Chapter 35

71.4K 2.5K 518
                                    

Happy weekends ! 😍

May pasok ako tomorrow so yeah baka nagtataka kayo kung bakit may update ako ngayon. Haha ! 😂 Today's my off kaya ngayon ang update ko.

Enjoy reading ! 😘

CHAPTER 35

MAHIGPIT kong hinawakan ang kamay ni Hanna habang pinagmamasdan ko itong mahimbing na natutulog.

Ingat na ingat akong huwag masagi ang karayom na nakatusok sa kamay nito. The operation was successful. Nakuha ang bala sa hita nito. Mabuti na lang at hindi ganoon kalala ang naging tama nito sa hita pero hindi pa rin ito nagigising. She was hydrated.

Mariin akong napapikit habang pumapasok sa isip ko kung paano itong pinahirapan ni Selene. Kitang-kita ko ang sugatang mga paa nito para lang makatakas ito sa mga kamay ng pinsan nito. Marahas akong napabuntong-hininga.

"You have to rest, D." Napamulat ako ng mga mata nang marinig kong nagsalita si Prince mula sa likod ko.

Napatitig ako kay Hanna.

"I was too late. She lost our child. This is my fault." Mariin akong napakuyom ng kamao.

"Hindi ito ang tamang panahon para sisihin mo ang sarili mo, D. Ang importante ay ligtas ang babaeng mahal mo." Nanatili lang akong nakatitig sa walang malay kong asawa.

Muli akong napabuntong-hininga at kapagkuwan ay tumayo. Bahagya akong nabuwal. Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Mabilis ang naging kilos ni Prince. Maagap ako nitong hinawakan sa braso.

"You are not fully recovered yet from that drugs." May pag-aalalang sambit ng kaibigan ko.

"Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Hanna kapag nalaman niyang wala na ang anak namin." Hindi ko ito pinakinggan. Nagagalit ako, hindi lang sa sarili ko kundi pati sa mga taong gumawa nito sa asawa ko.

"Ethan, I'm not here as your friend. I am here as your doctor. You have to rest. Alam mong pansamantala lang ang gamot na tinurok ko sa'yo." Mataman kong tinignan si Prince.

"Wala akong pakialam sa kung anuman ang mangyayari sa'kin. I am more worried with my wife." Nanlulumong sambit ko.

Bigla ang pagdilim ng mukha ng kaibigan ko.

"Kung wala kang pakialam, puwes may pakialam ako. I am the doctor here. Alam mo bang kapag pinabayaan mo ang sarili mo ay tuluyan kang malulumpo? And worst you won't wake up once you sleep again because of that fucking drugs that she used. Binigyan lang kita ng gamot dahil nakiusap ka para lang maligtas mo ang asawa mo. But you are aware that you're still not safe, Ethan. Kapag may masamang mangyari sa'yo, sa palagay mo ba magiging masaya si Hanna kapag nagising siya? She already lost her child. Sa tingin mo ba matatanggap niya kung pati ikaw ay mawala? Use your fucking brain, D. Kaibigan kita at ililigtas kita." Natahimik ako at mas lalong nanlumo.

Nabuntong-hininga si Prince.

"And there's someone that we both waiting to wake up. Arriane is still in coma. Paano kapag nagising siya at nalaman niyang wala ka na? D, I don't want her to get mad of me. Kapatid ka ng babaeng mahal ko, matalik kitang kaibigan at gagawin ko ang lahat para maligtas kaya please, makinig ka sa'kin. Pakiusap." I let out a sharp sigh and look again at my wife.

"I was expecting it. Alam kong malalaman ni Selene ang lahat. But I didn't expect her to inject that fucking drugs on me." Muli akong nanlumo.

"Just be thankful enough that Adrian was there. He couldn't save Hanna because he was more worried of you. He was able to contact me as fast as he could." Inalalayan ako nitong makaupo.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon