Chapter 34

68.7K 2.5K 369
                                    

CHAPTER 34

NAGISING ako sa isang pamilyar na lugar. Kumilos ako pero natigilan ako nang hindi ko maigalaw ang katawan. Nang tignan ko ang sarili ko ay nakatali ako sa bakal na silya. Nasa likod ang mga kamay ko at may takip ang bibig ko.

Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok. Si Selene.

"You're finally awake." Anito at nilapitan ako.

Malakas ako nitong sinabunutan sa buhok. Nakatingala ako dito habang ito ay nakangisi.

"Akalain mo nga naman. Buhay ka pa pala. May sa pusa ka rin palang gaga ka." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok ko.

"Alisin niyo ang takip sa bibig nito." Utos nito sa isang tauhan.

Kaagad itong tumalima. Napadaing ako sa sakit nang walang ingat na tinanggal ng lalaki ang takip sa bibig ko.

"Naloko ako ni David. Oh I almost forgot, his true name is Ethan." Tumawa ito. "Kung hindi ko pa nakita ang nakatagong camera sa kuwarto ko kagabi ay hindi ko malalamang may naipasok akong traidor sa pamamahay ko. Akala niyo maiisahan niyo ako? Not a chance. Kagabi pa lang ay pinlano ko na ang lahat. At ngayong alam kong buhay ka at nasa mga kamay na kita ay tuluyan na kitang ihahatid sa kabilang buhay." Malakas ako nitong sinampal at marahas na binitawan ang buhok ko.

"Pero bago kita papatayin ay gusto ko munang makita kung paano kang magmakaawa para sa buhay mo." Matamis itong ngumiti.

"Tanggalin niyo ang tali." Muling utos nito sa isa nitong tauhan.

Nang matanggal ang tali ko ay pasabunot akong itinayo ni Selene at dinala sa drum na puno ng tubig.

Napapaatras ako pero pilit akong nilalapit ni Selene doon.

"W-Why are you doing this, Selene?" Mahigpit nitong hinawakan ang buhok ko.

"Dahil na sa iyo na ang lahat, Hanna. Ikaw na ang maganda, ikaw na ang matalino, ikaw na mayaman, ikaw na ang pinagmamalaki ng lahat, ikaw na ang mabait at ikaw na ang minamahal ng lahat. Inggit na inggit ako sa'yo mula pagkabata. Lahat ng taong nasa paligid mo ay pinagmamalaki at pinupuri ka. Ikaw na lang lahat ang magaling. Lahat ng gusto mo ay nakukuha mo samantalang ako ay kailangan ko pang paghirapan bago ko makuha at madalas ay hindi ko pa nakukuha ang mga gusto ko. Kapag nakikita kitang nakangiti at tumatawa ay naiirita ako. Lahat ng classmates natin noon ay ikaw ang gusto. Lahat ng mga gusto kong lalaki noon ay ikaw ang nililigawan. Kahit si Enzo, pilit kong kinuha mula sa'yo dahil alam kong gusto ka niya. Ginamit ko ang mga magulang at mga kapatid niya para mapasunod ko siya. At ako na ang pinakamasaya nang traidurin ka niya. Naisip ko na kapag nakuha ko na lahat sa'yo ay magiging masaya na ako. Mas mabuting mawala ka sa landas ko." Puno ng galit at hinanakit ang boses nito.

Mahina akong natawa. Paunti-unti ay lumalakas iyon.

"How dare you laugh at me?!" She snapped.

"Lahat ng ito ginawa mo dahil sa inggit mo? Ganyan ka ba talaga kababa? Pinapatunayan mo lang na wala kang kuwenta. Bobo ka, Selene! Isa kang napakalaking bobo!"

"Tama na! Tama na!" Itinulak ako nito.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Kahit sa gano'n man lang ay maprotektahan ko ang anak ko.

"Masama ang maiinggit sa kapwa. Walang mabuting maidudulot sa pagkatao mo. Binababa mo lang ang sarili mo dahil sa inggit! Ang maiinggit sa kapwa ay isang malaking kasalanan, Selene. Nakakagawa ka ng masama na halos makalimutan mo na ang sarili mong halaga. Kung hindi ka lang sana inggitera, magaan lang ang buhay mo noon pa. Naging mabuti kami sa inyo, naging mabuti si Daddy sa'yo, pero anong ginawa niyo? Ginawa niyong impyerno ang buhay namin! At lahat ng iyon ay dahil lang sa putanginang inggit mo! Bobo ka noon pa man! Bobo ka!"

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon