The Lost Princess

By yeexizx

910K 20.5K 1.1K

BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga al... More

The Lost Princess | Prologue
Kabanata I - Chapter 1
Kabanata II - Chapter 2
Kabanata III - Chapter 3
Kabanata IV - Chapter 4
Kabanata V - Chapter 5
Kabanata VI - Chapter 6
Kabanata VII - Chapter 7
Kabanata VIII - Chapter 8
Main Characters
Kabanata IX - Chapter 9
Kabanata X - Chapter 10
Kabanata XI - Chapter 11
Kabanata XII - Chapter 12
Kabanata XIII - Chapter 13
Kabanata XIV - Chapter 14
Kabanata XV - Chapter 15
Kabanata XVI - Chapter 16
Kabanata XVII - Chapter 17
Kabanata XVIII - Chapter 18
Kabanata XIX - Chapter 19
Kabanata XX - Chapter 20
Kabanata XXI - Chapter 21
Kabanata XXII - Chapter 22
Kabanata XXIII - Chapter 23
Kabanata XXIV - Chapter 24
Kabanata XXV - Chapter 25
Kabanata XXVI - Chapter 26
Kabanata XXVII - Chapter 27
Kabanata XXVIII - Chapter 28
Kabanata XXIX - Chapter 29
Kabanata XXX - Chapter 30
Kabanata XXXI - Chapter 31
Kabanata XXXII - Chapter 32
Kabanata XXXIII - Chapter 33
Kabanata XXXIV - Chapter 34
Kabanata XXXV - Chapter 35
Kabanata XXXVI - Chapter 36
Kabanata XXXVII - Chapter 37
Kabanata XXXVIII - Chapter 38
Kabanata XXXIX - Chapter 39
Kabanata XL - Chapter 40
Kabanata XLI - Chapter 41
Kabanata XLII - Chapter 42
Kabanata XLIII - Chapter 43
Kabanata XLIV - Chapter 44
Kabanata XLV - Chapter 45
Kabanata XLVI - Chapter 46
Kabanata XLVII - Chapter 47
Kabanata XLVIII - Chapter 48
Kabanata XLIX - Chapter 49
Additional Chapter
Epilogue
Special Chapter
A/N - TLP
WARNING:
Dedications
Announcement
Announcement (2)
FOLLOW ME ON INSTAGRAM

Kabanata L - Chapter 50

10.6K 279 63
By yeexizx

Chapter 50- The Sacrifice of the Real Princess


Written by yeexizx



3RD PERSON POINT OF VIEW



"Lapastangan ka! Naisipan mo pa talagang bumalik dito, ano!?" sigaw ng pekeng prinsesa kay Charlie.



Charlie smirked. "Why? Wala ba akong karapatang bumalik sa sarili kong mundong pinamumunuan?"



"Hangal! Balakid ka lamang sa plano namin! Hanggang kailan talaga ay pabida ka sa mga ginagawa namin!" pagalit na sigaw ni Shakira.



"Hangga't nabubuhay ako... Asahan mong bibida at bibida ako sa mga ginagawa niyo."



Tumingin naman siya sa ina ni Shakira. "Nandito ka pala, Tariwa?" halakhak na ani Charlie.



Lumapit naman rito si Charlie nang walang pinakitang kahit anong emosyon. "Oh, I see... Hindi pala nalalayo ang itsura niyo sa isa't isa, isama na natin ang ugali niyong patapon."



Sasampalin na sana ni Shakira si Charlie nang mahawi kaagad ni Charlie ang kamay nito. "Sampal nalang ba ang kaya mo?" tawang tanong ni Charlie.



Marahas na binawi ni Shakira ang kamay niya rito. "Don't underestimate me! Hindi mo alam ang kaya kong gawin, you bitch!"



"Ano ba ang kaya mo?" matalim na tanong ni Charlie rito.



"ITO!" sigaw ni Shakira at nagpakawala ng dark petal smoke sa kamay niya.



Ngunit, naunahan ito ni Charlie. Nilagyan niya ng shield ang gawi ng mga Royalties at mga Reyna at Hari kasama na din sila ni Coldy. Kita mo ang galit sa mga mata ni Shakira.



"Kung makikipaglaban ka, hindi sa masikip na lugar. Cheap Darkenians." ani Charlie.



Nag-teleport naman si Charlie kasama ng mga Reyna at Hari pati na rin ang mga Royalties. Pagka-teleport niya ay nawala na ang mga tali sa mga kamay ng mga Hari at Reyna pati na rin ang mga Royalties. Lubhang sobrang bilis ni Charlie para matanggal ang mga nakatali sa mga bihag.



Lumapit naman ang mga Royalties at mga Reyna at Hari kay Charlie.



"Sorry sa nagawa ko, Charlie..." nakayukong ani Zoe.



"Alam kong hindi mababayaran ng isang paumanhin ang ginawa ko sayo. But, I'm sincere..."



Hinawakan naman ni Charlie ang mga kamay ni Zoe. "Huwag kang mag-alala, wala kang ginawang kasalanan. Kahit naman sino, ganu'n din ang gagawin. Nawalan ka ng mahal sa buhay..." nakangiting tugon ni Charlie.



Kasabay nu'n ang paglapit ng mga Royalties para humingi ng tawad rito, napangiti lang naman si Charlie dahil sa nakikita.



"U-Uhh... Sorry... Charlie, hindi ko sinasadya lahat. I'm hope you can forgive me..." ani Divina rito.



Hinawakan naman ni Charlie ang pisnge ni Divina at pinahidan ang mga luhang tumulo gamit ang daliri niya. "It's okay. For now, ingatan niyo ang mga sarili niyo. Lumaban tayo para sa mga nangangailangan at para sa kapayapaan ng buong mundo." ani Charlie habang tumitingin sa bawat isa.



Ngumiti naman si Charlie kay Marky at sinenyasan na ayos lang at wala siyang dapat ikabahala. Sunod namang lumapit ang mga Reyna at mga Hari, humingi din ang mga ito kay Charlie.



Bahagyang niyakap ni Haring Silveo si Charlie, napangiti nalang si Coldy dahil sa nasasaksihan. Masaya siya para sa kaniyang minamahal.



"Paumanhin, aking anak! Hindi ko sinasadya ang mga pangyayari, ako'y napaniwala lamang ng lapastangang Darkenian na iyon kaya napatalsik kita sa mundo natin. Pinagsisisihan ko na ang aking nagawa..." lumuluhang sambit ni Haring Silveo at marahang lumuhod sa harap ng anak.



Kaagad namang itinayo ni Charlie si Haring Silveo. "Ayos lang, ama... Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa 'yon. Huwag kang mag-alala sapagkat burado na iyon sa isipan ko. Mahal ko kayo at bago palang kayo humingi ng tawad ay napatawad ko na kayo ng lubos."



Sunod namang lumapit si Reyna Tamina sa anak habang humahagulgol, kaagad namang niyapos ng ina ang anak niya. "Sa wakas... Nahagkan na din kita, anak ko." umiiyak na saad ni Reyna Tamina kay Charlie.



"Masaya din ako, ina. Masayang-masaya. Ngunit hindi ngayon ang oras para mag-iyakan, kailangan nating lahat lumaban. Ilang oras nalang ay dadating na rito sina Tariwa at Shakira. Kailangan ko silang labanan." ani Charlie.



Kaagad naman naalerto ang ina ni Charlie. "Ako na ang lalaban kay Tariwa. Madaming kasalanan ang isang 'yon sa'kin, kailangan niya nang magbayad." seryosong sambit ni Reyna Tamina.



"Ako ang lalaban sa Hari ng mga Darkenians na si Arthur. Ang ibang mga estudyante ay nakikipaglaban na sa mga kawal ng Darkenians. Kailangan na natin silang tulungan. Marahil, may mga namamatay na ngayon." ma-awtoridad na usal ni Haring Silveo.



"Kaming mga Royalties ang lalaban sa ibang mga kawal ng Darkenians. Lalo na sa mga malalakas na kawal nito, may mga halimaw ding ipinadala ang mga Darkenians sa Arteya..." ani Divina.



Tumango lang ang mga Reyna at Hari. "Ipapatawag ko ang mga kawal ng bawat kaharian para tumulong lumaban. Baka nga, sobrang dami ng mga Darkenians at may ipinadala din sa mga bawat kaharian. Mas mainam kung umuwi muna kami sa mga kaharian namin. Kami na din ang mag-aasikaso sa Arteya Kingdom habang wala roon si Reyna Tamina at Haring Silveo." kalmadong tugon ng isang Hari.



Tumango naman si Haring Silveo rito. "Maraming salamat, kaibigan. Mag-iingat kayo."



Tumango ang mga Reyna at Hari, sabay nag-teleport. Ang mga Royalties na lamang ang natira pati na rin sina Reyna Tamina at Haring Silveo.



Sinenyasan naman ng mga Royalties si Charlie na mauna na sila, tumango naman si Charlie at sumenyas din na mag-iingat sila. Umalis na ang mga Royalties mula sa gymnasium.



"Hahanapin ko lamang ang Hari ng mga Darkenians. Mag-iingat ka, anak, Tamina." ani Haring Silveo at tumingin sa'min, tinapik niya din muna si Coldy.



"Mag-iingat ka, ama." tugon ni Charlie.



Tumango naman ang ama nito at lumabas na ng Gymnasium, sumabay na din si Reyna Tamina rito. Sina Coldy at Charlie na lamang ang naiwan sa loob.



Siniko naman ni Charlie si Coldy. "Ilayo mo rito ang mga estudyanteng hindi pa kaya lumaban, tumulong ka na rin sa mga Royalties para maubos ang mga Darkenians."



Tumango naman siya. "How about you?" kunot-noo niyang tanong.



"I'll going to find Shakira. Magtutuos kami." seryosong tugon ni Charlie.



Hinawakan niya naman ang mga kamay ni Charlie. "Take care, baby... Promise me that you'll comeback safe."



Charlie nodded. "I promise. Mag-iingat ka din."



Tinitigan niya muna si Charlie at hinalikan sa noo bago naglaho. Napabuntong hininga nalang ang dalaga. Napapikit muna siya bago maisipang tumakbo papalabas ng gymnasium.



Nakarating naman siya sa hallway ng mga dorm. Ang bawat kawal ng mga Darkenians na nadadaanan niya ay pinapatay niya.



"Bullshit. Nasaan ang ibang mga estudyante!?" iritado niyang bulong.



Nakarating naman siya sa quadrangle kung saan madaming naglalabang estudyante at mga Darkenians. Dumako naman siya sa isang babaeng sa tingin niya ay si Shakira, lumawak naman ang ngisi niya.



Inangat niya naman ang mga kamay niya. "Fire explosion!" sigaw niya at itinama ang kapangyarihan sa kabilang gawi na madaming Darkenians.



Sumabog naman ang mga ito. Halos hindi na Arteya School ang nakikita ni Charlie sapagkat madaming estudyante ang nakalatay na duguan, ang mga dingding naman ay nawawasak na, puro apoy ang bawat gusali habang may mga maiitim na usok.



Lalong umusok sa galit ang mga mata ni Charlie dahil sa nasaksihan. May tumama naman sa kan'yang itim na kapangyarihan, sa kabutihang palad ay nakaiwas siya. Bumungad sa kan'ya si Shakira na malawak ang ngisi.



"Nagustuhan mo ba?" nakangising tanong nito.



Hindi naman nagpatalo si Charlie at ngumisi rin. "Mukha ba? Mas gusto kitang patayin."



Humalakhak naman siya. "Parehas lang naman tayong gustong patayin ang isa't isa."



"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Natakot ka na ba sa'kin at tinakasan mo 'ko?" halakhak na usal ni Shakira.



"Mas nakakatakot 'yang mukha mo." halakhak na pabalik ni Charlie.



Halata namang nainis rito si Shakira at pinaulanan ng itim na kapangyarihan si Charlie. Iwas lamang ng iwas ang ginagawa ni Charlie hanggang maubos na ang itim na kapangyarihan.



Malakas na tumawa si Charlie. "Pikon..."



"Sana magustuhan ng mga mahal mong Royalties ang guardians na pikawalan ko." halakhak na ani Shakira na nagpakunot-noo kay Charlie.



"What do you mean?"



Humalakhak pang muli si Shakira. "Obvious ba? Sigurado kong patay na ang mga Royalties ngayon."



Kaagad namang inangat ni Charlie ang kamay niya at itinama dito ang apoy niyang kapangyarihan. Natamaan naman si Shakira ng kapangyarihan ni Charlie kaya mas lalo pang nanggalaiti ang Darkenian.



"Dark fire!" sigaw ni Shakira.



Ngunit bago niya pa matamaan si Charlie ay nakapag-teleport naman ito.



Napapadyak nalang sa lupa si Shakira. "Natakasan nanaman ako ng babaeng 'yon!"



Sa kabilang dako, nakikipaglaban lang ang mga Royalties sa mga malalakas kawal ng Darkenians.



"Fuck! Naghanda talaga 'tong mga halimaw na 'to!" sigaw ni Silky.



"Tangina ang lalakas nila!" Kenneth cursed.



Nagulat naman ang mga Royalties nang may dumating na mga hayop.



"Anong nilalang ang mga 'yan!?" pasigaw na tanong ni Larry.



"Bullshit! Nadagdagan nanaman ang kakalabanin!" sigaw ni Divina.



"Corey, gamitan mo nga ng kapangyarihan!" utos ni Zoe.



Ginamit naman ni Corey ang tubig niyang kapangyarihan. "Water spark!" sigaw niya at itinapat ito sa mga kakaibang hayop.



Purong itim ang mga hayop kaya alam mo nang galing ito sa mga Darkenians.



Nang tamaan ni Corey ang hayop ay wala man lang itong naramdaman. Sabay-sabay namang ginamit ng mga Royalties ang mga kapangyarihan nila sa mga hayop, ngunit parang wala lang sa mga itim na hayop ang kanilang kapangyarihan.



"Hindi sila tinatablan ng kapangyarihan natin!" sigaw ni Alex.



Kaagad namang naglabas ng kapangyarihan ang mga itim na hayop sa gawi ng mga Royalties. Napaiwas na lamang sila, ang iba naman ay natamaan. Napainda na lamang si Larry at Corey na natamaan.



"Ayos lang ba kayo!?" nag-aalalang tanong ni Divina.



Tumango lamang sila habang nakahawak sa sugat nilang duguan.



"Tangina, anong gagawin natin!?" nagpapanic na tanong ni Kenneth.



"Bawal naman tayong lumayo, kung hindi... Ang mga ibang estudyante naman ang malalagay sa panganib!" sigaw ni Trisha.



"Umiwas-iwas lamang tayo sa kapangyarihang binibitawan nila." utas ni Ahri habang ginagamot ang sugat ni Larry at Corey.



"Wala akong pakialam kung buhay ang kapalit nito, basta't lalaban ako!" sigaw ni Alex.



"Come on, guys... Teamwork." ani Marky.



Kaagad naman silang tumayo para kalabanin ang mga hayop. Ngunit, wala talaga. Hindi nila kayang talunin ang itim na hayop. Napahiga naman silang lahat habang nanghihina.



"Fuck. I think that's Shakira's guardians! Guardians lang din ang makakatalo sa kanila!" sigaw ni Divina.



"Pero, wala na tayong lakas para magpalabas ng mga guardians! Nanghihina na tayong lahat!" sigaw ni Zoe.



"Meron pa ba sa inyo ang may kaunting lakas pa para magpalabas ng guardians!?" sigaw ni Silky.



Ngunit, walang umimik rito. Halos lahat sila ay nanghihina. Susuko na sana sila nang may nag-teleport sa harap nila. Bumungad sa kanila si Charlie na nag-aalalang nakatingin sa kanila.



"Ayos lang ba kayo!?" nag-aalalang tanong ni Charlie.



Dahan-dahang tumango ang mga ito at unti-onti ding ngumiti dahil mas nabuhayan sila nang pag-asa nang tulungan sila ng prinsesa nila.


Halos lahat ng Royalties ay nakahandusay at hinang-hina.



Kaagad namang nagliwanag ang kamay ni Charlie, lumabas naman ang mga Guardians niya na nagpagulat sa mga Royalties.



"A-Ayan na ba... Ang legendary guardians!?" nauutal na sigaw ni Trisha.



"O-Oo... Hindi ako makapaniwala na makikita ko sila sa personal! Sa larawan ko lang nakikita ang mga 'yan!" pabalik na tugon ni Silky.



Lumabas naman ang sampung legendary guardians ni Charlie, napangiti naman ito. Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya nang makita ang pamilyar na kabayo na nagpagulat sa mga Royalties.



"H-Hindi ba't a-ayan ang... A-Ang pihikan na pegasus!?" pasigaw na tanong ni Larry.



"Oh, Pelesus! Himala, nagpakita ka na!" halakhak na ani Rainasus sa kapatid.



Halos mapuno ng gulat ang mga mukha ng mga Royalties dahil hindi nila akalain na nakakapagsalita ang mga guardians ni Charlie. Halos napatulala na lamang ang mga Royalties dahil sa ganda ng mga guardians lalo na ang hindi nilang inaasahang dadating na Guardian ni Charlie.



"Fuck. Are they all Charlie's guardians!?" pasigaw na tanong ni Corey.



Tumango naman si Divina. "Yes. Halata naman 'di ba?" ani Divina.



"Pati 'yung pegasus?" tanong ni Ahri.



"Iyong pegasus... I don't know." tugon ni Divina habang pinipilit tumayo.



"Rainasus at Pelesus, mamaya ko kayo gagamitin. Pumasok muna kayo sa mga brilyante niyong dalawa." utos ni Charlie sa dalawa.



Tumango naman naman ang dalawa. Lumiwanag ang kamay ni Charlie at unti-onting nawala ang mga guardians niya na sina Rainasus at Pelesus.



"Mga guardians ko... Ubusin niyo lahat ng Darkenians na mananakit sa mga Royalties. Wala kayong ititirang buhay na mga guardians ni Shakira dahil alam ko ang kaya nilang gawin sa paaralan na 'to..." utas ni Charlie at pumunta sa gawi ng mga Royalties.



Pumikit si Charlie at itinapat ang mga kamay sa gawi ng mga Royalties. Pinagaling naman ni Charlie ang mga sugat ng mga Royalties at pinagaan ang pakiramdam ng mga 'to.



"Sana nakatulong ang pagdating ko." nakangiting ani Charlie.



Napangiti naman ang lahat ng mga Royalties at dahan-dahang tumayo. "Maraming salamat, prinsesa. Utang na loob namin sa'yo 'to." nakayukong ani Ahri at lumuhod.



Ang iba naman ay nagpasalamat rito at lumuhod. Kaagad namang naalerto si Charlie at pinatayo sila.



"Tumayo kayo diyan. Ginagawa ko lamang ang obligasyon ko. 'Wag na tayong magsayang pa ng panahon, tayo'y lumaban na para sa mga nangangailangang nilalang..." seryosong sambit ni Charlie sa mga 'to.



Dahan-dahan namang tumayo ang mga Royalties at nginitian si Charlie.



"Mag-iingat kayo. Sana'y matapos 'to ng walang nasasawi sa inyo ni isa. Paalam." ngumiti muna ng tipid si Charlie at marahang tumalikod.



Hindi ngayon ang tamang oras para makipag-usap siya sa mga Royalties lalo pa't bilang nalang sa kamay ang natitira niyang oras para patayin si Shakira.



Tumingin muna si Charlie sa mga itim na hayop na nanghihina dahil sa pagkalaban sa kanila ng guardians ni Charlie.



"Gusto ko sana kayo kaawaan, ngunit kami naman ang magluluksa..." huling katagang binitawan ni Charlie bago tuluyang naglaho.



Kaagad namang hinanap ni Charlie si Shakira pero hindi niya ito makita.



"Dammit! Wala nanaman si Shakira!" iritadong bulong nito sa kan'yang sarili.



Ilang minuto na ang lumipas at nalibot na ni Charlie ang buong paaralan ngunit hindi niya pa rin nahahanap si Shakira nang may isang lugar pa siyang hindi napupuntahan.



Ang gymnasium.



Nang maisip niya 'yon ay agad-agad siyang tumakbo papunta sa gym dahil posibleng nandoon si Shakira. Napangisi nalang siya nang may maramdamang malakas na enerhiya. Pumasok na siya sa gymnasium nang palihim ngunit wala siyang nakita kaya mabilis siyang tumakbo papunta sa gitna.



Pinakiramdaman niya naman ang paligid, napamura naman siya nang may marinig siyang palakpak.



Pumalakpak naman si Shakira habang dahan-dahang lumalapit kay Charlie. "Wow! Wow! Wow! Natagpuan mo din ako, sa wakas... Ang sarap paglaruan, ano?" mapang-asar na usal ni Shakira at malakas na humalaklak.



Hinarap naman ni Charlie si Shakira. "I found you... Are you ready to die?" nakangising tanong ni Charlie rito.



"Oh, let's see kung matatalo mo ang malakas na kagaya ko." halakhak na ani Shakira.



Mahinhin namang tumawa si Charlie na napalitan ng isang nakakatakot na ngisi. "What made you say that?" ngising tugon ni Charlie.



"Madami akong abilidad na hindi mo alam. Baka isang laban lang natin, tumba ka na."



Marahang tiningnan ni Charlie si Shakira na para bang sinusuri nito ang kan'yang mga galaw. "Madami kang ngang abilidad at kapangyarihan na wala ako. Pero, wala ka naman nito..." sabay turo sa kan'yang puso at utak.



Halata mo ang pagka-inis ni Shakira dito kaya kaagad naman siyang sumugod at pinaulanan ng kapangyarihan niya.



"Sharp poison spikes!" sigaw niya at may lumabas naman sa kamay niyang matutulis na kulay-itim na may umuusok na kulay-berde rito.



Kaagad namang naalerto si Charlie at umiwas lamang siya. Ngumisi naman si Charlie at mabilis na umikot papunta sa gawi ni Shakira.



"Air tornado!" sigaw niya at inilapat ang mga kamay sa gawi ni Shakira.



Kaagad namang nagkaroon ng malaking ipo-ipo sa gawi niya na nagpahigop sa kan'ya pero lumipad siya ng mataas bago pa man lumaki ang ipoipo at lumabas.



"Anong akala mo sa'kin, mahina? Para hindi makalabas sa pipitsugin mong ipoipo?" malakas na ani Shakira rito.



"May sinabi ba akong hindi ka makakalabas sa ipoipong ginawa ko?" ngising pabalik na turan ni Charlie.



Sumugod naman si Shakira dito habang may lumalabas sa mga kamay niya na patusok na kulay-itim. Tumakbo naman si Charlie papunta kay Shakira habang umiiwas sa patalim na inilalabas ng kamay ni Shakira.



Iba't ibang galaw ang ginawa ni Charlie para makaiwas sa patalim katulad ng pagdapa, pag-ilag, pagtalon, at pagdulas pababa. Hanggang makarating siya sa kinaroroonan ni Shakira, nagulat naman si Shakira nang makita si Charlie na wala man lang kasugat-sugat.



Marahas na sinakal ni Charlie si Shakira, napahawak nalang si Shakira sa kamay ni Charlie habang pinipilit na tanggalin ang kamay ni Charlie mula sa leeg niya. Sinipa naman ni Shakira ang tiyan ni Charlie kaya naman napabitaw ito sa leeg ni Shakira.



Kaagad namang naalerto si Charlie, palihim na gumawa ng apoy si Charlie sa kamay niya at sinuntok ang tiyan ni Shakira. Sabay sipa sa tuhod nito para mapaluhod. Napainda sa sakit si Shakira nang maramdaman niya ang sakit na dulot ng apoy ni Charlie.



"Walanghiya ka!" sigaw niya.



Inilabas niya naman ang katana niya at itinapat sa leeg ni Shakira. "Any last words before you die?" ngising tanong ni Charlie sa kaniya.



Ngumisi naman ng malawak si Shakira. "Papatayin mo ako? Nang hindi nalalaman kung sino ang kapatid na tinutukoy ko?" halakhak na saad ni Shakira kay Charlie.



Lalo namang diniinan ni Charlie ang patalim kay Shakira. "Sinong kapatid ang tinutukoy mo!?" nanggigigil na usal ni Charlie rito.



Ngumisi naman si Shakira. "Bakit ko sasabihin!?" halakhak na ani Shakira.



"Mamamatay ka din naman, bakit hindi mo pa sabihin?" malamig na tugon ni Charlie sabay ngisi.



"Nandito na ako, hindi mo na kailangan pang patayin ang kapatid ko. Na-miss mo ba 'ko, master Charlie?" turan ng isang boses lalaki na pamilyar na pamilyar kay Charlie.



Halos manlamig ang buong katawan niya nang mapagtanto kung sino 'yon.



Sa kabilang dako, nakikipaglaban si Haring Silveo sa Hari ng mga Darkenians na si Arthur.



"Sa wakas at nakita na din kita... Silveo... Ang pumatay sa aking ama..." ma-awtoridad na sambit ni Haring Arthur.



Humalakhak naman si Haring Silveo. "Sumunod ka sa yapak ng iyong ama na nais sakupin ang buong mundo..."



"At hindi ko magawa iyon dahil sa inyo kaya karapa't dapat lang kayong paslangin!" sigaw ni Haring Arthur at inilabas ang kan'yang espada.



"Stem black poison!" sigaw niya at may lumabas naman na itim na mga sanga sa kinatatayuan ni Haring Silveo, naalerto naman ito at kaagad tumalon papalayo sa mga sanga.



Kaagad naman itong tumakbo papunta sa gawi ni Haring Arthur. "Metal spikes!" sigaw ni Haring Silveo.



May lumalabas namang matutulis na bakal mula sa palad ni Haring Silveo habang tumatakbo ito papalapit kay Haring Arthur. Napahawak nalang si Haring Arthur sa balikat niyang natamaan ng patalim.



"Malas!" sigaw niya.



Napangisi naman si Haring Silveo. "Sumusuko ka na ba, Arthur?"



Ang maganda sa pagiging dugong Arteryian ay napapagaling nila ang kanilang mga sugat hindi katulad ng mga Darkenians na asa lamang sa kapangyarihan nila. Hindi nila kayang gamutin ang kanilang mga sugat, tumatagal ang mga sugat nila depende sa lalim o tindi ng pagkakasugat rito.



Tumawa naman si Haring Arthur ng sobrang lakas. "Ako? Susuko? Kailan pa? Hinding-hindi ako susuko dahil alam kong mas lamang ang kapangyarihan ko sa'yo, Silveo!" sigaw ni Haring Arthur at sinugod si Haring Silveo.



Kaagad naman silang nag-espadahan. Sa sobrang bilis nilang mag-espadahan ay halos walang nananalo. Ngunit, sinuntok ni Haring Arthur si Haring Silveo nang may itim na kapangyarihan at tumalsik ito sa pinakadulo. Nawarak naman ang pader. Napasuka naman ng dugo si Haring Silveo.



Dahan-dahang lumapit si Haring Arthur rito, itinapat naman niya ang espada niya kay Haring Silveo at malakas na humalakhak. Napahawak naman si Haring Silveo sa tiyan niya.



"Akalain mo 'yon? Matatalo ka lang pala ng dating prinsepe na kagaya ko. Isa kang mahinang Hari!" halakhak na sigaw ni Haring Arthur.



Halos manghina si Haring Silveo dulot na din ng katandaan niya. Napapikit nalang ito nang diinan ni Haring Arthur ang espada sa leeg nia hanggang dumugo ito. Napainda naman si Haring Silveo sa sakit.



"Hindi ka pa rin talaga lumalaban ng patas, Arthuro!" mariing sigaw ni Haring Silveo kahit hinang-hina ito.



Pupuruhan pa sana ni Haring Arthur ang paghiwa sa leeg ni Haring Silveo nang dumating ang asawa niyang si Tariwa.



Napangiti naman ng marahan si Haring Arthur nang makita niya si Tariwa na kinakaladkad si Reyna Tamina na para bang hayop. Duguan si Reyna Tamina at halos nanghihina ngunit buhay pa ito.



Itinapon naman ni Tariwa ang katawan ni Reyna Tamina sa tabi ni Haring Silveo.



"Mahal!" sigaw ni Haring Silveo at hinagkan ang pinakamamahal niyang asawa.



Halos humagulgol naman si Haring Silveo dahil sa nakikita. "Mahal, gumising ka! Huwag mo akong iwan!" hagulgol na sigaw ni Haring Silveo.



"Ang sayang makita kang humahagulgol, Silveo!" nakangising saad ni Haring Arthur habang tumatawa ng malakas.



"Ang dali lang pala matalo ni Tamina, mahal ko... Sobrang hina! Nagtataka nga ako kung bakit siya iginagalang at naging reyna!" malakas na halakhak ang pinakawalan ni Tariwa.



"Tingnan mo sila, nakakaawa... Mamaya na natin sila papatayin, sinusulit ko pa ang aking nasasaksihang pangyayari!" tawa pang muli ni Haring Arthur.



Niyugyog naman ni Haring Silveo si Reyna Tamina. "Mahal ko... Huwag kang bibitaw... Huwag kang bibitaw para sa'kin, para sa mga anak natin, at para sa ating nasasakupan..." emosyonal na bulong ni Haring Silveo sa kan'yang asawa.



"Tungkol nga pala sa anak mo, Silveo... Napagdesisyunan kong ang mga anak nalang namin ni Tariwa ang kumalaban sa kan'ya. Gusto ko man ding patayin ang iyong anak ngunit ipinaubaya ko na ito kay Shakira na lubos na gustong patayin ang pinakamamahal mong prinsesa!" sigaw ni Haring Arthur.



Tumawa naman si Tariwa. "Sa tingin ko naman, matatalo ng ating mga anak ang pipitsugin na prinsesa na 'yon! Kung ang mga magulang niya nga ay madaling natalo, walang duda na matatalo din iyon ng ating prinsesa!"



Kaagad namang inangat ni Haring Silveo ang ulo niya. "Kahit anong gawin niyo... Mamatay man kami, hinding-hindi magwawagi ang kasamaan kaysa sa kabutihan... Naniniwala ako kay Charlotte na kayang-kaya niyang labanan ang napakasama niyong mga anak!" laban ni Haring Silveo.



Napalitan naman ng mga galit ang mga mata ng dalawang Darkenians. "Lapastangan! Isa ka talagang hangal, Silveo!" sigaw ni Haring Arthur.



Sasaksakin na sana ni Haring Arthur si Haring Silveo nang lumiwanag ang kanang kamay ni Reyna Tamina na nakatapat sa dalawang pinuno ng mga Darkenians. Napatakip naman sila dahil sa sakit at hapdi na dulot ng liwanag na nagmumula sa kamay ni Reyna Tamina.



Bumulong naman si Reyna Tamina kay Haring Silveo. "N-Ngayon n-na... M-Mahal ko..." nauutal na ani Reyna Tamina.



Kaagad namang nag-teleport si Haring Silveo sa likudan ng dalawang pinuno at marahang sinasaksak si Haring Arthur papatalikod. Nawala naman ng liwanag at nag-teleport din si Reyna Tamina sa likod ni Tariwa para saksakin.



Tatlong beses naman nilang sinasaksak ang mga ito at umagos ang kanilang berdeng dugo sa lapag. Napahiga na lamang si Reyna Tamina dahil sa bukod na malapit na siyang mamatay ay nagamit niya na din lahat ng natitira niya pang kapangyarihan.



"Mahilig kayong tumira papatalikod, kaya iyon din ang ginagawa namin sa inyo. Ngunit, may isang abilidad kaming hindi niyo kayang gawing mga Darkenians... Ang teleportasyon." marahan na bulong ni Haring Silveo kay Haring Arthur.



"At iyon ang ginamit namin para talunin kayong dalawa." huling katagang hinitawan ni Haring Silveo at hinugot ang espada niya sa pagkakasaksak kay Haring Arthur.



Natumba naman ang dalawang Darkenians at unti-onting naging abo. Agad-agad namang lumapit si Haring Silveo sa asawa.



"Mahal kong Tamina... Lumaban ka... Alang-alang sa'kin at sa iyong mga anak..." hagulgol na usal ni Haring Silveo habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kamay ni Reyna Tamina.



"Sana nga ay kaya ko pa... Sana lang ay matagal ko pang makakapiling ang ating mga anak pati na rin ikaw, aking mahal... Ngunit, nararamdaman kong hanggang dito na lamang ako. Sabihin mo sa ating mga anak na lubos ko silang minamahal higit pa sa aking buhay..." nanghihinang tugon ni Reyna Tamina.



"HINDI, TAMINA! Mabubuhay ka pa! Magtiwala lamang tayo kay Bathala! Huwag kang bibitaw, mahal." hagulgol na ani Haring Silveo rito.



Umiling naman si Reyna Tamina at hinawakan ang pisnge ni Haring Silveo. "Gusto ko nang magpahinga... Pakisabi sa ating anak na si Charlotte na paumanhin at hindi ko siya nakasama ng matagal, ngunit gayunpaman, mananatili siya sa aking puso hanggang sa kabilang buhay..."



"MAHAL KO! Huwag kang pipikit, huwag! Pakiusap, para sa'kin... Para sa iyong mga anak... Para sa mga nilalang na naninirahan sa kaharian na pinamumunuan natin..." nakayukong tugon ni Haring Silveo habang tumutulo ang mga luha.



"Paumanhin, mahal... Ngunit, hanggang dito na lamang ako. Nawa'y maging mabuting pinuno at impluwensya ang ating anak na si Charlotte sa buong mundo... Paalam, m-mahal..." nanghihinang saad ni Reyna Tamina habang pumipikit-pikit na.



Hinawakan naman ni Haring Silveo ang pisnge ng kaniyang asawa. "HINDI, TAMINA! Huwag kang pipikit! Pakiusap, mahal na mahal kita! Mahal na mahal ka ng mga anak mo!" hagulgol niyang sigaw.



"M-Mahal k-kita... M-Mahal ko a-ang ating m-mga anak..." huling katagang binitawan ni Reyna Tamina bago pumikit at nawalan ng buhay.



Lubos na humagulgol si Haring Silveo. "TAMINA!" sigaw niya. Tuloy-tuloy ang naging pagtangis ni Haring Silveo.



Napainda nalang siya sa sakit ng tiyan kaya itinaas niya ang damit niya kung bakit sobrang sakit ng tiyan niya. Nagulat naman siya nang makita ang itim sa tiyan niya na napagtantong...



"May lason ang ginamit sa'king kapangyarihan ni Arthur kanina... M-Mamamatay din ako..." bulong niya sa kan'yang sarili.



Ngumiti naman ng mapait si Haring Silveo. "Magsasama na tayo, mahal ko... Sasama na ako sa'yo..." tipid itong ngumiti.



Napahiga naman siya dahil sa sakit na dulot ng lason. Papikit na sana siya nang may tumakbong pamilyar na lalaki sa gawi niya.



"Haring Silveo, anong nangyari sa inyo!?" nag-papanic nitong sigaw.



"P-Pakisabi sa dalawang anak namin... Na... M-Mahal na m-mahal n-namin sila... N-nawa'y makarating kay C-Charlotte at Alexander ang aking i-itinuran, H-Headmaster..." nauutal na ani Haring Silveo habang namimilipit sa sakit.



"N-Nawa'y... M-Matalo niya a-ang kasamaan... M-Mahal na mahal namin s-siya..."



"Bakit... Hindi niya matatanggap ang pangyayaring ito, Hari! Sa tingin ko'y lalong sisiklab ang galit niya..." nakayukong tugon ni Headmaster.



"Wala na kaming magagawa, ito ang kapalaran namin ni Tamina at tatanggapin namin iyon..." ani Haring Silveo.



"Ngu-"



"Wala nang ngunit ngunit, hanapin mo na siya at tulungan makipaglaban..." utos ni Haring Silveo.



Sapilitang tumango si Headmaster. "Masusunod, Haring Silveo..." pilit niyang ani at umalis na para hanapin si Charlie.



Ngumiti naman ng mapait si Haring Silveo. "Masaya akong inalay namin ang buhay naming dalawa para lamang sa mundo namin... Masaya akong namatay ng may magandang dahilan..." nakangiting usal niya bago ipinikit ang mga mata.



Kasabay nu'n ang pagkawala at pagkamatay ng dalawang Reyna at Hari na mas kilala bilang Haring Silveo at Reyna Tamina. Namatay sila ng may magandang dahilan, namatay sila ng magkahawak-kamay, namatay sila ng sabay, at namatay sila ng masaya at kuntento.



"H-Harley..." nauutal na tawag ni Charlie rito habang unti-onting humaharap.



Napaluhod naman si Charlie dahil sa sakit. Sinipa ito ni Shakira sa tuhod, napangiwi nalang si Charlie sa sakit. Itinutok naman ni Shakira ang patalim kay Charlie.



"Hindi mo inaasahan, 'no? Ano ba naman kasi 'tong kapatid ko, napakagaling umarte katulad ko!" halakhak na sigaw ni Shakira.



Akmang susugatan na sana nito si Charlie nang tumalsik siya sa pinakadulo. Nagulat naman si Charlie nang makita si Coldy. Kaagad namang niyang itinayo ang Prinsesa.



"Thank you for saving me." utas ni Charlie.



Ngumiti naman si Coldy rito. "I'll protect you at all cost."



Napabangon naman si Shakira mula sa pagkakatalsik, pinagpagan niya naman ang kamay niya.



"Wow! Magkasama nanaman kayo!" halakhak nitong usal.



Ngumisi naman si Charlie. "Inggit ka ba?"



Tiningnan niya lamang si Charlie. "Bakit ako maiinggit sa mahinang katulad mo?"



Napadako naman ang tingin ni Charlie kay Harley na iba na kung umasta. Darkenian na Darkenian na ito. Iba na ang Harley na kaharap niya. Napaiwas na lamang ng tingin si Charlie.



"Mahina? Natalo mo na ba ako?" nakangising tanong ni Charlie.



"Tatalunin pa lang." turan ni Shakira sabay sugod.



Sinenyasan naman ni Charlie si Coldy na siya na ang bahala kay Harley, napatango na lamang ito at pumunta kay Harley.



Napaiwas na lamang si Charlie sa pinakawalang itim na kapangyarihan ni Shakira. Nag-teleport naman si Charlie papunta sa likod ni Shakira, sinipa naman ni Charlie ang puwet niya.



"Water sharp splash!" sigaw ni Charlie at itinapat ang kamay niya kay Shakira.



Natamaan naman si Shakira na ikinainda niya. Kinuha naman ni Charlie ang pagkakataon para sipain sa mukha si Shakira sabay malakas na sinuntok. Tumilapon naman si Shakira na nagpawarak sa mga upuan ng gymnasium.



Napabangon naman si Shakira. "How dare you bitch!" sigaw niya at mabilis na tumakbo papunta kay Charlie at nagpakawala ng madaming daggers na gawa sa itim na kapangyarihan.



Iwas lamang ng iwas ang ginawa ni Charlie hanggang makarating siya sa gawi ni Shakira. Gumawa naman siya ng yelo sa kamay niya at sinuntok ng malakas ang mukha ni Shakira. May tumulo namang dugo sa ilong ni Shakira, ang labi naman ay may kaunting dugo. Itinapat naman ni Charlie ang kamay niya kay Shakira, may lumabas naman na hangin dito.



Ginamit niya naman ang hangin para palipadin si Shakira. Malakas naman niya itong hinampas sa pader ng gymnasium gamit ang hangin niyang kapangyarihan. Halos naging berde ang ulo ni Shakira dahil sa dugo niya. Nakita naman ni Charlie na nahihirapan na si Shakira kaya marahas niya itong ibinaba.



Napatayo naman si Shakira nang hawak-hawak ang ulo niya. Napamura na lamang siya nang may makita siyang dugo, kalaunan ay ngumisi siya na ipinagtaka ni Charlie.



"Why are you fucking smirking like crazy?" tanong ni Charlie sa kan'ya.



Pumikit naman si Shakira, nagulat naman si Charlie nang maging lima si Shakira. Napamura na lang siya nang mapagtanto niyang ginagamitan nanaman siya ng ilusyon.



"Nasaan kaya ang totoong ako, minamahal kong prinsesa?" halakhak na tanong rito ng isang Shakira sa pinakadulo.



"Bullshit." napamura na lamang si Charlie.



Hindi niya malaman kung nasaan ang totoong Shakira dahil halos magkakamukha ang ginawa nitong ilusyon.



"Nalilito ka na ba, prinsesa!?" sabay tawa ng malakas ng Shakira na nasa gitna.



"Sabi na nga ba't napakahina mo! Simpleng ilusyon ko lamang ay hindi mo makaya!" sigaw ng Shakira na nasa unahan.



Nagulat naman si Charlie ng pakawalan siya ng dagger ni Shakira na may halong lason. Napainda sa sakit si Charlie nang matamaan siya.



"Fuck." iritado niyang bulong.



Pumalakpak naman si Shakira na nagpakuha sa atensyon ni Coldy. Hinawakan naman ni Charlie ang dagger na tumama sa tiyan niya na may lason. Napaubo na lamang si Charlie.



"Ganu'n kadali lang pala kita matatalo!" halakhak niyang sigaw.



Pumikit naman si Charlie at dinamdam ang lason na dumadaloy sa dugo niya. Kinuha niya ang pagkakataong dumadaldal si Shakira para gamutin niya ang sugat niya. Hindi naman napansin ni Shakira ang paggamot ni Charlie sa sugat niya dahil abala ito sa pagmamayabang. Sinenyasan ni Charlie si Coldy na huwag siyang alalahanin.



Napangisi naman si Charlie nang gumaling ang sugat niya at nawala ang lason sa dumadaloy sa dugo niya. Binuksan naman ni Charlie ang palad niya nang palihim at palihim na itinapat ito kay Shakira.



Bumulong naman si Charlie. "Electric ultra shock." bulong niya at may lumabas na kuryente sa palad niya.



Itinama niya naman ito sa limang Shakira. Nawala na ang apat na Shakira at isa na lamang ang natira, napatalsik naman ang totoong Shakira sa may dingding habang nakukuryente.



"W-Walangya k-ka!" nauutal niyang sigaw.



Tumayo naman si Charlie mula sa pagkakaupo at lumapit sa kinaroroonan ni Shakira na hindi makagalaw. Kumuha naman si Charlie ng dagger mula sa batok niya at marahang itinapat sa leeg ni Shakira. Akmang hihiwain na sana niya ang leeg ni Shakira nang...



"Subukan mong patayin ang kapatid ko... Papatayin ko ang pinakamamahal mo!" sigaw ni Harley.



Humarap naman si Charlie at bumungad sa kaniya si Coldy na nakaluhod habang tinututukan siya ni Harley ng patalim. Nagulat naman si Charlie nang sipain muli siya ni Shakira at napaluhod nanaman siya.



Napangiwi nalang siya ng may tumama sa kan'yang hindi niya inaasahang patalim.



Isang baril na galing sa mundo ng mga tao...



Napahiga na lamang siya ng dalawang beses siyang binaril ni Shakira.



"Anong akala mo sa'kin ay ganu'n kadali mo lamang akong matatalo? Alam kong kaya mong pagalingin ang mga patalim na tatama sa'yo basta't gawa sa... Mundo ng mahika... E', paano naman kung gawa sa mundo ng mga tao?" halakhak na sigaw ni Shakira.



Napangiwi nalang sa sakit si Charlie dahil pinutukan ni Shakira ang tuhod niya ng dalawang beses. Napatingin naman si Charlie kay Coldy na tumutulo na ang luha.



"Kill me! Fuck! Patayin niyo na ako! Just don't fucking hurt my girl! Ako na lang!" sigaw ni Coldy habang humahagulgol.



"Napakaganda naman ng eksena at tanawin ng paghihirap niyong dalawa!" sabay tawa ng malakas ni Shakira.



"Mahalin mo lang ako, kapalit ng buhay nitong pinakamamahal mong lalaki!" nahihibang na sigaw ni Harley.



Dahan-dahan namang tiningnan ni Charlie si Harley na malagkit ang titig sa kan'ya. "Kahit anong gawin mo... Hinding-hindi kita mamahalin!" malamig na sigaw nito.



"Kahit buhay pa ng minamahal mo ang kapalit!?" sigaw niya at humalakhak.



"Kung papatayin mo siya, patayin mo na din ako!" sigaw ni Charlie.



"At sa tingin mo ay tanga ako para gawin 'yan!? Siguro naman, kapag nawala ang lalaking 'to sa buhay mo ay matututunan mo na din akong mahalin!" nababaliw nitong sigaw.



Pilit naman gumapang si Charlie papunta kay Coldy. Hinawakan naman ni Charlie ang mga kamay ni Coldy. "Everything's gonna be alright, baby..." he whispered.



"Don't agree to him... Let me die, just don't love him..." bulong niya kay Charlie habang tumutulo ang luha.



"Paano naman ako? Sige nga, Coldy... Paano ako kung wala ka?" umiiyak na tugon ni Charlie.



Dahan-dahan namang hinawakan ni Coldy ang pisnge ni Charlie. "You can live without me... You can..."



Tiningnan naman ni Charlie si Coldy ng may lungkot sa mga mata. "Live with sadness, loneliness, and frustration? Ayan ba ang gusto mo, Coldy?" malungkot kong ani rito.



"Find a man... That will value you... You deserved the luck..."



"Mahal na mahal kita." bulong niya.



Hinalikan naman ni Charlie ang kamay ni Coldy. "No baby... No... Lalaban ako... Hindi... Please, let me fight without losing you..." nakayukong pagmamakaawa ni Charlie.



Hinalikan naman ni Coldy ang noo ni Charlie. "My last kiss..."



Marahas namang inangat ni Harley ang ulo ni Coldy at lalong diniinan ang espadang nakatusok leeg nito. "Uulitin ko! Papatayin ko ang minamahal mo o sasama ka sa'kin at magpapakasal tayo!?" sadistang sigaw ni Harley.



"P-Pakiusap... Bakit mo pa kailangan daanin sa ganito!?" sigaw ni Charlie.



"Magmamatigas ka talaga!?"



"Ayaw mo ba sa'kin? Mas malakas ako kaysa sa lalaking 'to! Gagawin kitang Reyna ng buong mundo kapag natalo natin ang lahat ng kaharian!" sigaw ni Harley.



"Daanin natin sa maayos na usapan, Harley... Please... Bakit umabot sa ganitong sitwasyon!?"



"Talagang nagmamatigas ka!?" sigaw niya.



Unti-onti namang tumigil ang mundo ni Charlie nang hiwain ni Harley ang leeg ni Coldy at marahang sinaksak sa tiyan ng dalawang beses. Halos bumagal ang galaw sa paligid ni Charlie at tanging si Coldy na lamang ang nakikita niya.



Kaagad namang sinalo ni Charlie ang katawan ni Coldy na bumagsak. Hinawakan niya naman ang pisnge ni Coldy.



Hinawakan niya naman ng mahigpit ang kamay ni Charlie. "Y-You are t-the best t-thing that h-happened in my l-life..."



"N-No one c-can replace y-you ever... No o-one..." nauutal nitong ani habang sumusuka ng dugo.



Hinalikan naman siya ni Charlie. "No... Fuck, lumaban ka! Don't leave me, please? 'Wag mo 'kong iwan!" emosyonal nitong sigaw.



"I l-loved you m-more than a-anyone can c-could have..."



"I waited f-for you t-till my last b-breath..."



"You are the only thing I want to see before I close my eyes and sleep forever..." nakangiting usal nito habang pinipilit na hindi mautal.



"Please, don't fucking close your eyes! I f-fucking l-love you..." hagulgol na sabi ni Charlie rito.



"I loved you as Charlie. Not as Hazel nor Princess Charotte. Again, I love you because you're one of a kind princess of mine." pilit na ngiting usal ni Coldy bago pumikit at mawalan ng hininga.



"COLDY! HINDI! Bullshit!" mura ni Charlie habang nakayakap sa malamig na bangkay ni Coldy.



"Baby... Mahal na mahal kita..." hagulgol pa ding sambit ni Charlie.



"Bitawan mo na ang bangkay ng pinakamamahal mong lalaki..." mapang-asar na usal ni Harley.



Tiningnan naman siya ni Charlie ng may galit sa mga mata. "Hindi mo man lang pinakinggan ang sasabihin ko bago mo siya patayin!" malakas na sigaw ni Charlie.



"Naisip ko lang na... Pag binuhay ko siya, paniguradong hindi mawawala ang pagmamahal mo sa lalaking 'yan..."



"At kaya sa tingin mo ay pag pinatay mo si Coldy, mamahalin na kita!?" galit na galit na sigaw ni Charlie.



"OO! Alam kong mamahalin mo rin ako pag nawala na landas mo ang lalaking 'yan!"



Pilit namang lumapit si Charlie kay Harley. "What made you say that? Alam mo bang kahit baligtarin pa ang mundo... Hinding-hindi ko magugustuhan ang katulad mo! MAMATAY MAN SI COLDY, HINDING-HINDI KITA MAMAHALIN!" marahan na sigaw ni Charlie.



Malakas naman siyang sinampal ni Harley, napahawi na lamang ang mukha ni Charlie.



Kaagad namang lumapit si Harley kay Charlie. "P-Pasensya na sa pagsampal ko sa'yo... Ikaw ba naman kasi... Bakit mo pa pinipilit ang gusto mo? Kami na ang nagwagi!"



Hindi naman umimik si Charlie, napabuntong hininga na lamang si Harley. "Wala nang hahadlang sa'tin... Wala na ang mga kaibigan mo... Wala na si Coldy... Tayo na lang!" nababaliw na sigaw ni Harley.



"Anong ibig sabihin mong wala na ang mga kaibigan ko!?" sigaw ni Charlie.



"Simple lang... Pinatay ko na ang mga Royalties! Paepal lang sila sa pagmamahalan natin, kaya mas minabuting walang itira ni isa sa kanila!" sigaw ni Harley at sabay malakas na tumawa.



"Hindi akong naniniwalang pinatay mo sila! Hindi mo sila kakayanin!"



"Paano mo naman nasabi? Huwag na huwag mo akong mamaliitin, Charlie... Hindi mo alam ang kaya kong gawin..." seryosong saad ni Harley.



"Mas malakas pa ako sa inaakala mo... Mas higit pa ang kapangyarihan ko kaysa sa'yo."



Hindi naman umimik si Charlie. "Mukhang hindi ka naniniwala, kaya ko naman patunayan sa'yo 'yon..." ngising turan ni Harley.



Itinapat naman ni Harley ang kamay niya sa walang espasyong lapag. Lumiwanag ng kulay itim ang palad ni Harley at bumungad kay Charlie ang mga Royalties na duguan at wala ng buhay.



Halos mabagsakan namn ng langit at lupa si Charlie sa nakita. Ang nasa isip niya na lamang ay mananalo ang kasamaan. Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Charlie.



"Ang gandang bungad naman ng nakikita ko!" halakhak na ani Shakira.



"Hindi ko aakalain na magkakagan'yan ka." malungkot na sinabi ni Charlie kay Harley.



"Ano pa bang silbe ng pagiging dugong Darkenians ko kung hindi ko gagamitin sa inyo? Lahat ng pinakita kong ugali noon ay isang malaking peke! Ngunit ang pagmamahal ko sa iyo ay hindi..." sigaw ni Harley.



"Nagtraydor ako sa mga kaanak kong Darkenians noon kasi akala ko... Matatanggap mo ako kung ganoon... Ngunit, mali ako... Kaya napag-isip-isip ko na paano kaya kung gamitin ko sila laban sa'yo para lamang mahalin ako?"



Malamig namang tumingin si Charlie kay Harley. "Nabulag ka sa pagmamahal mo sa'kin, hindi sa kapangyarihan."



"Kaya ko ginagawa 'to para sa'yo! Pinapatunayan ko sa'yo kung gaano kita kamahal na handa akong pumatay para lang sa'yo!"



"Putangina! Ginagawa mo lang 'yan para sa sarili mo! Mas'yado kang sakim!" galit na galit na sigaw ni Charlie.



"Sakim ako dahil sa pagmamahal ko sa'yo! Pero anong ginawa mo, dinurog mo ako!"



Hindi na umimik si Charlie at tumingin kay Shakira. "Ikaw... Nabulag ka sa pagmamahal mo sa iyong ina... Gusto mo siyang hangaan ka 'di ba!? At sa ganitong paraan mo siya mapapahanga, sa maling paraan!" sigaw ni Charlie kay Shakira.



Ngumisi ng mapait si Charlie. "Wala din kayong pinagkaiba ng napakasama mong ina, parehas kayong naghihiganti sa maling landas!" pahabol na saad ni Charlie.



Kaagad namang napalitan ng galit ang mga mukha ni Shakira, napainda na lamang sa sakit si Charlie nang barilin nanaman siya ni Shakira.



"Wala kang alam kaya manahimik ka! Hindi mo alam ang naging buhay ko!" malakas na sigaw niya.



Kaagad namang pinuntahan ni Harley si Charlie. "Ayos ka lang ba!?" nagpapanic nitong tanong kay Charlie. Hindi naman sumagot si Charlie.



Napapikit si Charlie nang may marinig nanaman siyang putok ng baril, ngunit wala siyang naramdaman na sakit. Napamulat naman siya at wala na si Harley sa tabi niya. Nagulat si Charlie nang makita si Headmaster na may tama ng baril sa may puso na ikinasuklam pa lalo ni Charlie.



"HEADMASTER!" sigaw ni Charlie.



"Salamat sa p-pagiging prinsesa mo sa b-buong mundo k-kahit mahirap..." nauutal na usal ni Headmaster.



"H-Headmaster... H-Hindi mo na dapat ginawa 'yon!" sigaw ni Charlie.



Ngumiti naman rito si Headmaster. "Bawal kapang mamatay... Kahit buhay ko na lamang ang kapalit..." ani Headmaster.



"Lumaban ka, Headmaster! Bawal ka pang mamatay! Kailangan ka pa namin!" sigaw ni Charlie rito habang niyuyugyog niya si Headmaster.



"Bago ako mamatay, may nais lamang akong sabihin..." nanghihina nitong tugon.



Kumunot naman ang noo ni Charlie. "Ano 'yon Headmaster!?"



"Ang iyong ama at ina..."



Nanlaki naman ang mga mata ni Charlie. "Anong nangyari sa kanila, sabihin mo sa'kin, Headmaster!?"



"W-Wala na s-sila... P-Patay na s-sila..."



Halos gumunaw naman ang mundo ni Charlie sa narinig. "Saan sila matatagpuan!?"



"Sa meeting room... A-Ang sabi nila, mahal na mahal ka nilang dalawa..."



Tuluyan namang lumuha si Charlie. "Headmaster... Lumaban ka..." bulong ni Charlie.



"Nawa'y matalo mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan... Ayun na lamang ang makakapagpasaya sa mga nilalang na namayapa na..." nakangiti nitong turan.



Unti-onting pumikit si Headmaster na nagpahagulgol kay Charlie, lalo namang nadagdagan ang galit niya. Napadako naman ang tingin niya sa magkapatid na naglalaban.



"Hindi mo dapat siya sinaktan! Wala 'yan sa usapan natin!" sigaw ni Harley.



"Sa tingin mo ba'y mamahalin ka niya kahit napatay mo na lahat!?" pabalik na sigaw ni Shakira.



"Oo! Alam ko 'yon!"



"Gagamitin kalang niya, kuya! Makinig ka sa'kin!" sigaw ni Shakira.



"Hindi ko kailangan ng opinyon mo! Dapat ka nang mamatay!" sigaw ni Harley.



Lubhang malakas si Harley at hindi niya inaasahan na sobrang bilis ng galaw nito at kung paano ito kumilos.



Napangisi naman si Charlie dahil sa nakikitang away ng dalawang magkapatid. Nagkunyari naman itong nanghihina at hindi na kayang makagalaw pa. Naghanap naman ng tamang tiyempo si Charlie para sumugod, kinuha naman ni Charlie ang nahulog niyang espada ng palihim.



Nang tumalsik ang dalawa dahil sa paglalaban ay nag-teleport si Charlie sa likudan ni Harley. Mabilis na hinawakan ni Charlie ang balikat nito at marahan na sinasaksak ng maraming beses. Napayakap na lamang si Harley kay Charlie habang nakatitig rito, purong sakit ang nakita ni Charlie sa mga mata nito.



Ngumiti si Charlie ng mapait at peke. "Mali ka ng kinalaban at minahal." pagalit na bulong nito.



Hinugot na ni Charlie ang espada at kasabay nu'n ang pagiging abo ni Harley.



Napasulyap naman siya kay Shakira na dahan-dahang tumayo. Hindi na nagsalita si Charlie ay mabilis na pumunta sa gawi ni Shakira para gamitan ng spells.



"Air death smoke! Water spikes! Ice daggers! Fire bomb! Dark hypnotize! Electric shock! Deadly waves!" sigaw niya at inikot-ikot ang kamay niya habang tumatakbo sa gawi ni Shakira.



Nang malapit na siya ay itinapat niya ito kay Shakira na nagpagulat sa Darkenian. Kaagad namang sumabog ang nasa gawi ni Shakira.



Kasabay nu'n ang pagbulong niya. "Don't ever mess with me, you'll suffer." matalim na turan ni Charlie bago maging abo ang katawan ni Shakira.



Napaluhod na lamang si Charlie at tinitigan ang bangkay ng mga Royalties, Headmaster, at ng pinakamamahal niya na si Coldy. Napahagulgol na lamang siya at tumakbo papalabas para hanapin ang bangkay ng kan'yang mga magulang. Ang bawat madadaanan niya ay may mga bangkay ng mga estudyante. Kaagad naman siyang tumakbo kahit masakit ang tuhod niya at nauubusan na siya ng dugo. Papilay-pilay ang pagtakbo nito hanggang makarating siya sa meeting room.



Bumungad sa kan'ya ang malamig na katawan at bangkay ng mga magulang niya. Kaagad naman niyang niyakap ito at humagulgol at napamura na lang dahil sa pagkamatay ng marami.



Pagkatapos niyang yakapin ang mga magulang ay hinalikan niya ang noo ng mga magulang niya. Dahan-dahan siyang lumabas sa meeting room kahit hindi ito makalakad ng maayos. Ang natitirang mga Darkenians ay naging abo na dahil namatay na ang mga pinuno nila.



Sa bawat madadaanan niya ay may mga patay at mga nagsisiiyakan na dumurog sa puso't pagkatao niya.



Napaluhod na lamang siya habang tumutulo ang luha. "Ito ba ang kapalit ng ginawa ko? Lahat ng pinagdaanan ko?" emosyonal nitong sambit sa langit.



Kaagad naman niyang binuksan ang palad niya. "Lumabas kayo... Rainasus at Pelesus..." utos ni Charlie sa mga 'to.



Lumiwanag naman ang mga kamay ni Charlie at lumabas na ang dalawa niyang guardians.



"Bakit mo kami inilabas, Prinsesa?" magalang na tanong ni Pelesus.



Ngumiti naman si Charlie ng mapait sa kanila. "Mayroon akong ipapagawa sa inyo..."



Kumunot naman ang noo ng magkapatid na guardians. "What is it, Princess?" tanong ni Rainasus.



"Ikaw, Rainasus... Ang tagapagbantay ng buhay... Gusto kong buhayin mo ang mga namatay, lahat ng nilalang na namatay... Pati na rin ang minamahal kong si Yannie..." nakayukong saad ni Charlie habang lumuluha pa din.



"Ngunit imposible ang iyong inuutos, may kapalit ang aking gagawin. Malaking kapalit... Prinsesa." magalang na utas ni Rainasus.



"Ikaw, Pelesus... Ang tagapagbantay ng kamatayan... Gusto kong kuhanin mo ang buhay ko kapalit ng buhay ng mga nilalang nasawi. Kapalit ng gagawin ni Rainasus..." nakayuko pa ring sambit ni Charlie.



"But, Princess! Hindi p'wede, hindi ako papayag na mamatay ka!" sigaw ni Rainasus.



Hinawakan ko naman ang mga kamay nito. "Prinsesa ako... Kaya, sundin niyo ako."



"Wala tayong magagawa sa iniuutos sa'tin ng prinsesa kung hindi gawin at sundin, Rainasus." saway ni Pelesus rito.



Hindi naman umimik si Rainasus at ibinaling ang mga tingin. "Sigurado ka na ba sa iyong desisyon, Prinsesa? Wala nang balikan ang aming gagawin..." ani Pelesus.



Tumango naman si Charlie. "Oo, siguradong-sigurado ako."



Ngumiti naman ako sa kanila. "Maraming salamat, Pelesus. Rainasus, alam kong masama ang loob mo sa'kin... Ngunit, mas nanaisin ko pang ako na lamang ang mamatay kaysa maraming mamatay. Sana'y maintindihan mo."



"Nais ko ding ibalik niyo sa dating kaanyuan ng dating paaralan. Gusto kong maging maayos ang lahat. Kayo na lamang ang bahalang magpaliwanag kapag ako'y wala na."



Dahan-dahan namang tumango si Rainasus. Kasabay nu'n ang pagkawala ng dalawang guardians. Ngumiti muna ng mapait si Charlie bago tingnan ang paaralan. Nakita niya naman ang pagbabalik ng itsura ng paaralan, ang mga namatay naman ay muling nabuhay.



Unti-onti namang napansin ni Charlie na naglalaho na ang mga kamay niya, isang huling ngiti ang pinakawalan niya bago tuluyang naglaho.



Isang prinsesa ang nagsakripisyo para lamang sa kapakanan ng kan'yang mga nasasakupan. Mas ninais at minabuti niya pang isakripisyo ang buhay niya para lamang sa mga nilalang na kailangan pang mabuhay.



Hindi sandata o anumang patalim ang ginamit ni Charlie para talunin ang mga Darkenians kung hindi ang puso at emosyon niya na nagpalakas ng loob niya.



Hanggang sa muli, ito ang k'wento ng minamahal na prinsesa ng Arteya Kingdom. Ang babaeng matapang na handang isugal ang buhay niya para sa kapayapaan.



-


The Lost Princess. Chapter 50. Fantasy.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 63.4K 62
Revenge. The only word that's into her mind. All the way from New York, Vera Jean Moore came back to do her revenge for those who killed her Mother...
1.5M 62.3K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
134K 3K 41
[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whate...
443K 9K 61
RIANNE was a secret gangster at the Gangster University. Well, that was until an asshole in disguise told the whole world about it. As a result, she...