Chapter 33

64.8K 2.1K 188
                                    

CHAPTER 33

HINDI ko alam kung ilang minuto akong walang malay. Basta ko na lang naramdaman ang matitigas na kamay at malakas na puwersang bumuhat sa akin.

Nagmulat ako ng mga mata, pilit na inaaninag ang mukha ng kung sinumang bumuhat sa akin.

Lumapat ang likod ko sa malambot na bagay. Naramdaman ko din ang pagbaba ng katawan ko na tila ba nilalagay ako nito sa komportableng puwesto.

"Baby..."

Sobrang pamilyar ng boses na iyon. Ilang beses akong napakurap. Hilong-hilo ako pero pilit kong inaaninag ang mukhang iyon.

"E-Ethan..." Sambit ko nang tuluyang makita ang mukha nito.

Masuyo nitong sinapo ang mukha ko.

"I'm here. I'm here." Puno ng pag-iingat ang boses nito.

Inabot ko ang mukha nito, masuyo iyong hinaplos. Napaluha ako at kapagkuwan ay napangiti.

"You maybe turned your back to me but I know that you'll come back for me. I...trust you." Mahinang sambit ko.

Paulit-ulit itong tumango at kapagkuwan ay hinalikan ako sa mga labi.

"I'm sorry I had to do that. I don't want Selene to have doubts on me. I have to gain her trust." He said and deepened the kiss.

Tinugon ko iyon ng buong puso. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit nito ang mga noo namin.

"I'm sorry it took me so long to save you. I'm sorry." Napatitig ako sa mukha nito nang makita ang pagpatak ng mga luha nito.

Kaagad ko iyong pinunasan.

"Shhh. It's not your fault. You came just on time. D-Don't cry, please." Nanginginig ang boses ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Ethan. Ngayon ko lang ito nakitang ganito. Ngayon ko lang nakita ang matinding takot sa mga mata nito sa kabila ng pagiging matapang nito. He is the bravest man I've ever known. At ngayong nakikita ko ang takot sa mga mata nito nang dahil sa'kin ay nagdulot ng matinding emosyon at tumatatak sa puso ko.

"Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita. Just hang on there. Matatapos din ang lahat ng 'to. Konting hintay pa. Konting-konti na lang." Anito at hinalik-halikan ang gilid ng labi ko.

"A-Anong nangyari? Hindi ako duguan. Nakita kong binaril mo ako kanina." Nagtatakang sambit ko.

"Hindi bala ang tumama sa'yo. It was a sedative. It came from my own gun. Pinatulog lang kita." Hinaplos nito ang buhok ko.

Napatitig ako sa mukha nito.

"Kaya pala nawalan ako ng malay." Mahinang sambit ko.

Tumango ito.

"Eh 'yong putok ng baril na narinig ko? Kanino galing?" Imbes na sagutin ako ay ngumiti lang ito.

"It doesn't matter where it came from. The most important is you are safe. Kung nagkataong binaril ka ng lalaking 'yon, makakakita siya ng demonyo." Napatitig ako sa mukha nitong biglang dumilim. Nakakamangha kung gaano kabilis magbago ang emosyon sa mukha nito.

"Hawak na ni Selene ang USB mo at-"

"No. Hindi niya nakuha. The USB is still here with me." Kinuha ko ang nakatagong USB mula sa bulsa ko at pinakita iyon kay Ethan.

Napatitig ito sa akin na tila hindi makapaniwala. Nginitian ko ito.

"I'm wise, thanks to you." Sambit ko.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon