My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 42

324 34 13
By drazzzzyyyy

Matapos kong bumitaw ng mabigat na salita. Salitang matagal ko nang gustong ilabas ay gumaan ng kaonte ang pakiramdam ko.

Subalit, napaka awkward ng awra sa loob ng kwarto ko. Tahimik kaming pareho. Rinig na rinig ang hininga namin at rinig ko naman ang lakas ng pagpintig ng puso ko.

Nakakahiya naman tong puso ko oh, ang ingay! Baka mamaya ay marinig pa niya naku. Nakayuko kaming dalawa at tila ba lumalagpas ang tingin namin sa sahig.

Huminga siya ng malalim kaya napalingon ako. “Just stop. Ikaw lang rin ang masasaktan.” Aniya. Kumunot naman ang noo ko. Ba't ba pinapalayo niya ako? Tae naman to.

Tumayo ito at walang salitang lumabas ng kwarto ko.

Aba, bastos to ah? Napatayo ako.

“Ba't ako masasaktan?” Sigaw ko pa ngunit tanging pagbagsak lang ng pinto ang sumagot sa akin. Wow. Di man lang nagpasalamat ang kumag?

Hilig talagang mag walk out.

Napaupo ako sa kama at isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni kuya at malakas na pagdabog.

Nanlaki ang mata ko saka dali-daling tumakbo pababa. Kung di ako nagkakamali, nakita ni kuya si Ehan.

This is war.

“Anong ginagawa mo dito? Bakit galing ka sa kwarto ng kapatid ko? Gusto mo bang mangyari ulit yung nangyari kay—”

“Kuya!”

Napalingon silang dalawa sa akin. Teka teka, anong ibig sabihin ni kuya doon? Mangyari ulit? Ano yun?

Ba't ba kasi di muna ako nakinig?

“A-anong manyari ulit?”  kunot noo ko pang tanong.

Binitawan niya si Ehan. Ngumisi ito at tumingin sa akin. Ang creepy naman nun. Parang di siya. “Umalis kana Matt, bago pa kita masaktan.” Saad ni kuya na sinunod naman ni Ehan.

Nang makaalis si Ehan ay halos di ako matignan ni kuya. Dumeretso ito sa kwarto niya nang di man lang ako pinapansin. Aba? Nilagpasan ako?

Parang walang nangyari.

“Aba't?” Multo na ba ako? Bahala nga sila diyan! Ang hilig nilang mag walk out.

**

Nagising ako nang may maramdaman akong kakaibang presensya. Dahan-dahan kong minulat at—“Ahh!” Sigaw ko ba dahil sa gulat at kaba.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pa sa multong nakilala ko sa Mcdo. Titig na titig ito sakin nung pagmulat ko ng mata. Punyeta, ang creepy.

Di na ako sanay.  Di na kasi si Ehan e.

“Tutulungan mo ko diba?” Tanong pa niya at may paawa effect pa ang gaga.

“Oo nga, after class.” Sabi ko pa sa kanya. Nagpapapadyak ito sa tuwa at nagsususuntok sa hangin. “Yehey! Kitakits.” Aniya saka kumindat at tuluyan nang umalis.

Napailing naman ako. Napatingin ako sa oras at five na nang umaga. Agad akong nag asikaso nang mabilisan. Dami ko pa kailangang gawin.

Balak ko kasi, maaga akong pupunta ng school para maiiwan ko sa locker ni Ehan ang bagay na mag papaalala sa kanya. Kaexcite. Sana effective.

Kahit na winalk-outan lang niya ako, mageeffort pa rin ako—teka nga? Ba't ba ako habol nang habol sa kanya e nanjan naman si Jeriche?

Napangiti naman ako. Wala e, pag tinamaan ka? Wala nang bawian.

Nang matapos akong maligo ay dumiretso ako sa kusina. Wala pa si mama, malamang tulog pa. Maging si kuya ay wala pa rin.

Alas nwebe kasi ang klase namin now kaya for sure, mamaya pang seven or eight magigising ang kumag kong kuya.

Sinuot ko ang apron, at nag simula nang asikasuhin ang ingredients ng spaghetti. Ito ko kasi yung kinain niya rito na kung saan ay naging hadlang si kuya sa kanya.

Kung paano ko ginawa yung dati, ay ganoon rin ang ginagawa ko ngayon. Tamang timpla para sa tamang alaala.

Sana gumana.

Nang matapos ako ay nilagay ko sa tupperware na may saktong laki ang spag na ibibigay ko sa kanya. Gumawa ako ng note kila mama at umalis na.

Habang nasa byahe ako ay di ko maiwasang mapangiti at kabahan. First time kong gagawin to ah? Hays, sana talaga gumana.

Inaantok ako sa pagmamaneho.

Delikado to.

Nang may makita akong upuan sa may gilid ng tindahan na nadaanan ko ay nagtungo muna ako doon. Bumili ako ang instant coffee. Buti ay may singko pesos ako.

Galing din ng nag imbento nitong coffee vendo ano? Huhulog ka lang ng five pesos tapos may kape kana. Astig.

Naisipan ko kasing gumawa ng isang diary na kung saan nakasulat lahat ng adventures na nagawa naming dalawa. Wala nga lang mga dates. In that way, ay maaalala niya kung ano ang mga nangyari dati bago pa niya ako nakalimutan.

After kong uminom ng kape ay itinapon ko na ang paper cup sa basurahan saka tumungo na sa scooter ko. Nagsimula na akong mag maneho patungong school.

Nang makarating ako ay tahimik pa ang paligid. Senyales na wala pa gaanong mga estudyanteng pumasok.

“Goodmorning guard!” Bati ko pa nang pagbuksan niya ako ng gate. “Aga ah!” Aniya. Bumusina lang ako saka dumiretso na sa parking lot.

May iilang sasakyan na dito so may mga estudyante rin palang pumasok ng maaga? I wonder why.

May narinig akong mga yapak, ngunit ipinagsawalang bahala ko ito hanggang sa di ko maiwasang may marinig na di ko dapat narinig.

“Anong gagawin natin ngayon? Sana kasi e pinatay nalang natin dun sa ospital yung kumag na iyon.” Rinig kong sabi ng isang lalaki na bilog ang boses at malalim. Di ko nakita kung asan sila kaya boses lang palatandaan ko.

“Daming bantay, gago ka ba? Malilintikan tayo niyan kay boss. Mag antay lang tayo ng tamang oras para mapatay natin yung lintik na 'yon.” Saad naman nung kausap niya na may medyo paos na boses ngunit pulido.

Batid kong papalapit ito sa may gawi ko medyo nataranta ako kung anong gagawin ko. Bigla akong napaupo at nagtago sa isang kotse malapit sa scooter ko, ngunit dahil sa kaba ay nalaglag ang susi ng scooter ko.

Punyeta naman. Di nila ako pwedeng makita dahil baka ako ang uunahin nilang targetin.

“May tao pre.” saad nung may malalim na boses. “Narinig kaya niya iyon? Di pwede yon.” Dugtong pa niya. “Shh.” pananahimik nung kasama niya.

Unti-unti na akong dinadapuan ng kaba. Di ko sila marinig.

Kinakabahan na ako.

Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko, at pag agos ng mga pawis ko. Pakiramdam ko para akong nasa bingig ng kamatayan kahit na estudyante lang din sila rito.

Papalapit sila sa pwesto ko. Lintikan na.

Dahan-dahan kong kinuha ang panyo ko at tinakpan ang mukha ko. Kaya nilang pumatay base sa pagkakarinig ko, kaya di nila ko pwedeng mamukhaan o makilala dahil baka pag labas ko ng bahay kinabukasan ay binaril na ako.

Nang marinig kong malapit na ang tunog ng kanilang sapatos ay minabuti kong silipin kung papunta nga ba talaga sila sa akin.

At tama nga ako. Run.

Tumayo ako saka kumaripas ng takbo. Puta naman oh. Kala ko magiging peaceful na buhay ko sa paaralang to, pero di pa rin pala.

Lagi nalang akong hinahabol, mapa multo man o tao. Iba talaga pag habulin ano? Sarap tumakbo lalo na kung buhay mo nakataya. Letse.

Nilingon ko sila at tinandaan ang kanilang mga itsura. Yung isa ay matangkad at maputi na medyo gwapo dahil sa chinito nitong mukha. At yung isa naman ay medyo chubby at maitim na di ganun kagwapuhan. Halatang, sugo talaga ng kasamaan e.

Yung tipong kahit di mo alam na may ginawa siyang masama pero kung titignan mo palang pagmumukha niya ay mapapasabi ka nalang na adik yan at marami nang nasaktan. Napakajudgemental ko naman. Pero seryoso eh, kaya nga nila ako hinahabol kasi sasaktan ako.

“San ka pupunta?” Saad nang mga depunggal. Di ko na sinagot at tumakbo nalang.

Masyadong mabilis ang kanilang pag takbo kaya umiikot-ikot ako sa sasakyan. Bumibilis na ang tibok ng puso ko sa kakatakbo, at hinahabol ko na rin ang aking hininga ngunit di ako pwedeng huminto. Dahil sa oras na hihinto ako? Baka bukas ay di na ako sisikatan ng araw.

Nang mag makita akong sasakyan na papasok ay hinarang ko ito at kumaway. Sumenyas ako na kailangan ko ng tulong. Bumusina ito nang malakas ngunit patuloy lang ang pag andar. Nang malapit na ito sa akin ay napapikit ako.

Masasagasaan ba ako?

Inantay kong masagasaan ako ngunit may biglang humila sa akin kaya agad akong napadilat ng mata. Akala ko anghel, impakto pala.

Dinala ako sa medyo madilim na area ng parking lot. Malayo sa sasakyang pinara ko kanina. Ang tanga kasi nang may-ari nung sasakyang iyon. Di man lang huminto.

“Huli ka.” Saad nung maitim na chubby. Siya yung paos ang boses na pulido.

Diin ang paghawak niya sa aking braso kaya di ko maiwasang mapasigaw. “Aray!” Paparating yung chinitong pogi at dahan-dahang inilapit ang kanyang kamay sa panyong nakalagay sa mukha ko.

Nag pupumiglas ako ngunit masyadong malakas tong chubby na to. Nang medyo malapit na ang kanyang kamay sa panyo ay sinipa ko ang kanyang iniingatang kaligayahan.

Napangiwi ito.

Ngunit agad rin akong napaubo nang sikmuraan ako ng chubby'ng impakto. Letse siya. Ang payat ko at ang laki ng kamao niya ay susuntukin niya ako.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit isang malakas na sampal ang natamo ko. Ba't ba nila ginagawa to sa akin? Anong kasalanan ko sa kanila.

“Dispatsahin mo na yan. Narinig niya tayo, baka kumanta pa iyan sa awtoridad.” Saad nung chinito habang hawak niya ang kanyang hiyas.

Sinipa ko ang chubby ngunit nakailag ito. Pero di ako nakailag nang sinuntok niya nanaman ang sikmura ko. Nasusuka ako. Medyo nanlalamig na rin ako.

Maya-maya pa ay may inalabas na kutsilyo ang impakto. Nag pumiglas ako. Pero masyado siyang malakas para makatakas ako.

Lalo lang ako nawawalan ng lakas sa pagpupumiglas ko. Tangina.

Naramdaman kong itinutok niya sa braso ko ang kutsilyo at napadaing ako nang idiin niya ito. “Ahh!” Sigaw ko pa. Tumawa silang pareho. “Masarap ba?” Saad nung chinito.

Sinipa ko nga ulit.

Di siya nakailag kaya sa ikalawang pagkakataon ay basag nanaman ang hiyas niya.

“After 4 years, ngayon lang natin to ulit magagawa.” Saad nung tubol at tumawa nanaman silang pareho.

Mga psycho amputa.

“Kung di sana kayo nakialam, edi walang masasaktan.” Dugtong pa niya at idiniin naman niya sa braso ko ang kutsilyo kaya napadaing ako.

“X” Saad niya.

Napatingin ako roon. At nakita kong may tatak na x doon. Parang nakita ko na 'to ah?

Braso?

X?

Sa paaralang ito?

Four years ago?

Sila ang pumatay kay Alyana!

May tatak na ekis sa braso ni Alyana. At sa banyo ng paaralan iyon nangyari. May alam rin siguro si Alyana kaya nila pinatahimik. Mga walang kwenta.

“Pinatay niyo si Alyana.” Saad ko pa. Nanlaki ang mata nila ngunit tumawa lang kalaunan. “Yeah right. Nakialam eh.” Chill na sagot nung chinito. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Pag babayaran niyo ito.” Puno nang pagbabanta ko pang sabi. Tinawanan lang nila ako. “That will never gonna happen.” Saad nung mataba bago ko tuluyang naramdaman ang malamig na metal na nakabaon sa tyan ko.

Unti-unti ko nang naramdaman ang lasa ng pulang likido mula sa bibig ko at nanlalabo na rin ang paningin ko.

Binitawan ako ng impakto kaya napaluhod ako.

Mamatay na ba ako? Paano ako maalala ni Ehan nito?

Gusto ko lang namang maalala ko ni Ehan eh. Malinaw naman ang plano kong bibigyan siya ng spaghetti at ng diary pero bakit kelangang humantong sa ganto?

Ba't lagi nalang ako? Ilang beses na ako nasaksak. Ilang beses na akong napapahamak. Ayoko nang bumalik sa ospital, nakakasawa na. Ba't ba lapitin ako ng disgrasya?

Anong kasalanan ko?

Pagod na ako sa ganto. Gusto ko na mabuhay nang matiwasay.

Ramdam kong may mga luha sa mga mata ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

A/N: Sa nalalapit na pagtatapos ng kwentong to, salamat sa mga sumuporta. Hihi.

Continue Reading

You'll Also Like

40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...
2.4K 158 28
This is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine...
105K 897 5
Kilala mo ba sila? Narinig mo na ba silang kumanta? Nakita mo na ba ang kanilang mga mukha? Napatigil ka ba nang marinig mo ang mga tinig nila? Halin...
6.3K 632 63
Si Isabelle ay isang magandang dilag na umay na umay na sa trabaho niya bilang tagabunot ng uban kina Aling Maria. Gusto niya ring gumala, pumunta sa...