SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙�...

By TheSecretGreenWriter

114K 9.3K 4.5K

Subdivision Scandal V: He's now a Junior, He touched your Junior! 🍆 More

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛
INTRODUCTION
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
SUBDIVISION CONTEST
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
✓My Accounts 😘
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
The Final Scandal

CHAPTER 01

4.8K 155 53
By TheSecretGreenWriter

Subdivision Scandal V
Written By: TheSecretGreenWriter
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

GANNY'S THROWBACK•
🌈❤️🧡💛💚💙💜🖤💟

"At ngayon kompleto na sila"

Bigla akong kinabahan nang sabihin 'yon ng lalaking kulay berde ang buhok, nasa unahan silang tatlo.

Katabi niya si Kuya Zhabby at ang isa pang lalaking kulay pula ang buhok.

Si kuya Zhabby naman ay kulay abo ang bang's ng kanyang buhok.

Ang weirdo nilang tatlo. Pero mas nakakairita tong maingay na tumitingin samin. Kasama ko ang ibang mga batang lalaki na nakaupo dito sa bakanteng klasrum sa secondary campus.

Tahimik ang lahat, pero di ko maiwasang mapatingin sa mga studyanteng naririto kasama ko.

Gusto kong tanungin si Kuya, kung ano ang nangyayari at bakit ako naririto.

"Kung nagtataka kayo bat nandito kayo" nagsalita yung lalaking pula ang buhok. "Ipapaliwanag rin namin mamaya"

Tumingin sakin si Kuya Zhabby. "Hindi niyo na kaylangan tanungin ang mga pangalan namin, maari niyo kameng tawagin sa kulay ng buhok meron kame"

Anong pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan.

"Tawagin niyo akong Gray" sinulat pa ni Kuya ang katagang yun sa pisara sa likuran niya.

"I'm Red" isang malaking ngiti ang binigay ng lalaking nakaputi na may suot pang reading glass.

"Hahahahaha at ako naman si Green" sumunod na nagsalita ang maingay na nilalang sa aming harapan. "Kayo ang napili namin bilang bagomg miyembro ng aming samahan" sumeryoso siya at isa isa kameng pinagmasdan.

"Dati kameng nasa katayuan niyo" naupo si Red sa lamesa sa harapan at pinagkrus niya ang mga kamay niya. "Kaylangan na ng bagong lahi para sa aming samahan"

"Mga dating pioneer, mga senior namin ay wala na" saad naman ni Kuya habang iniitsa itsa ang tisa na hawak niya. "Yung iba, kumalas na' yung iba wala ng oras" dagdag niya.

"Napili namin kayo" isa isang dinaanan ng tingin ni Green kameng mga naka upo sa silya. "Kayong lahat ang pumasa sa aming criteria Hahahahaha"

Bigla akong napatingin sa mga batang nasa tabi ko. Napatingin sakin yung mukhang hapon tapos kumaway sakin.

Pero sinungitan ko siya.

Nakasimangot akong bumaling kay Kuya, gusto ko ng umuwe. Gusto ko ng maglaro sa playstation ko.

Sumenyas sakin si Kuya na relax lang daw ako. Napakamot nalang ako ng ulo ko.

"Sinusubaybayan namin ang mga kilos niyo" muling nagsalita si Kuya, the heck?! Sinusubaybayan nababaliw na ba itong si Kuya. "And Thank you narin at pumayag kayong sumama sa para sa unang pulong ng ating samahan, I mean niyang inyong samahan"

"Huwag kayong magalala, walang hazing hazing dito Hahahaha baka kinakabahan na kayo eh" ngiting ngiti si Gago. The heck, ayoko ng mga ganitong bagay.

"Isang makulay na samahan lang ang nais naming ipropose sa inyo"

"Tss.." naagaw ng singhal na 'yon ang presensiya ng lahat. Tumayo yung isang bata na halos ka edad ko lang ata. "May assignment pa ako, kaylangan  ko ng umalis" dirediretsong sabi niya.

Isang ballpen na nakaipit sa tenga at isang kwadernong nakalagay sa bulsa niya ang tanging dala nito.

Sa suot niya ay tulad kong Grade 6 palang siya.

"Hahahahaha that's my boy" pumapalakpak na sabi nung Green. Lumapit siya dun sa lalaking tumayo "Have a sit first, Mr. Smart Guy" inalalayan pa nito sa pag upo yung lalaki, na sumunod naman sa kanya.

Kinakabahan naman ako sa nangyayari, gusto ko narin umalis pero parang wala akong kawala.

"Kaylangan sa binubuo naming samahan ang isang matalino" nakatingin si Red dun sa lalaking may ballpen sa tenga. "Isang tao na magaling gumawa ng plano, magaling magdesisyon higit sa lahat gumawa ng escape plan pag nasa panganib ang grupo"

"Tss.."

"At wala ng mas deserving na umangkin sa pwestong 'yon kundi ang Overall Top Student ng Primary Campus" nakatitig siya sa lalaking palasinghal.

Siya, siya ang Top Student sa campus namin. Yang ayos niyang yan matalino siya?

And bat hindi ko siya classmate. Nasa special class ako, kaya alam kong nasa amin ang lahat ng matatalino.

"Sa bawat plano kaylangan namin ng mga mapanlinlang na mukha" lumapit naman si Kuya dun sa, mas inayos ko ang paningin ko. Kambal?! "Kaylangan ng kambal sa inyong grupo, ang mga mukhang 'yan ay maraming magagawang mahika para makapanlinlang ng mga tao"

"Isang taong magaling mang uto ng Guro Hahahahaha" lumapit si Green sa upuan ng isang lalaki na ngiting ngiti naman. "Lakas mo sa mga teacher boy'" tinapik niya to. "Magagamit mo ang charm nayan"

"Isang mabait na bata" tumayo narin si Red at naglakad naman papalapit dun sa isa pang istudyante. "Isang mabait na bata, na pwedeng gawing demonyo"

Anong ibig niyang sabihin.
"Nakita ko yung ginawa mo nung isang araw" tila kinakausap niya yung isang lalaki. "Kaya mong itago sa mabait mong mukha ang totoo mong pagkatao, Magaling"

"Masama ako, sa masama sa akin" sagot naman nito."Sa masama sa malapit sa akin"

"Perfect, kaya sana maging malapit na kayong lahat sa isat isa" lumapit si Red dun sa kamukha ni Uzumaki Naruto. "Kaylangan din namin ng magaling sa akyatan" natatawang sabi nito.

"Hahahahaha ikaw ang umuubos ng mangga sa may Botanical Garden Hahahaha" tawang tawang si Green habang kinakausap nila yung lalaki. "Parang kang Ninja, Si Naruto"

Natawa naman ako dahil tugma yung  iniisip ko.

"Bwahahahahah naruto!" napatingin naman kame lahat dun sa tumawa. Medyo napahiya siya. "Honto ni gomen ne " sabay senyas niya ng Peace sign.

Huh? Ano daw.

"Im really sorry, I mean" paglilinaw niya. "Natawa lang talaga ako" sabi nito.

"Daijoubu desu" biglang sagot nung Green! "Hahahahah at kaylangan din sa grupo niyo ng isang Ibang lahi hahahaha"

"Konnichiwa" sabi nito sa lahat.

"Kaylangan din natin ng siga sa grupo niyo" lumapit si Kuya dun sa lalaking nasa tabi nung lalaking may ballpen sa tenga.

"Magkakilala na kayo" tanong ni Green sa magkatabi.

"Magkaibigan kame" sagot nung isang lalaki.

Kita ko naman ang paglapit ni Green sa bandang upuan ko. Pero nawala ang kaba ko ng lapitan niya ang nasa likuran ko.

"At dapat may kakilala rin tayo sa loob ng School Organization, right Mr. Vice" tapik tapik pa nito yung lalaki.

'Woop!'

Inis kong tinitigan yung lalaking naupo sa Armchair ng upuan kung saan ako naka upo.

"Zhabb sungit naman nitong kapatid mo" natatawang pagsumbong niya sa kapatid ko.

Umalis naman siya at pumunta na sa harapan, ganun din si Kuya at yung Red.

Ano ako dito, bat parang hindi ako pinakilala.

Naiinis na ako, mukhang sayang lang ang oras ko.

"Ang pinakahuli na merong dapat sa inyong grupo" nakatingin yung tatlo sakin. "Kapangyarihan sa eskwelahan na to'" tumingin si Red kay Kuya. "Nuon si Gray ang susi namin bat nakalusot mga kalokohan namin "

"Dahil.." nakangiting pambibitin ni green. "Anak siya ng mayari kung saan kame nag aaral"

"In short kaylangan niyo sa grupo niyo ang kapatid ko" si kuya na tila pinagmamalaki ako.

"At siya ang magiging Leader niyo... Hahahahahaha" hindi ko alam kung nangiinis ba siya sa pagtawa niya.

"Ano!" kunot noo akong tumayo. "Kuya!"

"Tss.." inis kong tinignan yung lalaking 'yon. "Sayang oras" sabi pa niya.

"Hahahahahaha, gusto ko talaga siya!" turo turo pa nung Green yung batang 'yon.

Medyo di ko nagustuhan yung inaasal niya. Nayayabangan ako.

"Mukha namang hindi kaya ni Little Mendez maging Leader, bigay na natin dun kay--"

Nahinto siya sa pagsasalita ng hinampas ko yung armchair ng upuan sa harapan ko.

"Sinong nangsabing di ko kaya" inis ko siyang sinulyapan. "Ako si Jhonny Han Mendez, ang pinakagwapo sa paaralang ito!" pagmamayabang ko sa kanila.

Napangisi si Red, yung Green naman ay tahimik pero natatawa siya.

"Gusto ko magpakilala kayo, isa isa' Pero pangalan lang" pumulot ng tisa si Red. "Isa isa kayong pupunta sa harapan, isusulat ang pangalan niyo at bubunot kayo dito"

May nakalagay na kahon sa may ibabaw ng mesa.

"Hahahaha umpisahan natin sa Charming ng mga teacher" pagkasabi ni Green ay tumayo yung lalaki. "Sabihin mo narin kung anong Year" kinuha niya ang tisa sa kamay ni Red at ibinato dun sa lalaki.

Nasalo neto ang chalk gamit ang kaliwang kamay.

Nagsimula itong pumunta sa Harap. Isinulat ang pangalan at muling humarap sa amin.

"Zack, Second year High School" bumunot siya dun sa kahon.

"Basahin mo" utos ni Kuya.

"Orange" nagtatakang sabi nito na tila gustong humingi ng paliwanag sa tatlo.

"Ulitin mo ang pagpapakilala mo kasama yan bilang palayaw" utos ni Red.

"Okay.." natatawang sabi pa ni Zack ba 'yon. "I'm Zack also known as Orange, Second Year High School" paguulit niya.

"Sige, balik kana Hahahahaha" tumawa nanaman siya. "Next.."

Isa isa na nga nagsimulang pumunta sa harap.

"Miggy, Yellow, First Year High" masyadong mabilis ang pagpapakilala nung kamukha ni Naruto.
"Hi I'm Brenth, Black from Secondary Campus' Second Year" siya yung sinasabing mabait pero may demonyong ugali. Pero mabait naman siya. 'Yon ang nakikita ko.
"Theo po, Violet 2nd year High School" siya yung may kakambal. Heck, ambata ko naman ata para maging Leader nito! Pero napatingin nanama  ako dun kay Green.

Kung babawiin ko. Pagtatawanan niya ako, mukhang mas bilib siya dun sa isa eh.

"Gheo na mas pogi kay Theo, Indigo Sophomore!" magkamukhang magkamukha sila. Pero talaga magamit sa pandaraya.
"Ogie, 3rd Year.. Blue" siya naman yung isa sa mga Officer ng School Org. Hmmm I see.

Mas ahead na nga sila sakin, tutal ilang months nalang, Freshman narin naman ako.

"Kon'nichiwa hansamu, I'm Whiterou.. Pink shet Hahahahaha from Secondary Campus Freshman" ano naman special dito sa hapon na to. Mukha lampa naman eh.
"Rusty.. Silver' Bumagsak last school year. Kaya Grade Six parin" So siya naman ang sinasabing siga.

Pero mas interisado ako sa taong to. Nayayabangan talaga ako sa kanya, pacool masyado.

"Leeford, White." tumingin ito sakin. Mas lalo kong kinunot ang aking noo at sinalubong ang kilay. "Grade six"

Namulsahan pa tong umalis at dumaan sa akin.
"Tsss.."

Hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya. Ang kapal din niyang suminghal sa harapan ko mismo. Pag nakita ko talaga siya sa campus papabugbog ko siya kina kuya Ally.

"Hahahahahah Rivalry!" biglang naialis ko ang tingin ko sa kanya ng magsalita nanaman yung pesteng damo ang buhok. "Ikaw na" sabi niya sa akin.

Tumayo ako at pumunta na sa harapan, Masyadong mahaba yung pangalan ko kaya sinulat ko nalang ang tawag sakin ng nakakarami.

'GANNY'

Ngumisi akong humarap sa kanila, baka kase pag naringig nila yan ay magbago ang paningin nila sa akin.

Baka sambahin nila ako.
Nainis ako bigla ng makitang hindi sila nakatingin sakin, nagkekwentuhan na halos yung mga taong yun.

What!
Nag uusap usap na sila! Ang cheap! Ang corny!

Bubunot na sana ako sa kahon pero wala ng laman 'yon.

"Bat wala?!" tanong ko.

"Because your Rainbow" sagot sakin ni Kuya. "Ikaw ang leader ng grupo" dagdag niya.

"Di ko maintindihan" inis kong tinignan yung mga taong nanunuod na ngayon sakin. "Sila may sari sariling kulay, bat ako rainbow?!" pagdadabog ko.

"Dahil nga special ka" lumapit sakin si Green. "Hawak mo ang maraming kulay, ipakita mo na higit pa sa isang kulay ang kayang ipamalas ng isang Ganny" kumindat pa ito sakin.

Napabuntong hininga ako.
Tumingin ako sa kanila.

"A.aa..Ako si Ganny, Rainbow" naiinis ako, bakit ganito ang akin. "Grade 6"

Isa isa ko silang tinignan, Tsch halos magkakasingtangkad lang din naman kame.

Bumalik na ako sa upuan pag katapos 'non.

Sa kabilang pisara may sinulat si Red.

'KILLER COLOS'

"Yan ang pangalan ng samahan na itatayo niyo" sabi nung Red habang pinapagpag ang kamay na may pulbos na ng chalk.

"Gumawa kayo ng pangalan sa loob ng Mendez" sabad naman ni Zhabby. Alam niya kaya tong sinasabi niya.

"Gawin niyong makulay ang buhay ng bawat istudyante na ... " parang nag iisip siya. "Gusto niyong pagtripan? Hahahaha"

'Tsaka Colos? Anu yun?'

"Ano yung Colos?" tanong ko.

"Color.. Tss"
Biglang nag init yung ulo ko sa naringig ko. Hinarap ko siya.

Nakangiti to sakin habang nilalaro laro ang balllen sa tenga niya.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, problema mo ahh!" sinipa ko yung upuan na nasa harap ko.

"Kanina pa natin pinag iisupan ang mga kulay, sintido kumon nalang"

Alam mo yung nakakainis tumatawa siya pero hindi nakatingin sakin kundi sa arm chair ng kinauupuan niya.

"Lesson yan sa Art' Special Section  ka diba?" tumingin na to sakin. "Imposibleng di mo alam yan"

Mas lalong nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

Inis kong sinugod siya sa pwesto niya. Pero agad akong napigilan ng lalaki sa tabi niya, yung Rusty.

"Huwag ang kaibigan ko, Boss" sabi nito sa akin.

"Hahahahahah interesting colosss" ringig kong patawa nung Green sa likuran namin.

Ramdam ko ang pagkakapahiya sa mga oras na 'yon. Kilala ba niya ang kinakalaban niya.

Nakatingin na sa amin ang lahat, kita kong inalis niya ang kamay ng kaibigang nakaharang.

Lumapit siya sa akin.
"Lesson 8, page 56. History of Colors" pagsasalita niya sa harapan ng mukha ko. "Colos, old latin word for color. It means 'covering'.."

Umuusok na sa inis ang tenga ko.
"Color your hand with my skin, Im Leeford Jan Lucas. Can you be my friend?"

Nagulat ako ng ilahad niya ang mga kamay niya patungo sakin. Anong klaseng tao siya, bat parang ang weirdo niya.

Yung inis ko biglang nawala, napalitan ng pagkamangha sa pinapakita niya.

Inabot ko yung kamay niya at nakipagkamayan ako sa kanya.
"Im Ganny, yes pwede tayong maging magkaibigan White"

At dun nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa.



COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
TheSecretGreenWriter

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...