The Lost Princess

By yeexizx

911K 20.5K 1.1K

BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga al... More

The Lost Princess | Prologue
Kabanata I - Chapter 1
Kabanata II - Chapter 2
Kabanata III - Chapter 3
Kabanata IV - Chapter 4
Kabanata V - Chapter 5
Kabanata VI - Chapter 6
Kabanata VII - Chapter 7
Kabanata VIII - Chapter 8
Main Characters
Kabanata IX - Chapter 9
Kabanata X - Chapter 10
Kabanata XI - Chapter 11
Kabanata XII - Chapter 12
Kabanata XIII - Chapter 13
Kabanata XIV - Chapter 14
Kabanata XV - Chapter 15
Kabanata XVI - Chapter 16
Kabanata XVII - Chapter 17
Kabanata XVIII - Chapter 18
Kabanata XIX - Chapter 19
Kabanata XX - Chapter 20
Kabanata XXI - Chapter 21
Kabanata XXII - Chapter 22
Kabanata XXIII - Chapter 23
Kabanata XXIV - Chapter 24
Kabanata XXV - Chapter 25
Kabanata XXVI - Chapter 26
Kabanata XXVII - Chapter 27
Kabanata XXVIII - Chapter 28
Kabanata XXIX - Chapter 29
Kabanata XXX - Chapter 30
Kabanata XXXI - Chapter 31
Kabanata XXXII - Chapter 32
Kabanata XXXIII - Chapter 33
Kabanata XXXIV - Chapter 34
Kabanata XXXV - Chapter 35
Kabanata XXXVI - Chapter 36
Kabanata XXXVII - Chapter 37
Kabanata XXXVIII - Chapter 38
Kabanata XXXIX - Chapter 39
Kabanata XL - Chapter 40
Kabanata XLI - Chapter 41
Kabanata XLII - Chapter 42
Kabanata XLIV - Chapter 44
Kabanata XLV - Chapter 45
Kabanata XLVI - Chapter 46
Kabanata XLVII - Chapter 47
Kabanata XLVIII - Chapter 48
Kabanata XLIX - Chapter 49
Kabanata L - Chapter 50
Additional Chapter
Epilogue
Special Chapter
A/N - TLP
WARNING:
Dedications
Announcement
Announcement (2)
FOLLOW ME ON INSTAGRAM

Kabanata XLIII - Chapter 43

8.3K 221 7
By yeexizx

Chapter 43- New


Written by yeexizx



Charlie's POV



"Can't you see that we're tired, Princess!?"



Ang sigaw na nagmula sa reklamador na si Rainasus. Isa sa mga punishment na ibinigay ko dahil hindi nilinis ang k'warto ko, nakakaloka! Halos lahat sila ay tamad. Tanging kain lamang ang naiaambag ng mga 'to sa dorm ko.



Sinamaan ko sila ng tingin. "Magkakalat kayo tapos hindi niyo liligpitin?"



"Blame your fucking guest, all of these mess are his fault. Duh!" mataray na saad ni Rainasus.



"It's your fault also! Hinabol mo pa kasing kabayo ka!" sigaw ni Nixed, ang guardian kong phoenix.



"Wow! Kabayo talaga? Did you forget that I'm the strongest guardian among all of you!? And for your information, unicorn ako, hindi kabayo! You're so dumb!"



Sumimangot naman si Nixed. "Wala akong pakialam, war-freak!"



"I don't care also, ibon!" pabalik na sigaw ni Rainasus.



Pag-uwi ko, away nanaman!



"Hindi pa ba matatapos 'yang away niyo? Nakakapagod na kayong sawayin." malamig kong usal sa mga 'to.



"Bwisit kasi 'yang kabayo na 'yan, feeling boss!"



"Bwiset kasi 'yang ibon na 'yan, feeling naglilinis!"



"Tigilan niyo na 'yang away na yan, nagagalit na ang prinsesa." pananaway ni Eil, ang guardian kong lobo.



"Nagsalita ang hindi naglinis!"



"Atleast marunong umawat, e' ikaw? You're making the situation worse." malamig na tugon ni Eil.



Guardians ko lang ang nag-aaway ng ganito!



Ngumisi naman si Rainasus. "Atleast malakas, e' ikaw? Anong ambag mo kapag naglaban?"



"Tumigil na nga kayo. Clean my room with silence, my guardians."



"Fine! Whatever." padabog na sabi ni Rainasus.



Nagsimula na silang maglinis, thankfully, tumahimik na silang lahat. Pero, hindi pa rin mawawala ang dabog nila. Halatang labag pa sa kalooban nila ang ginagawa nilang paglilinis.



Hindi kalaunan, natapos na silang ligpitin ang mga kalat ng k'warto ko including the damages.



"Oh 'di ba? Natapos niyo kapag tahimik? Kung hindi kayo nag-away, edi sana napadali 'yang paglilinis niyo. Tss." malamig kong sambit.



Wala silang magawa kung hindi sumimangot, napangiti nalang ako ng marahan. "Rainasus, come here, we need to talk."



Napatingin naman ang ibang mga guardians ko, kumunot lamang ang noo ni Rainasus. "Why? Are you going to command me again?" mataray nitong tugon.



Napahalakhak naman ako. "You're too advance..."



"Nakasanayan na naming lagi mo kaming inuutusan! We're guardians, not your maids!" sigaw niya.



"No. I'm not going to command something. I just want to clear out things about your brother, the pegasus." usal ko.



Nanlaki naman ang mga mata niya, pati ang mga guardians. "How did you know that? I concealed that secret for many years, princess."



"Let's talk in private. Pumasok muna kayo sa mga brilyante niyo, mga guardians except for Rainasus." utos ko.



Tumango naman sila at sinunod ang utos ko. Kami lamang ni Rainasus ang natirang nakatayo sa dorm ko, nagkatitigan lamang kami ng ilang minuto.



"So, how did you know? Is he appeared in your dreams? Or whatever?" maldita nitong tanong.



"Hindi ba at nag-friendly date kami ni Marky? We rode a pegasus earlier. Pinili ako ng isang pegasus, I didn't expect that he'll going to pick me."



"Did he say something? About us? Or some stuffs that are connected with you?" kunot-noo nitong tanong.



Tumango ako. "Yes."



"What is it? Tell me." seryoso nitong turan.



Kumunot ang noo ko. "Is it really important to tell you about that?"



"Of course, yes. Mayroong nakatakdang mangyari, makinig ka sa'kin..."



"Ano 'yon?"



"Tell me about what that freaking pegasus said to you yesterday first." ani Rainasus.



"He said that... He's the second strongest among the guardians of mine, a-and told me about the siblings thing- he's your brother."



Nanlaki ang mga mata niya. "That bullshit pegasus! Pinangunahan ang tadhana!" pagalit na sigaw niya.



"Tadhana? Ano ba dapat ang nakatakdang mangyari, Rainasus?" kunot-noo kong tanong.



"Look, he should appear when the war comes. Hindi siya dapat nagpakita sa'yo, mababago ang tadhana. Malalagay ka sa alanganin at kapahamakan, lalong madadagdagan ang pasakit na ibibigay sa'yo."




Napuno ng lito ang itsura ng mukha ko. "I have a lot of questions, Rainasus. I hope that you'll answer it until I feel satisfied. First, konektado ba siya sa tadhana ko? Second, bakit malalagay ako sa kapahamakan? And lastly, bakit siya nagpakita kung dapat lamang siya magpakita sa'kin kapag nagsimula na ang labanan sa pagitan ng ibang mga kaharian at Darkenians?"



"No. Hindi siya konektado sa tadhana mo, alam ko namang alam mo na ang guardians lamang ng isang malakas na prinsesang kagaya mo ay mayroong sampung tagapagbantay lamang. Wala sa teorya ang aking kapatid na pegasus, walang nakakilala sa kan'ya kung hindi kaming mga guardians at ikaw... Pati na rin si Diwatang Kimeniah at Valentina lamang..." seryoso niyang tugon.



Napakunot naman ang noo ko. "Ngunit, bakit magbabago ang tadhana ko dahil sa kan'ya?"



"Magbabago ang tadhana mo, malalagay ka sa kapahamakan, at dapat lamang siya magpakita sa iyo kapag nagsimula na ang laban dahil nagpapakita lamang siya ng maaga kapag may nangyaring masama o mangyayaring masama sa pinakamalakas na prinsesa. Nag-iba ang tahak ng tadhana, mayroon kang nakasamang taksil at traydor sa buhay mo."



"Sino naman ang taksil at traydor na sinasabi mo, Rainasus? Any thoughts?" pabulong kong tanong rito.



Umiling-iling lamang ito. "I don't have any idea, tanging ang kapatid ko lamang na pegasus ang nakaaalam kung sino. Ngunit, kahit pilitin mo siya, hindi niya maaaring sabihin sa iyo. Hindi niya maaaring diktahan ang tadhang nakalaan para sa iyo."



"Okay. I'd understand... But, mayroon pa rin tanong na umiikot sa utak ko... Sino ba kayong dalawang magkapatid?"



"Bago ko sabihin, mag-isip ka ng magiging pangalan ng aking kapatid." aniya.



Napaisip na lamang ako. "Uhh..."



"Ano? Mayroon ka na bang naisip?"



Tumango ako. "Yes."



"What is it?"



"I want to name him Pelesus." usal ko sabay bigay ng ngiti kay Rainasus.



"Nice name. So, mayroon kang kailangan malaman."



"What is it? Spill." malamig kong tugon.



"Ayoko nang patagalin 'to, prinsesa..."



"Ano nga 'yon?" kunot-noo kong tanong rito.



"Ako na kinikilala bilang pinakamalakas na guardians na kilala bilang Rainasus ay ang tagapagbantay ng buhay."



Kumunot na lamang ulit ang noo ko. "What do you mean?"



"Ang aking kapatid na kinikilala bilang pangalawa sa pinakamalakas na kilala bilang Pelesus ay ang tagapagbantay ng kamatayan."



"Wala akong maintindihan, Rainasus." seryoso at kalmado kong utas.



"Paumanhin, ngunit ayan na lamang ang maaari kong ibigay sa'yo na impormasyon. Wala akong lilinawin, ang aking mga katagang binitawan ay sapat na para ikaw ay masiyahan at manahimik, prinsesa." nakayukong sambit nito.



"Ayos lang, naiintindihan ko... Maaari kanang magpahinga, hindi ko na muli pa kayong gagambalain."



"May balita akong ihahayag sa'yo, Prinsesa." usal nito na nagpakabog sa'king dibdib.



"What is it?"



Tumitig ito sa'kin ng seryoso. "Ito ay base lamang sa aking nararamdaman at wala akong kasiguraduhan kung ito ba ay mangyayari, ngunit..."



"Ngunit?" nakakunot-noo kong tanong.



"Kailangan mong mag-ingat at maghanda."



Nagkibit balikat nalang ako. "For what?"



Sumeryoso muli ang mukha nito. "Nararamdaman ko nang papalapit na ang digmaan at laban. Ngunit, wala akong kasiguraduhan... Kung tama ba ang aking prediksyon..."



Pumasok na siya sa brilyante, kung saan siya nagpapahinga at nagpapapalakas. Naiwan lamang ako ng nakatulala sa kawalan. Mayroong nabubuong konklusyon sa isip ko na hindi ko maipaliwanag at maintindihan.



-


Naalimpungatan ako nang may nagsalita sa isip ko, pamilyar ang boses nito kaya napabangon ako sa pagkakatulog ko. Napabaliwas na lamang ako sa aking pagkakahiga.



"Royalties including Charlie, go to my office now." ma-awtoridad na utos ni Headmaster.



"Again, Royalties including Charlie, go to my office now. We'll talk about your mission." ulit nitong usal.



Tumayo na ako, mabuti na lamang ay naligo ako bago ako natulog kanina. Nag-ayos na lamang ako ako ng mabilisan. Simple lamang ang damit ko ngayon dahil nagmamadali na ako.



Outfit: Mini Skirt (Gray), Fitted Strapless Croptop (Black), Sneakers (White)



Maganda naman ito kahit simple, tinernuhan pa ng kwintas na bigay sa'kin ni Inang Tamara. Lumabas na ako mula sa dorm ko, dumiretso naman ako sa opisina ni Headmaster.



Alintana ko ang mga bulungan dahil nagmamadali ako. Kumatok muna ako bago pumasok sa pintuan, nagulat ako nang ako ang unang nakarating rito. Bumugad sa'kin si Headmaster na nakahalukipkip sa kan'yang lamesa. Wala pa ang ibang mga Royalties kaya kami lamang ni Headmaster rito.



"Nauna ka yata?" mahinang usal ni Headmaster sabay humalakhak.



Ngumiti naman ako. "First time." tugon ko.



"Gusto ko nang malaman kung bakit mo kami ipinatawag. Ngayon muna sa'kin sabihin, Headmaster." malamig kong usal rito.



"Mamaya ko na ito babanggitin, prinsesa. Para exciting, hindi ba?" halakhak nitong saad.



Kumunot ang noo ko. "Okay, whatever... Is it about the last mission we had?"



Ngumiti naman ito ng bahagya. "No. It is all about another new mission na inyong gagawin, be ready, princess."



Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto, bumungad kaagad si Kenneth at Silky na halatang kagigising palang dahil sa gulo-gulong buhok at nakapantulog pang damit.



Ako lang yata ang nakabihis. Tss.



"Saan gala natin, Charlie?" pang-aasar ni Silky at humalakhak ng malakas, napangiti na lamang ako.



"Siraulong pangit talaga 'tong si Silky por que hindi lang nakabihis!" barumbadong sigaw ni Kenneth.



"Ulol, Kenneth na torpe!"



"Siraulo ka, uod!"



"Walang may pake, torpe!"



"Tangina! May muta ka pa, uod! Nakakadiri ka talaga!"



"What the... Umagang-umaga, nag-aasaran nanaman kayo d'yan!" sigaw ni Divina na kakadating palang.



"Oh, Charlie? Ang aga mo yata ah? First time sumipag!" sigaw ni Divina at sinalubong ako ng yakap, niyakap ko lang ito pabalik.



"Yeah, first time." tugon ko at mahinang tumawa.



Humiwalay na siya sa yakap namin, rinig ko pa din ang pag-aasaran nina Kenneth at Silky. Paano pa kaya kung dumating si Alex? Halos paisa-isang dumadating ang mga Royalties, napansin ko namang si Coldy nalang ang wala.



Umubo naman si Headmaster. "Kumpleto na ba kayo, Royalties?"



"Not yet, Headmaster. Wala pa si Coldy." usal ni Kimmy.



"Where is he? Bakit ang tagal niya?" kunot-noong tanong ni Headmaster.



"We don't have any idea, hindi siya umuwi kagabi sa dorm namin, Headmaster..." mahinang utas ni Divina na nagpakunot-noo sa'kin.



"Why? Where did he go? Mayroon bang nakakaalam ni isa sa inyo?" tanong ni Headmaster.



"How about you, Charlotte? Mayroon kabang alam? I thought the both of you are connected?" matalim na tanong ni Marky kaya napatingin na din ang lahat sa kan'ya.



"So, you all think na mayroon akong idea? Du-" maarteng ani Shakira pero naputol iyon nang may nagdabog sa pinto.



Bumungad sa'min si Coldy na gulo-gulo ang buhok, halatang nagmadali pa itong tumakbo dahil tagagtak ang pawis nito sa katawan. Napatingin naman ito sa'kin kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin. Hindi ko namalayan na tumabi ito sa'kin, I immediately smelled his familiar manly scent na nagpainit sa pisngi ko.



"Ayan na pala si Coldy, so shall we start?" pormal na tanong ni Headmaster at nagsitanguhan lamang kami.



Madami kami sa opisina ni Headmaster kaya naman siksikan kami, nasa pinakadulo ako at si Coldy lamang ang katabi ko. Nadidikit ang braso niya sa braso ko dahil na rin sa masikip na space ng k'warto.



"So first, I need you all to participate for this another new mission..."



"Your goal for this mission is to kill the big monster, the monster who is attacking the Manila."



"Manila? What and where is it?" kunot-noong tanong ni Alex.



"Isang lugar sa mundo ng mga tao, isang siyudad na maraming ilaw tuwing gabi. Maraming iba't ibang pasyalan at teleportasyon."



"Then? Next?" tanong ni Kian.



"You all need to kill that big monster, ang lakas nito ay katumbas o mas higit pa sa lakas ng infinity monster na nasa levelling ng mga enrollees. After niyong patayin ang halimaw, kuhanin niyo ang mata at puso nito. Ang puso ng halimaw ay ginto, samantalang ang mata nito ay mala brilyante."



"What is the use of that eyes and heart of the monster? And, how did you know that there's a monster in mortal world? Lastly, are we going to the mortal world?" maraming tanong ni Ahri.



"The use of the monster's eyes is to see if there's any danger that will going to happen on this school, the heart helps to be the heart of a barrier- the one which is protecting the school. Ang gobyerno ng buong panig ng mundo ay alam ang tungkol sa'tin ngunit itinago nila ito ang mahabang panahon. And lastly, yes. You all are going to the mortal world, no exceptions." mahabang pagpapaliwanag ni Headmaster.



Nanlaki ang mga mata nila maliban sa'min ni Coldy na naka-poker face lang. Napalitan naman ng pagkasabik ang pagkagulat nila, halatang masaya sila sa misyon na ito.



"Talaga, makakapunta na kami sa mundo ng mga tao!?" pasigaw na tanong ni Divina, tumango lamang si Headmaster na nagpasigaw sa mga Royalties.



"Mamaya na mismo ang inyong misyon, sapat na siguro ang dalawang araw para sa pahinga niyo. Walang extension, alas-sais ang alis niyo. Baliktad ang oras ng mundo natin sa mundo ng mga tao. Gabi na rito mamaya, samantalang ang mundo ng mga tao ay umaga." seryosong tugon ni Headmaster.



"Ilang araw kami do'n, Headmaster?" kunot-noong tanong ni Trisha.



"Isang araw, ang kalahati ay para sa misyon at ang kalahati ay para sa inyong kasiyahan." kalmadong saad ni Headmaster.



"P'wedeng isang linggo kami do'n, Headmaster!?" pasigaw na tanong si Silky.



"'Wag ka nalang sumama, gusto mo?" halakhak na turan ni Headmaster.



Sumimangot naman si Silky kaya napatawa kami lahat maliban kay Coldy na wala pa ding reaksyon hanggang ngayon. Napatayo naman si Headmaster, at lumapit sa'min.



"Maghanda na kayo ng gamit para sa isang araw. Mamaya na ang alis niyo papunta sa mundo ng mga tao, mag-iingat kayo." seryosong usal ni Headmaster.



"Gumamit ng balabal o wig para takpan ang buhok niyong makukulay. Ang mga mata niyo ay lagyan niyo ng contact lense. Ang paggamit ng kapangyarihan sa publiko ay mahigpit kong ipinagbabawal, Royalties. Walang p'wedeng makaalam na mayroong namumuhay na mga nilalang na mayroong kapangyarihan." paalala ni Headmaster, napatango nalang kaming lahat.



"Salamat sa pakikipag-participate, Royalties. Maaari na kayong lumabas, matulog, gumala, o kahit ano pang gusto niyong gawin." malamig na utas ni Headmaster.



Nagpasalamat naman kaming lahat rito bago lumabas, ang iba ay dumeretso sa kani-kanilang dorm, ang iba naman ay sa cafeteria. Naisipan ko namang pumunta sa garden para lumanghap ng sariwang hangin. Humiga naman ako rito at hindi ko alam kung bakit si Coldy ang iniisip ko kanina pa.



Hindi niya na ako kinikibo nito noong nakaraan pang araw na kataka-taka. Napasampal naman ako sa mukha ko nang ma-realize kong napaka-assumera at feelingera ko.



Bakit hindi siya maalis sa isip ko, nakakainis!



Ngunit, hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong bigat at sama ng loob. Hindi ko dapat 'to maramdaman. Napapikit na lamang ako ng marahan. These past few days, nagiging malamig na sa'kin si Coldy, minsan naman ay hindi niya ako kinakausap. Nag-iiwas lamang siya ng tingin sa tuwing nagkakasalubungan kami sa hallway.



Napasampal nalang ulit ako sa mukha ko dahil sa pagkairita, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko si Coldy.



"Why are you hurting yourself?" seryosong tanong ng pamilyar na boses sa'kin, tumabi naman ito sa'kin kaya napaayos ako ng mukha.



"I-I'm not, I'm just checking if I'm a-alive..." nauutal kong tugon rito.



Nakakahiya 'tong rason ko!



"Stop lying. I saw with my two eyes that you're hurting yourself, stop that habit." malamig na usal niya.



"Bahala ka sa gusto mong isipin, Coldy."



Humalakhak naman siya. "Charlie..."



I rolles my eyes. "What?"



"Ouch! You're so mean!" pag-iinarte niya.



"Dati pa." tugon ko.



"Charlie?"



Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano nanaman ba!?"



"I knew you're sad, why?"



I gave him a fake smile. "You don't need to know..."



"I'll listen." mapilit nitong sinabi.



"Why? Bakit ka nalang palaging nand'yan sa tabi ko tuwing mabigat ang loob ko?"



"I listen because I know how it feels to be unheard." tugon nito na may bakas ng lungkot sa tono.



"Kapag sinabi kong nalulungkot ako ng walang dahilan, maniniwala ka?"



"No. You can't be sad without a reason... You're just afraid if you realize the reason, am I right?"



"H-Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit ganito." namimiyok kong tugon.



Am I afraid to realize that you're the reason of this sadness, Coldy?



"Seeing you like this is like a suddenly stab in my heart." malambing nitong bulong pero hindi ko 'yon narinig. Kung bumulong siya ay parang paggalaw lamang ng kan'yang labi kaya hindi ko talaga marinig ang pinagsasasabi niya ng palihim.



"W-What?"



"Nothing. I just said that... I'm always here... Staying by your side... Especially at your worst..." he said with his soft voice.



"T-Thank you for t-that..." nauutal kong tugon.



"I don't understand myself anymore, I suddenly became sad for no reason at all."



"Accept the reason behind that sadness, you'll know why you are sad. Then, you'll understand youself." aniya.



"U-Uhh, let me change the topic. Mas'yadong nakakabaliw 'tong topic natin." halakhak kong saad.



He laughed. "Good idea..."



"If you loss in a fight, would you give up?" tanong ko rito.



"Answer it by yourself first."



"For me, no. Like what I've said before, hindi ako ipapasok ng Diyos sa isang labang hindi niya kayang ipanalo. All of our failures are just what we called 'pagsubok'." nakangiti kong usal.



I filled with confusion. "How about you?"



"No." kalmado niyang saad.



"Why?"



His jaw tightens before answering. "I am not scared to take a risks either I win or I learn. A fight is not always about winning or losing, it's all about the failures we learn." seryoso nitong sambit.



"U-Uhh, Coldy..." tawag ko rito.



"Why?"



"Babalik na ako sa dorm ko, thanks for your time." nakangiti kong usal.



Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kahoy, aalis na sana ako nang hilahin niya ako papunta sa kan'ya na nagpakabog ng dibdib ko. Halos dalawang pulgada na lamang ang lapit namin sa isa't isa, halos mayroon nanamang mga demonyong paro-paro ang gumagalaw sa tiyan ko.



"I just want to say something before you leave, Charlie..."



"U-Uhh, a-ano 'yon?" nauutal kong turan.



He smiled. "Meeting you in a magic world is so strange, feels like a sleepless dream, that I never thought would happen."



"Baby, if life is a book then you'll be my favorite chapter... Always..." huling katagang binitawan niya bago siya naglaho.



Naiwan lamang ako rito na nakatulala habang tumitibok at kumakabog pa rin ng sobrang bilis ang tibok ng puso ko, pati na rin ang tuhod ko ay nanghihina, halos hindi ako makagalaw sa tinatayuan ko.



My feeling right now is a fucking strange- to the point that I can't and don't understand myself anymore.



-


The Lost Princess. Chapter 43. Fantasy.

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 1.7K 52
Emanuella Malum, a human who has demon blood has to unleash the prophecy that has been predicted for a long time, in order to stop the evil doings of...
2.5M 63.4K 62
Revenge. The only word that's into her mind. All the way from New York, Vera Jean Moore came back to do her revenge for those who killed her Mother...
134K 3K 41
[CZARINA JOY "RINA" JAVIER STORY] Grievous incident can create consummate killings whether they like it or not. A revencher was born, she'll do whate...
13.4K 459 89
Born in the Darkness Live with the Curse A killer with a purpose