya ay natuwa sa balita but, malilimutan niya kaya ako?

Sana hindi.

Hindi naman siya nabaril sa ulo eh, masyado lang napasobra ang pagtama ng ulo niya sa semento.

Umuwi muna ako sa amin upang kumuha ng gamit dahil napag desisyunan kong doon na lamang matulog sa kung asan siya. I want to be in her side until she wakes ups.

Kinaumagahan ay dumiretso na ako sa hopistal kung asan si Jell. Nang makapasok ako ay nadatnan kong mahimbing siyang natutulog sa kama niya. May benda ang kanyang ulo, at maraming mga wires ang kinabit sa kanya.

“Matthew, ikaw pala.” Bungad ng kanyang mama. I smiled as I nodded.

Nagtungo ako sa tabi ni Jell at hinawakan ang kanyang kamay. May tumulong luha sa mga mata ko.

“Jell, I'm so sorry. I should've protected you. I'm so sorry.” Humikbi ako sa tabi niya. There is no responses from her.

“Please wake up Jell. I miss you so much.” I said, full of tears.

Gustong-gusto ko nang marinig ang boses niya. I miss her so bad.

Bumukas nag pinto at bumungad sa amin si Jezreel, ang kaibigan niya at sa likod nun ay Jhalle na masama ang tingin sa akin.

Di ko siya masisisi kung magagalit siya sa akin, dahil in the first place, nagalit rin ako sa kanya nang mamatay si Alyana. Siya ang sinisi ko kung bakit ako nawalan ng kapatid, at ganun rin siya sa akin.

“Umalis kana.” Jhalle said but I did not give a damn. Gusto kong makita ako ni Jell kapag nagising na siya.

Mabilis natapos ang araw. Wala kaming ginawa at buong araw na naghihintay pero hindi pa rin nagigising si Jell.

Please wake up.

***

Umaga nun nang kausapin ako ng kanyang ina na kung pepwede raw ay mag aral kami ni Jhalle at wag kaming mag skip ng klase dahil nandun na din naman daw siya at magbabantay.

Nung una ay ayokong pumayag kaya lang tinakot kami na di kami papapasukin kung di kami mag-aaral kaya naman wala kaming choice kung hindi, sundin iyon.

Kasalukuyan akong inaantok sa discussion ng guro at paulit-ulit na tumitingin sa relo ko. Napatingin ako sa katabi kong upuan, kumusta kaya si Jell?

Is she awake?

Buong araw nanaman akong nabored ngunit naisipan kong magtake note at gumawa ng reviewer ni Jell dahil malapit na ang aming examination.

Nang uwian ay dumaan muna ako sa locker ko lara mag-iwan ng gamit ko. Habang naglalakad ay di ko maiwasang di makarinig ng usap-usapan tungkol sa akin.

Syempre, gwapo e. May nakasalubong pa akong nagbigay ng chocolate na may loveletter.

“I-I like you, Matthew.” She embarrassedly said. Nginitian ko siya at halos mangisay siya sa kilig. “Sorry, but my heart is only inteded for someone.” I said and walked away.

Binigay ko sa lalaking nakasalubong ko ang loveletter and chocolate na iyon. “She said, she likes you.” Mensahe ko pa at naiwan siyang nagtataka.

Bahala nga sila jan.

Nagtungo ako sa flower shop at sa fruit stand para bumili ng ibibigay ko kay Jell. Nang matapos ay, nagtungo na ako sa hospital para dalawin siya.

Kumatok ako bago ko tuluyang binuksan ang pinto. “Is she awake?” Tanong ko pa. Malungkot naman na umiling ang kanyang Mama.

Lumapit ako sa kanya at malungkot na tinitigan siya. “Hey Jell. It's me. I bought something for you.” Malungkot kong sabi.

Mahimbing lang siyang natutulog at di ko alam kung naririnig niya ba ako o wala.

I think anytime ay tutulo ang luha ko. “I miss you, Jell. Please wake up.” Saad ko pa saka hinawakan ang kamay niya.

Buong araw akong nakatambay doon para bantayan siya at antaying magising.

Pero weeks passed ay di pa rin siya nagigising.

I hoped na weeks lang nga, I don't know anong mararamdaman ko kung aabot pa siya ng taon. Mababaliw ako.

***

Kasalukuyan akong naglalagay ng dekorasyon sa kwarto niya. Wala ang mama niya, at ako ang naiwang mag bantay. Umalis rin si Jhalle dahil may pupuntahan lang daw.

Today is her birthday and I want her birthday to be special. I put some balloons, lanterns and so. May mga tarpaulins din akong nilagay.

I bought tables para paglagyan ng pagkain niya and yung makakain naman ay mula sa restaurant nila.

Maya-maya pa ay dumating na sila tita at ang nakasimangot na Jhalle kasama niya si Jez.

“Gising na ba siya?” Masungit na tanong ni Jhalle. “Nakita mo bang nakabukas ang mata?” I irritatedly said. “Tsk.” Singhal pa niya.

Napailing nalang si Tita sa amin. Natahimik kaming lahat at napatingin kay Jell na mahimbing na natutulog. Kelan pa ba siya magigising? Masyado ba siyang na-shock at natatakot ng gumising?

Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Hey, Jell. Today is your birthday. Please wake up.” I sadly said while my tears are starting to burst.

Napabuntong hininga naman sila nakita kong napaupo sila sa couch. Maging sila ay malungkot na naghihintay sa pag gising ni Jell.

Mag aalas singko na ng hapon ay wala pa ring sign na gigising siya. “Matt, eat some.” Ani Tita. Wala pa nga pala ako kain mula kaninang umaga.

“Take a rest too. Di niya magugustuhang di mo inaalagaan ang sarili mo.” She emphasized.

Bumuntong hininga ako saka malungkot na nginitian siya. “Okay po, tita.” Tumayo ako saka kumuha ng plato sa may table at nilagyan ito ng makakain. Halos di nabawasan ang mga pagkaing dala nila dahil kakaonte lang naman kami.

Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang papa niyang napanganga. Ngayon ko lang halos nakita ulit ang papa ni Jell since his working on Thailand.

“Hon, What happened?” Di makapaniwalang tanong ng papa niya habang nakatingin kay Jell.

“L-let's talk outside.” Napayuko naman ako nang sabihin iyon ni Tita. Nakakahiya sa kanila na sa kabila ng kasalanan at kapabayaan ko ay hinayaan nila akong dalawin si Jell.

Si Jhalle lang ang may galit sa akin e.

Lalabas na sana sila tita, at uupo na sana ako sa couch nang may marinig akong di inaasahang pangyayari.

“B-bakit ako nandito?” Lahat kami ay napalingon at di makapaniwalang lumapit kay Jell.

“Oh my. Jell! Gising kana!” Jez shouted with excitement.

I smiled.

She's awake. Finally.

Dinaluhan namin si Jell at samu't-saring tanong ang sumalubong sa kanya ngunit laking pagtataka nalang namin nang hindi siya nagsalita maskin na isang word.

Kunot lang ang noo niya habang nakatingin sa amin at sa wakas ay napansin iyon ng magulang niya. “What's wrong ija?” Her father asked.

Tahimik kaming lahat at hinihintay ang sagot niya ngunit lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.

“S-sino kayo?” She curiously asked. Napatakip ng bibig si Tita at agad na napaluha kaya niyakap siya ni Tito.

Kumunot naman ang noo naming pareho ni Jhalle at maging si Jez ay di makapaniwala.

“A-anong sino kayo? Di ka naman binaril sa ulo, anong pinagsasabi mo?” Ani Jhalle na may halong inis.

Nanatiling blanko ang emosyon at reaksyon ni Jell. Nakatitig siya sa amin at kalaunan ay inilibot niya ang mata niya sa silid.

“Saan ako?” Tanong pa niya.

Aangal pa sana si Jhalle ngunit tinapik ko siya sa balikat dahilan para mapatingin siya sakin. “Let her rest.” Saad ko pa at mapait siyang nginitian.

Lumapit ako sa kanya. Medyo nagtataka at may kaunting takot sa mata niyang makita ako. “Si-sino ka?” She asked. Parang kinukurot ang puso ko.

Masakit pala pag hindi kana kilala ng taong mahal mo. Hindi ko siya sinagot, hinawakan ko lang ang kamay niya.

“If your mind forgets, I know your heart doesn't. I'll make you remember who am I. Just like how you made me remember who you are.” Matapos kong bigkasin iyon ay may tumulong luha sa mga mata ko.

Ngayon alam ko na sa pakiramdam ang makalimutan ka ng taong mahal mo.

I'm sorry Jell.

I know nasaktan kita noon nang hindi kita maalala. At ang malala doon, tinaboy pa kita ng paulit-ulit. Ngayon naranasan ko na.

Mahirap pala...

***

Isang linggo ang makalipas ay hindi pa rin bumabalik ang ala-ala niya. Ewan ko ba kung bakit ang tagal.

Well, di ko naman siya pwedeng biglain. I can wait naman.

It is five in the afternoon and ready na ang mga nakaplano kong gawin para maalala niya ako.

It's been a week since I started to make some effort for her to remember me.

I brought her to the resort where we argued last time. I also brought her to the burol where we used to hang out. I also bought her favorite snacks and made her read the story she made. But I don't think those things worked.

For the nth time, I hope my plan works.

Sumakay na ako sa kotse ko saka minaneho ito patungo sa bahay nila Jell. I came to pick her up.

“Asan si Jell?” I asked Jhalle.

Kumunot naman ang noo ni Jhalle aa akin. “At saan mo nanaman balak dalhin ang kapatid ko?” Aniya. Nagkibit balikat lang ako.

“In a place that is paradise.” Pabirong sabi ko pa. For this past few weeks ay naging maayos na ulit kami ng gunggong na to. Sobra pa kasi siya sa babae kung mag palit ng mood e.

“Mukha mo paradise.” Singhal niya pa kaya napailing na lamang ako.

Maya-maya pa ay naaninag ko na si Jell na bumababa sa hagdanan wearing those beautiful face she have. 

She's so lovely that my heart skips a beat.

“Let's go?” I excitedly said.

She smiled sincerely. “Sure.” I don't kniw kung sinasabayan niya lang ba ako o ano, pero sana magaan ang loob niya.

Hindi na kasi siya ang maingay at masungit na Jell na kilala ko. Something's off in her. Maybe because of her memory loss.

“Ingatan mo kapatid ko, Matt.” Bilin ng gurang niyang kuya. “I will.” Saad ko at hinila na palabas si Jell.

Pinagbuksan ko muna siya ng pinto sa kotse bago ako tuluyang sumakay. Tahimik kami sa buong byahe kaya sinubukan kong basagin iyon.

“How are you?” I asked. I glanced at her and I can see her serious looks.

“I'm fine.” Matapos niyang sabihin iyon ay di na siya muling nag salita. Hays.

Tahimik lang kami hanggang sa marating namin ang destinasyon namin. “We're here!” I excitedly said.

“Perya?” She asked. Nginitian ko naman siya. Lumabas na ako ng kotse ko at pinagbuksan siya ng pinto.

“Yes. Do you remember anything?” Tanong ko pa nang makita kong kunot ang kanyang noo. Umiwas ito saka umiling.

“Nothing.” Nalungkot naman ako sa kanya. Ngunit nginitian ko lang siya. “Then, I'll make you remember everything. Let's go!” I proudly said.

Inikot namin ang buong perya. Nauna kaming nagtungo sa may shoot the ring kung saan kapag naka shoot ka doon sa kanilang standee ay may katumbas na pera kang makukuha.

“This is for you, Jell.” Sabi ko pa sabay shoot nung ring. And luckily, na shoot ito sa may five hundred. “Nice shot.” Komento pa niya. Nginitian ko naman siya saka hinila siya sa may parte ng barilan.

Kung saan may katumbas na premyo ang matatamaan mo sa display nila. “Try this.” Saad ko pa at binigay sa kanya ang laruang baril. Nung una ay ayaw niya pang tanggapin ngunit kinuha niya rin ito nang ipilit ko.

Naubos ang bala niya nang wala siyang natamaan kaya natawa naman ako. “Umay, nu ba yan. Ayaw mag patama e.” Inis niyang sabi. Kinurot ko naman ang pisngi niya.

“Ganto kasi yun.” Saad ko pa at nag-aim ng tatamaan. Inaim ko yung may malaking stuffed toy na premyo. Nung una ay di ko natamaan kaya naman ay kinantyawan niya ako.

“Bulok naman pala tirada mo e.” Aniya. Natawa naman ako at napailing. Nang i-aim ko ulit ang target ko ay saktong natamaan ko. “Sinong bulok ngayon?” Pagmamayabang ko pa.

“Galing sir.” Komento ng taga-bantay sabay abot ng stuffed toy na malaki. “Hey, this is for you.” Sabi ko pa at inabot sa kanya ang Stitch. Nakita kong namula si Jell kaya mabilis niyang kinuha ang toy at tinalikuran ako.

“Walang forever!”

“Magbebreak din kayo sa twentitri!”

I heard some kids shouting at us. Pero binalewala ko lang iyon. Nabigla ako nang hawakan ni Jell ang kamay ko dahilan para biglang tumibok ng malakas ang heart ko.

“Tara sa horror house.” Aya niya pa. Hinayaan ko lang siyang hilain ako at nang makarating kami doon ay nagbayad na ako ng ticket namin.

Nang makapasok kami ay tahimik sa loob, hawak niya pa rin ang kamay ko. Nung una ay white lady ang lumabas, sumunod naman ay pugot ulo.

Hindi sumisigaw ang katabi ko, maging ako. Paano ba naman? Sanay na kami sa ganoon noon. Maingay lang yung mag jowang sumunod sa amin. Panay sigaw ang babae kahit di naman nakakatakot.

“Boring naman ng horror house nila. Di naman nakakatakot.” Inis niyang sabi. Paano siya matatakot e totoong multo ang nakakausap niya noon? Not sure pero base yun sa panaginip ko at sa mga sinulat niya.

Sinabi ko na sa panaginip ko lang siya nakasama noon, and then ngayon? Kaharap ko na. Uncertain ako sa mga event sa panaginip ko kung totoo ba talaga iyon na nangyari, lalo na nung iniwan ko raw siya sa ferris wheel. But when I read her story, doon ko nakumpirma na totoo pala.

“Let's ride on a ferris wheel.” Aya ko pa. Napahinto siya at napayuko. Di ko alam kung bakit, pero parang bigla siyang nalungkot.

“Ferris wheel? Nanaginip ako noon na iniwan raw ako sa ferris wheel.” She said. Napakunot naman ang noo ko.

Wait, she is remembering something!

“I'm here.” Sabi ko pa at hinawakan ang kamay niya. Nagtungo ako kami sa pabilihan ng ticket. Bumili ako saka  pumunta na kami sa pila.

Maraming sumakay at mabuti nalang nakahabol pa kami.

Tahimik kaming pareho habang dahan-dahan nang pinaandar ang ferris wheel.

Nilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang Perfect sa playlist ko. I don't know why but this song became my favorite.

“Uhm Jell...” I called ger attention. She looked at me. Katabi kami kaya dinaluhan ko ang kamay niya.

“Do you know that, sumakay na rin tayo sa ferris wheel noon?” Tahimik siya at nakikinig.

“But that moment was the most heartbreaking one. Iniwan kita at masyado nang matagal kitang inalala and  I'm so sorry for that.”

“Hindi mo naman kasalanan na bumalik ka sa katawan mo e. At hindi mo rin kasalanan na di mo ko maalala.” Napalingon ako sa kanya nang bigla niya akong sinagot. She's in tears.

“Do you remember me now?” Nagningning ang aking mata nang tanungin ko iyon. Dahan-dahan siyang tumango. “Yes, few days ago.” She said.

“I-I was just—” Hindi ko na siya pinatapos mag salita at hinalikan ko na siya.

Biglang nag stop ang pagikot ng ferris wheel at kasabay nun ay ang pag putok ng fireworks.

Mabuting sumakto si Jhalle doon. Akala ko papalpak e.

Our kiss lasted for minute before we both parted our lips.

“Ang saya ko Jell. Ang saya-saya ko.” I happily said and kissed her again. Bumitaw ako at napangiti. “I am also happy.” she emphasized.

“You know what? Alam ko na kung bakit tayo umabot sa puntong ito. Remember last time? Umalis ako at iniwan ka sa ferris wheel? But now, look. I am here with you. Sabay na nating tatapusin ang view'ng ito at sabay tayong bababa. And another is, kahit na kamuntikan na akong mamatay noon ay nandito pa rin ako kasi binigyan ako ng Panginoon ng isang pang pagkakataong ituloy ang pagmamahalan nating naudlot noon.”

“I love you Jell. And from now on, I'll stay with you until our hair turns white.” I smiled and then I kissed her again.

Nang bumitaw ako sa halik na iyon ay ngumuso siya. “Nakakailan kana ah.” Puna pa niya. I patted her head.

“I love you too, Ehan. Peksman mamatay man.” She said and hugged me.

This was one of the best moments in my life and all I can say is that, love will find its way.

-END-

Continue Reading

You'll Also Like

238K 354 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
743 186 43
In the realm of "we should be," I find myself rewriting our destiny alone. How did it come to this? What unfolds as I forge my own path, guided by a...
168K 3.8K 34
A horror-comedy-suspense-slight erotic story...
35K 1.2K 26
Si Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kay...