Chapter 4

69.7K 2.4K 699
                                    

CHAPTER 4

HINDI ITO NAGBIBIRO nang sinabi nitong iuuwi ako nito sa sarili nitong bahay. Natagpuan ko na lang ang sarili na nakaupo sa mahabang sofa sa loob ng napakalaki nitong living room.

Umupo ito sa tabi ko habang hawak-hawak ang first-aid kit. Pinatong nito iyon sa maliit na glass table.

"Let me see." He murmured.

"H-Ha?" Kinakabahang tinignan ko ito.

"Titignan ko ang napaso sa'yo. Mainit ang kape kanina." Anito at dumukwang.

Akmang tatanggalin nito ang butones ng suot kong pang-itaas nang mabilis ko itong pinigilan.

Napatingin ito sa akin at bahagyang umusog nang mapagtanto ang ginawa nito.

"I'm sorry." He immediately apologized.

Tumango ako.

"I-I can manage. Ako na ang maggagamot." Sambit ko sa mahinang boses.

Kaagad itong tumango.

"Kapag hindi mo kaya ang sakit, just tell me. Dadalhin kita sa hospital para-"

"Malapit lang tayo sa hospital kanina pero dito mo ako dinala." Putol ko sa sasabihin nito.

Natigilan ito at kapagkuwan ay napangiwi. Hindi ito nakaimik.

"But don't worry, sanay na ako. Hindi naman gano'n kasakit ang napaso." Wala 'to sa sakit na naranasan ko noon. Bukod sa binuhusan ako ng asido, nasunog pa ng apoy ang balat ko.

"Are you sure?" Naninigurado ito habang titig na titig sa mukha ko.

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya para sa sarili.

"'Wag mo akong titigan." Saway ko.

"Why?" Kumunot ang noo nito.

Diretso ko itong tinignan sa mga mata.

"Malabo ba ang mga mata mo? Nakakatakot ang hitsura ko at nakakadi-"

"Who said your face is scary?" He asked in a firm voice.

Tila nalunok ko ang sariling dila. What's wrong with this man? Hindi ba nito nakikita ang tunay na hitsura ko o ayaw lang nitong ipahalata sa'kin na nandidiri ito sa mukha ko?

"Lahat sila sinasabi na nakakatakot ang mukha ko." Sambit ko.

"O tapos?" Salubong ang kilay at supladong tanong nito.

"Nakakadiri ang mukha ko." Mariing sambit ko.

"Iharap mo sa'kin ang mga taong nagsabing nakakadiri ang mukha mo at tutumbahin ko." Madilim ang mukhang sambit nito.

Napaawang ang mga labi ko. He's crazy.

"Why are you doing this? Bakit tinutulungan mo ako? Uh, naaawa ka sa'kin, gano'n ba? Gusto kitang pasalamatan sa ginawa mo pero hindi ko kailangan ng awa mo." Mariing sambit ko.

Napahilot ito sa sentido at mas lalong nagsalubong ang mga kilay na tila kanina pa nagpapasensya dahil sa inaasta ko.

"Gamutin mo muna ang sugat mo. Doon ka sa kuwarto ko para mahubad mo 'yang damit mo." Anito sa seryosong boses at hinila ako.

Dinala din nito ang first-aid kit at pumasok kami sa isang malinis at malaking kuwarto. Sa pinto pa lang ay amoy ko na ang panlalaking pabango na pumupuno sa kabuuan ng kuwarto.

It's his room.

Pinaupo ako nito sa malapad na kama at pinatong sa tabi ko ang first-aid kit. Naglakad ito patungo sa walk-in closet at nang lumabas ay may dala itong puting t-shirt.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon