My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 49

312 25 18
By drazzzzyyyy

“Uy Jell, anong nangyayari sayo?!” Alalang tanong ni Ehan sa akin.

“A-allergy!” Daing ko pa nang hirap na hirap na akong huminga. Di ko naman alam na may pipino pala iyong kinilaw na binigay sa akin ni Jez.

Di alam ni Jez na may allergy ako sa pipino kaya heto ako ngayon, sumisikip ang dibdib at ilang minuto lang mag papass out nanaman ako.

Kakaiba lang ano?

“Allergy saan?!” Sigaw niya habang niyuyogyog ako kaya mas lalo akong nahilo.

Kahit kelan talaga 'tong multong to. Di nag-iisip.

“Pipino...” Matapos kong sabihin yun ay nawalan na ako ng malay.

“Hmm...” Usal ko pa at may naramdamang luha sa mata ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at unang nakita nito ay si Jeriche na nakangiti. Agad kong pinunasan ang luhang iyon dahil baka maging muta pa.

Napakapangit ng panaginip ko.

Pinaalala ba naman yung araw na sabay naming kinain ni Ehan ang kinilaw na gawa ni Jez.

Bigla ko lang namiss. Yung panahong makikikain si Ehan sa amin na kung minsan ay aasarin ko muna bago ko bibigyan.

Dahan-dahan akong bumangon.

“Here, let me help you.” Saad ni Jeriche at inalalayan akong makaupo.

Napatingin ako sa damit ko at nakitang mula kagabi pa ito. Naaamoy ko na rin ang masangsang na amoy ng katawan ko.

Kadiri, yak.

“Jeriche? M-may damit ka bang pwedeng masuot? W-wala akong dala at isa pa, wala akong ligo.” Nakayuko kong sabi at napapikit nalang sa hiya.

Di naman kasi ako inform na makakarating pala kami dito. Masyadong biglaang trip e.

Ngumiti ito saka ginulo ang buhok ko. “I bought you some when you're asleep.” Aniya.

Tinignan ko ang paperbags at nakita roon ang mamahaling mga tatak. “Mukhang, napagastos ka pa yata.” Nag palingon-lingon ako at hinanap ang pitaka ko.

Asan na ba yun? Sana may laman naman yun kahit papaano. Mukhang malaki ang mababayaraan ko sa lalakimg 'to. Di naman ako inform na bibili siya ng mga damit mula sa mamahaling brand. Eh ayos na ako sa mumurahin lang e.

Kuripot kasi ako, ayokong gumastos ng malaking halaga.

Napabuntong hininga na lamang ako nang hindi ko makita iyon. “Ano ba kasing hinahanap mo?” Tanong niya nang mapansing palingon-lingon ako at inaalsa ang bawat unan na nakalapag. Baka kasi naipit doon.

“Di ko mahanap yung wallet ko, babayaran na sana kita.” Saad ko pa at nagpatuloy sa paghanap ngunit napatigil ako nang hawakan niya ang mga kamay ko na tila ba pinipigilan.

Napatingin ako sa kanya. Sandaling nagkatitigan kami. “Sabi ko sayo, kung babayaran mo ako e—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto at biglang kumalampag ng malakas.

Napahinto kami at kunot noong napatingin sa lalaking kasalukuyang nasa sahig at nakadapa.

Anong ginagawa niya dito?

Tumayo ito at kamot ulong humarap sa amin.

“So-sorry, may tumulak sa akin at di ko alam na bukas pala kaya dumiretso ako.” Palusot ni Ehan habang nakatingin sa baba.

Blanko ko siyang tinignan at nang umangat siya ng tingin ay sandaling nagtama ang aming paningin. Puno ng pag-aalala at kyuryosidad ang namutawi sa kanyang mga mata.

“Really?” Pagdududang usal ni Jeriche.

Nag fake cough naman si Ehan. “A-ah sige, baka hinihintay na ako ni Coleen.” Aniya at dali-daling tumakbo palabas.

Napailing na lamang ako.

“Jeriche, okay lang bang maligo na muna ako?” Sabi ko pa. Tumayo naman ito saka ginulo ang buhok ko at ngumiti. “Go ahead.” Aniya at tuluyan na ring lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumungo sa mga paperbags na nakalatag sa may table.

Sinuri ko isa-isa ang mga damit at tamang-tama lahat iyon sa akin. Wala masyadong revealing doon kaya okay na okay. Galing din nuyang pumili ah?

May mga panligo rin ngunit hindi ito two piece or one piece. Conservative yata to si Jeriche at balot na balot ako pag liligo.

Kinuha ko yung off-shoulder na white at pinaresan ito ng shorts. Babagay naman siguro iyon sa akin.

Nagtungo ako sa banyo upang mag shower. Habang nakatingala at dinadamdam ang tubig ay di ko maiwasang mapaisip.

Bakit ganun na lamang ang inaasal ni Ehan tuwing ganun ang pag-uusapan namin ni Jeriche?

Minsan napapaisip akong sinasadya niya ang mga iyon at hindi aksidente lang. Tulad nalang ngayon, sa kwarto, di nanaman bubukas ang pinto kung di pipihitin.

Tapos kanina, bigla siyang natumba sa harap namin, knowing na malaki kami at klarong-klarong andon kami.

Dumadag pa yung hinimatay ako sa allergy ko. Papaano niya iyon nalaman?

Di kaya nakakaalala na siya?

Kung wala naman, bakit niya naman gagawin ang mga iyon? May gusto ba siyang ipahiwatig? Nagpapakita ba siya ng senyales?

Pero kung iisipin mong mabuti, bakit niya rin naman talaga gagawin ang mga iyon gayung may jowa siya? At kung titignan mo naman, masaya naman sila. Tsaka, imposible namang gagawa si Ehan na ikakasira nila diba?

Sinampal-sampal ko ang sarili ko.

Wag mo na kasing pahirapan ang sarili mo Jell. Wala nang pag-asa, mag move-on ka na!

Pero kasi, yung mga emosyon na ipinapakita niya sa mga mata niya, yung mga galaw niya, parang may mga ibig sabihin.

Pwede ring, nagkataon lang talaga.

Bahala na nga. Mangyari na kung ano man ang dapat mangyari. Ang importante, kakayanin.

Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako nang kwarto at naisipang pumunta sa dalampasigan.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay tinawag ako nang kasalukuyang nag-iinumang tatlo.

Broken hearted ba sila at kelangan nilang uminom?

Tumungo ako sa table nila at nilagyan nila ng alak ang baso. Iniabot ito ni Coleen sa akin. “Here.” Aniya. Mukhang di pa naman sila lasing.

Umiling ako. Di naman kasi ako umiinom.

“Kayo nalang. Di ako umiinom.” Tanggi ko pa saka tumingin sa parang stage ng building na 'to. May nagseset-up kasing banda.

Napatingin ako sa relos ko at mag fa-five pm na pala. Grabe, ang bilis ng oras at di ko namalayan. Parang kanina lang ay kakagising ko lang doon sa bahay nila Ehan tapos ngayon? Five na pala.

“Ang kj mo naman. Sige na, minsan lang e.” Pilit ni Coleen. Tinitigan ko ang baso at tatanggapin ko na sana nang biglang may humablot nito at derederetsong nilagok.

“Ba't mo ininom?! Sa akin yun eh!” Inis ko pang salita at matalim na tinignan si Ehan. Pakealamero talaga kahit kelan. “Oo nga babe eh, kakatapos mo lang uminom oh.” Pag sang-ayon naman ni Coleen.

Nagkibit-balikat lang ang gago. “Tagal mo kasing kunin eh.” Aniya at tumingin sa may stage.

Nilagyan nanaman ulit ni Coleen baso at iniabot ito sa akin. Sa ikalawang pagkakataon ay may humablot nanaman.

“You shouldn't drink Jell.” Ani Jeriche.

Kumunot naman ang noo ko.

Nakakadalawa na kayo ah. Kung ayaw niyo akong painumin, sana di niyo nalang ako tinawag diba? Nakapagenjoy pa sana ako sa may beach.

“Sige na. Sa inyo na yan! Di na ako iinom.” Pagmamaktol ko pa at di na sila nilingon.

Bahala nga sila jan. Kaya ko ring bumili niyan e, kala niyo ah. Pag ako nakabili, di ko kayo aayain uminom!

Ginulo ni Jeriche ang buhok ko. “Good girl.” Aniya ngunit di ko pa rin siya nililingon and so, i heard him chuckled.

Tahimik ko lang silang pinapanood na mabilisang nilalagok ang alak. Napakadaya naman nila. Sarap na sarap sila sa iniinom ngunit ako? Pinapanood ko lang sila tas tamang inom lang ng juice.

Siniguro kong di na pipino juice to dahil for sure, magpapass out nanaman ako.

Nakakailang tugtog na ang banda sa harap ngunit sa isang kanta lang ako higit na nahooked. Sa unang tunog palang ay kanta na ng December Avenue na pinamagatang 'Kahit di mo Alam'.

“Ipikit mo na ang 'yong mata,
Di pa rin naman mag-iiba,
Nabalutan ng poot ang puso mo...”

Nanood lang ako sa bandang kumakanta habang sila ay patuloy lang sa pagkekwentuhan.

Di naman poot ang bumalot sa puso ko, sakit yung bumabalot e. Napakasakit makita na naghahalikan sila sa harapan ko ngayon ngunit di ko sila maaring pigilan dahil wala naman akong karapatan.

“Tila malimit kang ngumiti ngayon,
Di ka rin naman ganyan noon,
Naubusan ng tibok ang puso mo...”

Kung dati, napakamasayahin mong multo. Pero ngayon, napakabusangot mong tao. Ibang-iba ka nung una kitang makilala, halos ikaw yung nagpapatawa, ikaw yung mukhang tanga. Pero sa paglipas ng araw, nang makita kita ulit, iba kana. Pati tinitibok ng puso mo ay iba na.

“Kulang na ba ang mga ulap, sa langit at buwan? Di kana babalik, sa lilim ng ulan?”

Di kana ba talaga babalik sa dating ikaw?

Napasulyap ako sa kanilang dalawa na dikit na dikit at masayang nagkwekwentuhan. Si Jeriche ay lasing na kaya, natutulog na siya ngayon sa table. Ngunit silang dalawa ay gising na gising pa.

Kinuha ko ang bote ng alak at nilagyan ang baso saka tuloy-tuloy na nilagok ito.

“Sa bawat saglit, handang masaktan. Kahit di mo alam. Subukang muli, at pagbigyan, ang ating nakaraan.”

Binagsak ko ang baso kaya napatingin silang dalawa sa akin. Kita ko kung paano nagbago ang emosyon ni Ehan.

Mula sa pagtatawanan nila, ay biglang sumeryoso ang kanyang itsura subalit hindi ko na iyon pinansin.

Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo, at init sa dibdib. Ganun pala iyon?

Di ko alam kung bakit ako biglang ngumisi. Tumayo ako at dumiretso sa may stage at inagaw ang microphone.

Gusto kong magsaya!

Gusto kong makalimutan ang sakit kahit ngayon lang!

Napakamapanakit naman ng tadhana, biruin mo? Kasasama ko yung lalaking mahal ko, at babaeng mahal niya, na naging kaibigan ko?

Ako ang tumapos ng kanta at kumaway-kaway pa. Kita ko kung paano ako sabayan ng mga tao.

Ngumiti ako habang kumakanta. Alam kong masakit ang kanta at masakit ang nararamdaman ko ngayon kaya wala akong magawa kundi ang mapangiti ako ng mapait.

Kumpara sa iba, napakababaw nito. Pero wala naman akong magagawa kung bigat na bigat na ako sa dinadala kong to at gusto kong ipalabas.

Sa gitna ng pagkanta ko ay may humawak ng braso ko at hinila ako. “Let's go!” Seryoso niyang wika.

“Oh? Ba't di mo nalang ako hayaan at makipaglandian ka nalang sa girlfriend mo?” Sabi ko pa. Tutal, di naman niya ako kaano-ano. Di rin kami magkaibigan, di rin niya ako jowa. Ano lang ba niya ako? Isang hamak na kakilala lang na kulit nang kulit sa kanya.

Humigpit ang hawak niya sa braso ko. “Arouch!” daing ko pa ngunit hindi man lang niya iyon pinansin. Letsugas naman. Napaka kj ng taong to. Nagsasaya ako e.

“You're drunk.” Puna niya pa at hinila na ako. Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas para sa payat na tulad ko.

Halos lahat ng atensyon ay nasa amin na. Nagmumukha akong kinaladkad ng tatay ko dahil may nagawa akong hindi maganda.

Nakarating kami sa may dalampasigan. Tahimik at walang tao. Tanging buwan ang nagsisilbing ilaw namin. May mga ilaw rin naman ngunit di naman ganun kaliwanag. Napakagandang tignan ang buwan.

Binitiwan niya ako kaya napahawak ako sa braso kong may marka ng kanyang kamay.

Mapait akong ngumiti.

“Ba't di mo nalang kasi ako hayaan? Gusto ko lang naman mawala ang sakit na nararamdaman ko kahit sandali eh. Napakadamot mo naman!” Saad ko at naramdamang may tumulong luha sa mga mata ko.

“Nagmahal lang naman ako nang sobra at yun ang pagkakamali ko. Nagmahal ako nang isang katulad mo kaya ako nasasaktan ng sobra pa sa inaakala ko.” Pagpapatuloy ko pa. Tumitingin lang siya sa akin.

Sinuntok ko ang dibdib niya nang paulit-ulit. “Napakadaya mo! Ang sakit-sakit e! Napakadaya!” Wika ko.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingala ako.

“Ehan naman kasi—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko at biglang bumalik ang diwa ko.

Gulat akong nakamulat lang at nakatulala sa kung saan.

He's kissing me right now!

A/ N: So, parang ewan nanaman ang update ko. HHAHAHA. Thanks for reading btw, hope you like it.

Continue Reading

You'll Also Like

743 186 43
In the realm of "we should be," I find myself rewriting our destiny alone. How did it come to this? What unfolds as I forge my own path, guided by a...
40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...
2.1K 497 99
'ʷᵃᵏᵉ ᵘᵖ ᶠʳᵒᵐ ʸᵒᵘʳ ˢˡᵉᵉᵖ, ᵗʰᵉ ᵈʳʸⁱⁿᵍ ᵒᶠ ʸᵒᵘʳ ᵗᵉᵃʳˢ, ᵗᵒᵈᵃʸ ʷᵉ ᵉˢᶜᵃᵖᵉ, ʷᵉ ᵉˢᶜᵃᵖᵉ' - ᴱˣⁱᵗ ᴹᵘˢⁱᶜ ⁽ᶠᵒʳ ᴬ ᶠⁱˡᵐ⁾ [San Gabriel University Files is an online...
618K 9.4K 65
COMPLETED BOOK 1 [ HIGHEST RANK: #1 in VAMPIRE -05/11/18 ] Si Lucy ay isang simpleng dalaga na mayroong simpleng pangarap. Ang mabigyan ng HUSTISYA...