Chapter 12

71.9K 2.5K 260
                                    

This is for you megyani 💞🤗😘 I saw you re-read all of my stories and thank you so much for that. Thank you for being my reader and thank you for supporting me always. Love lots!🤗😘

And to everyone, PLEASE KEEP SAFE.🙏😘

CHAPTER 12

"E-ETHAN. Ohhh please..." Hindi ko alam kung para saan ako nagmamakaawa.

Kung gusto ko ba itong tumigil sa ginagawa o gusto ko itong magpatuloy. Basta't nakasabunot lang ako sa buhok nito habang ang dila nito ay nilalaro-laro ang nipple ko.

"Baby..." Anas ko sa paos na boses.

Bigla itong tumigil sa ginagawa at kapagkuwan ay tinignan ako.

"What did you call me?" He hoarsely asked.

Kumunot ang noo ko, hindi lubos maintindihan kung ano ang tinatanong nito.

"I-I..." Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin.

Unti-unti ay hinaplos nito ang ibabang labi ko gamit ang daliri nito.

"I'm sorry did I scare you?" He softly asked.

Hindi ako nakapagsalita. Dahan-dahan nitong inayos ang bra at damit ko. Nang masiguradong maayos na ako ay kinabig ako nito at dinala sa matipunong dibdib nito.

"It was so disrespectful of me, I'm sorry." He whispered. "Hindi ako humihingi ng tawad sa paghalik sa'yo at sa pagtikim sa dibdib mo. Humihinigi ako ng tawad dahil pakiramdam ko ay hindi kita nirespeto. I'm sorry." He continued as he caress my hair.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito pero sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig nito ay talagang nakakamangha.

"Okay lang. P-Pumayag din naman ako. Hindi kita pinigilan at mas lalong hindi mo ako pinilit." Sambit ko.

Pinaglayo nito ang katawan namin.

"Masakit pa rin ba ang paso mo? Open your mouth, baby. Let me see." Anito habang titig na titig sa mukha ko.

"Okay lang ako. Sinipsip mo na, eh." Sambit ko, hindi aware sa sinabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

Umiling ito pero nakangiti.

"Nothing. You're just...cute and a little bit innocent." Tila naaliw na sambit nito at hinawakan ako sa beywang.

Binaba ako nito mula sa islamd counter.

"Finish your milk and then sleep, okay?" Masuyong sambit nito at hinaplos ang buhok ko.

Napatitig ako sa mga mata nito. Bakit gustong-gusto ko ang mga gestures nito? Kahit yata anong kilos nito ay gustong-gusto ko.

"Thank you." I murmured.

Talagang hinintay nitong ubusin ko ang gatas na tinimpla nito. Hindi na iyon gaanong mainit kaya mabilis ko iyong naubos.

Hinatid ako nito sa pinto ng kuwartong tutulugan ko.

"Goodnight, Hanna." Mahinang sambit nito.

"How about you? Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko.

Ngumiti lang ito.

"I will sleep later. May aasikasuhin lang ako." Anito at hinalikan ako sa pisngi. "Goodnight again and sleep tight." He whispered and left.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon