My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 54

273 25 17
By drazzzzyyyy

Tahimik ang buong paligid. Walang estudyante ang nagtangkang magsalita. Marahil ay takot sila kay Ehan na ngayon ay gumagawa ng tensyon sa pagitan namin.

Dinig ko ang bilis ng aking paghinga at ramdam ko ang lamig mula sa juice na ibinuhos sa akin.

Nanatili akong nakatalikod sa kanila. Hinintay ko ang sasabihin niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

“What's wrong, babe?” Rinig kong tanong sa kanya ni Coleen.

“Coleen...” Pagtawag niya. Napakaamo ng kanyang boses kaya napapikit ako at napayuko.

Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko dahil alam kong ipaparinig lang niya sa akin kung gaano niya kamahal si Coleen. Na... Kahit ano pa man ang mali niyang nagawa, ay siya pa rin ang pipiliin nito.

Alam ko na yun eh. Di niya na kailangan pang paulit-uliting ipamukha.

Humakbang ako ng isang beses ngunit napatigil ako nang para bang bigla akong nabingi sa sinabi niya.

“Let's break up.” Seryoso ang kanyang boses.

Rinig kong may mga bulung-bulungan. Nilingon ko silang dalawa. Masyadong seryoso si Ehan sa kanyang sinabi ngunit sa kabilang banda bakas ang pagtataka sa mukha ni Coleen.

“W-what? Why?!” Di makapaniwala niyang tanong. Walang kibo si Ehan. “No.” Pagtanggi ni Coleen sabay hawak sa pisngi ni Ehan at sinunggaban ng halik.

Napangiwi ako. Di ko alam kung magagalit ba ako, mandidiri o maawa sa desperadang Coleen.

Mabilis na inilayo ni Ehan si Coleen sa kanya dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. Naglakad papalapit sa akin si Ehan.

Inalis niya ang long sleeve polo niya at itinakip sa akin. Medyo bakas pala ang aking inner since nabasa ako kanina.

“Let's go.” Saad ni Ehan sa akin. Di ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko dahil di nagsisink-in sa utak ko ang sinabi niya.

Ngunit di pa kami nakakalayo ay may humila sa buhok ko kaya napasigaw ako sa sakit.

“So, she's the reason huh?” Aniya at ngumisi ng nakakaloko.

Mahigpit na hinawakan ni Ehan ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko. “Let her go.” Seryosong wika ni Ehan ngunit tila ba nababaliw na si Coleen.

“Okay, pero di tayo magbebreak.” Aniya. Kita ko sa mata ni Ehan na naiinis na siya at parang ano mang-oras ay papatulan niya na si Coleen.

Ikinuyom niya ang kanyang kamao.

“I've never been inlove with you, Coleen. And there was never an us.” Bumuntong hininga siya. “I was just your self-proclaimed boyfriend, but I've never considered you as mine.” Pagpapatuloy niya.

Kita ko namang kumalma si Coleen. Kung ako sa kanyang kalagayan ay masasaktan ako sa mga salitang iyon.

Nagstay siya sa tabi ni Ehan pero wala palang pakiramdam si Ehan para sa kanya. Ngunit bakit?

Tsaka, ano yung mga paghalikan nila, yakapan, at sweetness na nakikita ko? Ano yung sabi ni Ehan na mahal niya si Coleen? Palabas lang ba ang lahat ng iyon? Ngunit para saan? Malinaw para sa akin na mag jowa ang dalawa ngunit ano ito?

Ba't napakagulo?

“Oh right. It was one sided love. I love you but you love her. I was by your side but you want to be in her side. How cruel you are.” Aniya at binitawan ang buhok ako. Tumalikod siya at napayuko.

“Masyado mo akong nadala sa mga sweetness mong plastic. Pinaasa mo ako. Pero I won't let it slide. Wait for my return.” Saad pa niya bago kami tuluyang iwan.

Okay?

What was that?

Di nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyari. Ang sweet nila e, sobrang sweet. Kitang-kita ko yun gamit ang dalawang mata ko mismo. Pero walang sila?!

“Come on.” Bumalik ako sa wisyo ko nang magsalita si Ehan at inalalayan akong maglakad.

Habang naglalakad kami sa di ko matukoy kung san ang patutunguhan, ay di ko maiwasang mag isip.

“Why...” Wala sa sarili kong wika. Naramdaman kong ginulo niya ang aking buhok at di man lang siya nagsalita.

Nakarating kami sa garden ng paaralan na kung saan madalas akong kumakain dito, at siya naman ay natutulog dito.

Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa upuan. “Wait here.” Aniya at aakmang aalis na ngunit hinawakan ko ang braso niya.

“B-bakit?” Naguguluhan kong tanong. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na may iilang distansya lang ang layo. Pinitik niya ang noo ko. “To buy you some clothes, crazy woman.” Aniya at tumawa ng mahina.

Tila ba nahipnotismo ako sa mga tawa niya. Napakatotoo itong tignan at napakasarap pagmasdan. Binitawan ko siya at gulat ako ng bigyan niya ako ng mabilis na halik.

“Babalik ako.” Saad pa niya at nagsimula ng maglakad papalayo. Napahawak ako sa labi ko at tumingala sa langit.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Kakasimula palang ng araw ko, dami na agad bumungad sa akin. Yung una, kay Alyana. At ngayon, ito? Sumasakit ulo ko e.

Napatingin akonsa relo ko at late na nga talaga ako. Hayaan mo na, kasama ko naman si Ehan eh.

Di ko lang maintindihan kung bakit di niya magawang mahalin ang taong laging nasa tabi niya? She patiently waits for Ehan to be awake tapos pag gising niya, hindi pa rin pala siya mahal. 

Kung ako sa posisyon niya, baka pinatay ko na ang monggong Ehan. Pasabi-sabi pang 'kiss mo ko' tapos di pala niya gusto si Coleen. Sarap kaltukan e.

Gulat akong napalingon sa may bandang likuran ko nang may isang malakas na kaluskos akong narinig.

Huh?

Tumayo ako at nilapitan ko ang isang bush nang mapag-alamang doon nanggagaling ang tunog.

Dahan-dahan kong hinawakan ang bush at marahan itong tinignan.

“Aaah!” Napasigaw ako nang may biglang tumalon na palaka. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis nang tibok ng puso ko.

“Letse kang palaka ka.” Saad ko pa. Ngunit napakunot ang noo ko nang may nakitang tali sa katawan niya.

Sinundan ko kung saan ang dulo nito at may nakita akong papel na naka nakatali na para bang isang diploma.

Bago pa man makalayo ang palang ito ay kinuha ko ang papel na iyon at binuksan ito.

Muntik ko nang mabitawan ito dahil sa nakakatakot na drawing at sulat. 'See you soon' Yun ang nakasulat sa papel at may drawing na isang bungo at matatalas na ngipin.

Singpula ng dugo ang tinta na ginamit. Hindi kaya dugo ito gaya nang mga nakikita ko sa palabas?

“What are you doing?” Muntik akong mapatalon sa boses ni Ehan. Agad kong itinago ang papel sa likuran ko saka pasekretong nilukot ito.

Tinignan niya ako nang isang mapaghinalang tingin. Kaya tinapon ko ang papel sa kung saan ko ito nakita. Baka nasabit lang ang palaka kaya niya dala yun.

Nilapitan ko si Ehan saka umiwas ng tingin. “Wala.” Saad ko pa saka nagkibit balikat.

“Here.” Aniya at iniabot sa akin ang paperbags na dala niya. Kinuha ko ito at naglalaman ito ng bagong underwears at bagong uniporme.

Wow?

“Thank you.” Wika ko saka nginitian siya. Umiwas siya ng tingin saka kita kong namula ang kanyang tenga.

Huh?

“Magbihis kana. You...you're tempting me.” Aniya at naglakad papalayo sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Anong nagyari sa taong yun?

Bahala na nga.

Nagkibit balikat na lamang ako saka nagtungo sa comfort room.

Wala sa sariling napangiti ako. Ewan ko ba, parang gumaan ang pakiramdam ko. Napakademonyo ko talaga.

“Feeling happy?” Medyo kinilabutan ako nang ibulong yun ni Coleen sa kakaibang tono. Nakasunod pala siya sa akin.

Dumeretso siya sa sink at naghugas ng kamay. “You should be.” Dugtong pa niya. Di ko alam pero nagtindigan ang mga balahibo ko. Kakaiba ang kanyang awra at ang nakakakilabot pa niyang ngiti.

Di ako kumibo. Hinayaan ko lang siya sa kung anong gusto niyang gawin. Ibang-iba ang emosyong kanyang pinapakita kumpara sa kanina. O baka, guni-guni ko pang iyon?

“See you soon.” Saad pa niya saka kumindat at nagflying kiss pa. Napangiwi naman ako. Kadiri. Ngunit kinilabutan ako sa sinabi niyang iyon.

Naalala ko yung papel na nakita ko. Ang creepy.

Nagkibit-balikat ako saka binilisan nalang ang pagbihis. Saktong-sakto lang ang uniporme sa akin. Hindi maluwang, at hindi rin masikip. Napangiti ako. Paano niya kaya nalamang sasakto sa akin iyon?

Matapos kong magbihis ay bumalik ako sa hardin kung saan naghihintay si Ehan.

Nang nakarating ako doon ay nadatnan ko siyang nakapangalumbaba. Naramdaman niyang dumating ako kaya mapungay niya akong tinignan.

“Tagal mo naman.” Puna pa niya. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Layo e.” Saad ko pa saka naupo sa tabi niya.

Nakaramdam ako ng kaunting awkwardness sa pagitan naming dalawa. Marahil ay di ako sanay na okay kami, at di niya ako pinagtatabuhayan. At matapos ang pangyayari kanina ay mas lalo akong naawkward.

Tahimik kaming pareho. Tanging paghampas ng hangin sa mga puno at ingay ng ibon ang halos maririnig hanggang sa di kinaya ng kyuryosidad kong magtanong.

“Bakit ka nakipagbreak sa kanya?” Tanong ko pa. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Bumuntong hininga siya. “Nasabi ko na kanina.” Aniya.

Sumimangot naman ako. Kahit kelan talaga e di nakakausap ng matino tong taong to.

“Mahal ka niya. Di mo ba siya mahal?” Iniba ko naman ang tanong ko at umasang sasagutin niya ako ng matino ngunit nagkamali ako.

“Why ask the obvious?” Letse talaga. Di obvious na hindi niya mahal si Coleen. Ang sweet kaya nila.

Napanguso naman ako ngunit nabigla ako ng hawakan niya ang baba ko at hiniharap sa kanya. Bumilis ang naging pagtibok ng puso ko at umiinit ang pisngi ko dahil sa mga titig niyang nakakahipnotismo.

“Wala akong nararamdaman sa kanya, never nagkaroon...” Tumalikod ito at may kinuha. Inilabas niya ang black notebook na may laman ng ala-ala naming isinulat ko. “Ang notebook ko!” Turo ko pa.

“...I remembered everything. I'm sorry, pinaghintay kita. Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko. Hindi pa dapat ngayon e. Kaso, di ko na kayang maghintay pa ng matagal. Di ko kayang makitang masaktan ka. Nasasaktan din ako.”

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang sabihin ang mga bagay na gusto niyang sabihin. Nanatili akong tahimik.

Nabigla ako nang halikan niya ako.

Napakalambot, napakalambing at napakatamis ng halik niyang iyon kaya napapikit ako. Ilang segundo ang tumagal bago siya bumitaw.

“I'm really inlove with you, Jell. So bad. Noon pa man ay ikaw na. And I will do everything to make you mine. Again.”

A/N: Hi! Thanks for reading. Pagpasensyahan niya na ang last part na parang tanga. HAHAHAHAH. I hope you enjoy it.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 632 63
Si Isabelle ay isang magandang dilag na umay na umay na sa trabaho niya bilang tagabunot ng uban kina Aling Maria. Gusto niya ring gumala, pumunta sa...
618K 9.4K 65
COMPLETED BOOK 1 [ HIGHEST RANK: #1 in VAMPIRE -05/11/18 ] Si Lucy ay isang simpleng dalaga na mayroong simpleng pangarap. Ang mabigyan ng HUSTISYA...
3.3K 91 10
Paano kong magbago nalang bigla ang kinagisnang mong buhay dahil sa pagbabalik ng nakaraan nakaraan na magpapaliwanag sayo kong ano ba talaga ang tot...
666K 3K 6
Rank # 15 in FANTASY category as of 02/12/17 STRICTLY NO PLAGIARISM! PLAGIARISM IS A CRIME. -missfries