Chapter 2

70.8K 2.2K 89
                                    

CHAPTER 2

NANGINGINIG ang mga kamay na kumuha ako ng malamig na tubig mula sa maliit na ref ng tinitirhan ko.

Why did you allow him to get inside here, Hanna?

Naikagat ko ang ibabang labi. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. He shouldn't be here.

Lumabas ako mula sa kusina habang bitbit ang basong may malamig na tubig. Mula sa maliit na salas ay natanaw ko si Ethan na abalang sinisipat ang kabuuan ng apartment ko.

Sinubukan nitong umupo sa papag na upuan at napangiwi ito nang lumikha iyon ng malakas na tunog kaya mas pinili na lang nitong tumayo. Sira na ang mga upuan sa loob ng apartment ko. Konti lang din ang mga gamit ko.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang guwapong mukha nito. I can still remember my shock when I first saw him at San's Cafe. I remember him. But I know that he doesn't remember me. Sa klase ng mukhang meron ako ngayon, hinding-hindi ako nito makikilala.

Patuloy ko itong pinagmasdan habang kunot ang noong sinisipat nito ang bintana ng tinitirhan ko. He even walked towards the door and held the door knob like he was checking it if it was safe.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Lumingon ito sa akin at binitawan ang door knob.

Nilapitan ko ito.

"Uminom ka na ng tubig tapos puwede ka nang umuwi." Diretsong sambit ko.

Inabot nito ang hawak kong baso at uminom sa mismong harapan ko. He's drinking the water without leaving his gaze on me.

Wala sa sariling napatingin ako sa adam's apple nito na nagtataas-baba habang umiinom ng tubig. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"Your door knob is broken. How can you sleep here without locking your door?" Napalingon ako nang magsalita ito.

"Uh, pinapangharang ko na lang 'yong upuan kapag matutulog na ako." Mahinang tugon ko.

Nagsalubong ang makakapal na mga kilay nito.

"Still, it's not safe. Fix your door knob." Anito sa tila pagalit na boses.

Walang imik na kinuha ko ang baso mula dito.

"You can go home now, Sir. Thank you sa paghatid." Sambit ko.

Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang tumitig ito sa mga mata ko na tila ba gusto nitong alamin ang buong pagkatao ko.

"What's your name again?" He asked.

"H-Hanna po." Tugon ko.

Tumango-tango ito.

"I didn't introduced myself yet. My name's Ethan." He said.

I know.

Inilahad nito ang palad sa akin. Sandali ko iyong tinitigan at kapagkuwan ay nakipagkamay.

"Nice to meet you, Sir." Magalang na sambit ko at akmang babawiin ang kamay mula dito nang mahigpit nito iyong hinawakan.

Napatingin ako sa mga mata nito.

"Uh, y-you can let go of my hand now." I said and tried to pull my hand again but he didn't let me.

Instead, he look at my hand.

"You have rough and callous hand. Not so typical for a woman." He murmured. "Mukhang masipag ka sa trabaho." Komento nito.

Hindi ko alam kung papuri ba iyon o pang-iinsulto but he said it in a nice way so I don't have to feel insulted. Totoo naman kasing magaspang at puno ng kalyo ang mga kamay ko. Iyon ay dahil iba-ibang trabaho ang pinapasukan ko.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon