Phoenix Series #10: My Innoce...

由 RosasVhiie

3.2M 106K 15.4K

MATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#10: Ethan Davidson "Hindi nababase ang pagmamahal sa mukha. Everyone de... 更多

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

Chapter 22

73.4K 2.4K 215
由 RosasVhiie

Hello ! Buhay pa ba kayo? Haha. Kidding ! Sorry sa late update. Been busy talaga. And thank you so much for patiently waiting for my update.

And please, don't be too much demanding for updates. Hindi lang pagsusulat ang buhay ko. Okay? Okay.🤣😂

Keep safe and be healthy always ! 💛


CHAPTER 22

NAPAMULAT ako ng mga mata nang maramdaman ang mainit na palad na dumapo sa noo ko.

Sumalubong sa akin ang nakapakagandang mga mata ni Ethan.

"H-Hey." Awtomatiko ko itong nginitian.

He smiled at me. He leaned in and claim my lips. He kissed me slowly and passionately like he miss me so much. The way he kiss me right now feels like he didn't see me for days.

Samantalang ilang oras lang kaming nagkahiwalay. Umalis ito kaninang umaga pabalik ng Maynila gamit ang chopper nito. May aasikasuhin daw itong importanteng dokumento at medyo nagkaroon ng problema sa E-Skyline Airport kaya pansamantala ako nitong iniwan sa isla.

"I miss you." He murmured against my lips.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay nagkatitigan kaming dalawa. Masuyong hinahaplos ng daliri nito ang ibabang labi ko habang nakatitig sa mga mata ko.

Tumingin ako sa digital clock na nakasabit sa loob ng kuwarto nito. Muli kong ibinalik ang tingin sa binata.

"Walong oras lang yata tayong nagkahiwalay." Tudyo ko.

He chuckled.

"Eight hours is equivalent to eight years for me, baby. I cannot afford to be apart from you. I-I am deeply inlove with you and you should take responsibility." Titig na titig ito sa labi ko habang sinabi nito ang mga katagang iyon.

Napailing ako at akmang babangon pero mabilis ako nitong hinawakan sa magkabilang balikat para alalayan.

"Be careful. You're not fully recovered yet." He gently said.

"I have no fever anymore." I said as he kiss me on my forehead.

"That's better. Dalawang araw ka ding may lagnat. How about down there? Still feeling sore?" Hinaplos nito ang buhok ko.

"A little." Napangiwi ako.

The way we talk about it, it seems normal. Pero nakakailang pa din.

"So, puwede na?"

Kinuotan ko ito ng noo.

"Puwede ang alin?" Nagtatakang tanong ko.

He just let out a soft chuckle. Tila naaaliw ito sa tanong ko. Umusog ito papalapit sa akin at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Puwede na kitang kainin?" Bulong nito.

Biglang uminit ang buong mukha ko. Bahagya ko itong itinulak at ang loko ay tatawa-tawa lang.

"Umalis ka nga dito." Pagtataboy ko.

Mahina itong natawa. Imbes na umalis ay kinuha nito ang kamay ko. Akmang hihilain ko iyon pero natigilan ako sa ginawa nito.

He slid a ring on my ring finger. It's an emerald cut diamond ring.

"What's this?" Nagugulat na tanong ko.

"Couple ring?" Patanong na tugon nito.

"Ethan, this is not couple ring. This is-"

He cut me off by claiming my lips. He kissed me so hungrily and I automatically responded. He smiled after he ended our kiss.

"I want to give that to you so please just accept it, okay?" Napatitig ako sa mga mata nito at kapagkuwan ay tumango.

"But this is expensive." Sambit ko habang nakatitig  sa singsing na nasa palasingsingan ko.

"You are more than expensive." Umangat ang tingin ko sa binata.

"Thank you." Nginitian ko ito.

Muli nitong hinaplos ang buhok ko.

"Anything for you, baby. Lahat ibibigay ko sa'yo at lahat ay gagawin ko para sa'yo." Matamis ako nitong nginitian.

Titig na titig ako sa mga mata nito. Kahit nakangiti ito, nakikita ko ang kaseryosohan sa mga mata nito.

And I was wondering. Is Ethan really inlove with me or he is just feel pity towards me?

Sa ilang araw na magkasama kami, hindi ko na ulit narinig ang I love you nito. I want to hear it again. I want him to say it again. Alam kong hindi basehan ang salitang I love you sa pagmamahal.

Because action is more than enough than words. Maybe because I am just too insecure of myself. Aamin kong hindi ako confident sa sarili lalong-lalo na sa hitsura ko. That's why I want to hear it from him again.

"I will cook our dinner for tonight." He said and I shook my head.

"Bumiyahe ka to Manila so I will be the one who will prepare our dinner. Magpahinga ka na lang muna." Sambit ko.

"You sure? You're still sore down ther-"

"I'm okay. I can manage." I assured him.

Wala itong nagawa kundi ang tumango. Akmang magsasalita pa ito pero mukhang pinipigilan lang nito ang sarili.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko.

Napakamot ito sa ulo.

"I think you should know this." He said and get his phone from his pocket.

He showed me his phone with Selene's picture on it. I read the content and look at Ethan.

"You mean..."

He nodded.

"She will be announce as the new CEO of Boiser's Brand soon." Sambit nito.

Sandali akong natahimik at nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Hanna-"

"When's the exact date?"

Natigilan ito sa tanong ko. Tila hindi nito inaasahan ang nakikitang kaseryosohan sa mukha ko. Tumitig ito sa mga mata ko na tila ba gusto nitong basahin kung ano ang nasa isip ko.

"One month from now." He answered.

I nodded.

"You will still teach me how to shoot, right?" He smiled at my question.

"Yes of course, baby."

Nilapitan ko ito at ngumiti.

"Can you teach me self-defense as well? I want to learn martial arts." I heard him chuckled.

Sa mga mata nito ay tila aliw na aliw ito sa naririnig mula sa akin.

"I was planning to teach you martial arts. I'm just waiting for you to recover." Nginitian ko ito.

"It's settled, then. Can you start teaching me tomorrow?" Namulsa ito, tuluyang naaaliw na tinititigan ako sa mga mata.

"Kapag kaya mo na tuturua-"

"Kaya ko na. So please, teach me starting tomorrow." Seryosong agaw ko sa sasabihin nito.

Mahina itong natawa.

"You sure? I am strict, baby. Can you handle it?" There's a warning in his voice.

"It's okay. As long as I can learn from you. And I know you very well. Alam kong hindi mo ako ipapahamak." Nakangiti lang ito habang nagsasalita ako.

"What?" Kinuotan ko ito ng noo.

Umiling lang ito at inisang hakbang ang pagitan namin. Ginulo nito ang buhok ko.

"Gusto kita pero mas gusto ko ang Hanna na kausap ko ngayon. Strong and getting ready to fight." Mahinang sambit nito.

Ikinuyom ko ang mga kamao.

"It's time to take back what's mine. Are you...willing to help me?" Masuyo nitong hinawakan ang pisngi ko at kapagkuwan ay tumango.

"I am here to help you and guide you, Hanna. Nandito lang ako, handang magpaalipin sa'yo. Nasa likod mo lang ako. Kapag nakaramdam ka ng takot, isipin mong nandito ako. Kapag sa palagay mong nasa ibaba ka na, tandaan mo na nandito ako, handa kang hilahin paitaas. Kahit ilang beses ka nilang ibagsak, paulit-ulit din kitang i-aangat. Handa ako sa anumang mangyari. Just trust me, okay? I want you to give me your full trust. Tutulungan kitang maibalik ang lahat ng sa'yo." Hindi ko namamalayang tumulo na ang luha ko kung hindi pa umangat ang kamay ni Ethan at punasan iyon gamit ang daliri nito.

"Did I touch your heart?" He gently asked as pulled me to his arms.

"You always touched my heart, Ethan. Since the very beginning. I-Ikaw lang ang meron ako ngayon. I-Ikaw l-lang." Gumaralgal ang boses ko at napahikbi.

Masuyo nitong hinagod ang likod ko habang yakap-yakap ako.

"Just cry and share your pain with me, baby." He murmured.

Sa sinabi nito ay lumakas ang iyak ko. Hinayaan ako nitong umiyak sa matipunong dibdib nito. Basa na ng luha ko ang damit nito. Patuloy lang ako nitong hinahagod sa likod. Pinaramdam nito sa akin na handa ako nitong damayan sa lahat ng sakit at pagdurusang pinagdaanan ko.

Habang palakas ng palakas ang iyak ko ay pahigpit ng pahigpit ang yakap nito sa akin.

"I swear, I will crush them down. Wala akong ititira. I will put them to their right places, baby. We will make them pay. We will make them experience the pain they gave you." He kiss the top of my head.

Tumango ako at kumalas mula sa yakap nito.

"Ikaw lang ang meron ako. Kapag nawala ka, paano ako? A-Ayokong umasa sa ibang tao. P-Pero kahit isang beses lang. Even just for once, I want to be greedy. I want someone to be with me. I want to seek help from someone. Ilang taon akong nanahimik at hinayaan silang kunin ang lahat ng akin. Ilang taon akong nagpadala sa takot at kahinaan ko. Kahit isang beses lang, gusto kong hilingin na sana may karamay ako sa lahat ng 'to." Madamdaming sambit ko.

Masuyo nitong sinapo ang magkabilang pisngi.

"And I'm here, baby. I'm here. This man right in front of you will fight for you. Hindi ako mawawala sa'yo. I will stay with you, fight with you and I will protect you. That's a promise that I will keep forever." Tinuyo nito ang mga luha ko.

The sincerity is written in his eyes. Naniniwala ako sa binata. Nginitian ko ito at hinawakan ko ang kamay nito.

"I will fight...with you." I murmured.

He nodded and smiled.

"Kasama mo ako sa kahit anong laban mo, Hanna." Puno ng pangako ang mga mata nito.

Muli ako nitong kinabig at ikinulong sa mga bisig nito. Napapikit ako at ibinaon ang mukha ko sa matigas at matipunong dibdib nito.

Selene, I won't let you take what's mine. I am the one and only heir of Boisers' clan. Hindi na ako makakapayag na maging masaya kayo kasama ang mga ninakaw niyo mula sa akin.

To be continued...

繼續閱讀

You'll Also Like

7.6K 517 20
The last thing Elamarie Calma wanted was a controlling freak of a boyfriend. She's a strong, independent, career-oriented woman. She's used to giving...
804K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022