Chapter 10

70.2K 2.4K 170
                                    


CHAPTER 10

HALOS hindi ko na makita ang kabuuan ng tinitirhan ko dahil sa kapal ng usok. Panay ang ubo ko pero hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko.

Nanginginig ang mga kamay ko pati na rin ang buong katawan ko. This scene is very familiar. The fire, the smokes, everything is very familiar. That's why I couldn't move. I couldn't even save myself but I was able to call Ethan. Wala akong ibang malapitan kundi ito lang. Na tila ba lahat ay nakasalalay sa binata pati ang sarili kong buhay.

Nakahandusay ako sa sahig at halos hindi na makahinga habang masaganang tumutulo ang mga luha ko.

"Ethan..." Iyon ang namuntawi mula sa bibig ko at hinayaan ang sariling pumikit.

Bakit ba lagi akong napupunta sa ganitong sitwasyon? Bakit lagi akong nag-iisa? Bakit tila napakalupit ng mundo sa akin?

Mapait akong ngumiti at tinanggap ang pagkatalo. Ayokong lumaban dahil mahina ako. Mahinang-mahinang ako.

Paunti-unti ay inaagaw ako ng kadiliman. Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakahandusay lang at hinihintay ang magiging kapalaran ko. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at kapagkuwan ay naramdaman ko ang sariling umangat. Pinilit kong magmulat ng mga mata. Naaaninag ko ang pamilyar na mukha pero hindi ko iyon lubos makita dahil sa nanlalabong paningin ko. Matitipunong bisig ang bumuhat sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na bagay.

Naramdaman kong may sumapo sa magkabilang pisngi ko.

"Baby...Look at me. Look at me, please." That familiar voice was begging.

I look at him. Paunti-unti ay naging klaro ang mukha nito sa paningin ko. Kusang tumulo ang mga luha ko.

"Ethan." Sambit ko sa pangalan nito.

"Yes, it's me, baby." Tila nakahinga ito ng maluwag nang marinig akong nagsalita.

Marahan nitong hinalikan ang noo ko.

"Goddamit, Hanna. Ikaw ang papatay sa'kin." Hirap na hirap ang boses nito.

"T-Thank you." Lulumuhang sambit ko.

"Shhh, stop crying. It's okay. You're okay now. You're safe now." He said with his gentle voice.

Pinupunasan ng mga daliri nito ang mga luha sa pisngi ko habang malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

Pumalahaw ako ng iyak sa harapan nito. I just can't believe that someone will come and save me.

"T-Thank you. Thank you, Ethan. Thank you." Paulit-ulit ang mga katagang iyon habang humahagulhol ako ng iyak.

"Oh god, baby..." Anas nito at sa hindi inaasahan ay sinakop nito ng halik ang mga labi ko.

Natigilan ako at napakurap.  Bigla ay napasinok ako dahil sa pagkabigla at kusang tumigil ang mga luha ko.

Napapikit ako at wala sa sariling ibinuka ang bibig. I felt his lips moved and he deepened the kiss. Mahina akong napaungol nang sakupin ng dila nito ang dila ko at marahan iyong nilaro-laro.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nitong hinalikan basta't ang alam ko ay tinugon ko ang halik nito. I'm not used to this but I was able to move my lips against his. Sinunod ko lang ang galaw ng labi nito dahilan para mapaungol ito na tila ba nasasaktan ito.

Kung hindi pa dumating ang ambulansya at fire truck ay hindi maghihiwalay ang mga labi namin. Kusang lumayo si Ethan sa akin at pinakatitigan ako sa mga mata.

Hinaplos nito ang ulo ko.

"Stay here." Anito at hinalikan ako sa noo bago tumalikod at nilapitan ang mga bumbero at pati ang mga nurse na para kausapin.

Napansin kong nasa kotse pala ko ni Ethan. Tumingin ang isang nurse na kausap ng binata sa kinaroroonan ko at lumapit sa akin.

"Ma'am, check lang po kita. Do you feel anything? Hindi po ba naninikip ang dibdib mo? Nakakahinga ka po ba ng maayos?" Sunod-sunod na tanong nito.

Tumango ako bilang tugon.

"I-I'm okay." Mahinang sambit ko.

Hinawakan nito ang pulso ko at sinipat pa ako para makasigurado. She even check my heartbeat. Nang masiguradong maayos ako ay ngumiti ito.

Magalang itong nagpaalam at si Ethan ay nakita kong may kausap na mga police. Napatingin ako sa apartment ko at kitang-kita ko ang pagtupok niyon. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng apoy sa apartment ko. Basta na lang akong nabigla nang maamoy ang usok at pagbangon ko ay napaka-kapal na ng usok sa loob.

Tuluyang naapula ng mga bumbero ang apoy. Si Ethan ay abala pa rin sa pakikipag-usap sa mga police. Seryoso ang mukha nito habang kaharap ang lalaking police officer na halos kaedaran lang yata nito.

Nang matapos ay binalikan ako nito.

"Sigurado ka bang ayaw mong magpadala sa hospital?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako.

"Okay lang ako." Mahinang sambit ko.

Hinawakan nito ang kamay ko.

"A-Ano ang sabi ng mga police?" Nag-aalalang tanong ko.

Bago pa man ako masagot ni Ethan ay lumapit na ang police officer na kausap ng binata kanina.

"We will investigate this. May nakita kaming lighter at amoy gasolina. Sa tingin ko, sinadya ang pagsunog sa apartment." The man said while looking at Ethan.

Lumipat ang tingin nito sa'kin.

"Glad you're safe Miss...?"

"Hanna." Sambit ko sa sariling pangalan.

Tumango ang lalaki.

"Lieutenant Adrian Perez here. Don't worry Miss Hanna, we will help you with this. Aalamin namin kung sino ang may pakana nito." Sambit nito at muling binalingn si Ethan. "I have to go." Paalam nito at tumango ng huli. Mukhang magkaibigan ang dalawa.

Natahimik ako at wala sa sariling napisil ko ang kamay ni Ethan na nakahawak sa'kin.

"You okay?" He gently asked.

Umiling ako.

"I-I don't know. Sinadya ba talaga ang pagsunog sa apartment ko? Pero bakit? N-Nakilala ba nila ako? Nahanap ba nila ako?" May kaba sa boses ko.

Ethan pulled me closer to him and hug me tight.

"I told you, as long as I'm here you don't have to be scared, Hanna. Nandito lang ako, hmm? Nandito lang ako, baby." Anito at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Ano nang gagawin ko ngayon?" Nawawalan ng pag-asang tanong ko.

Kumalas si Ethan mula sa akin at sinapo ang mukha ko.

"Uuwi ka sa bahay. Sa akin ka uuwi, Hanna." Anas nito dahilan para mapatitig ako sa mga mata nito.

"W-What?" Naguguluhang tanong ko, hindi kaagad pumasok sa utak ko ang sinabi nito o nabigla lang talaga ako.

Dumukwang ito at dinampian ako ng magaang halik sa mga labi.

"Come home with me, baby. Let's...go home." He whispered, claim my lips and deepened the kiss.

Tila nawala ako sa sarili kong katinuan at nagpadala sa tamis ng halik nito. Pumikit ako at tumugon. Kasabay ng pagtugon kong iyon ay ang pag-amin ko sa sarili na may pagtingin ako sa lalaking ito.

I am slowly loving this man.

To be continued...

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon