Chapter 36

75K 2.5K 379
                                    

CHAPTER 36

"WALA ka na bang mapuntahan kaya tambay ka na naman dito?" Tanong ni Adrian.

Sa halip na sagutin ito ay itinaas ko lang ang dalawang paa at ipinatong sa mesa na nasa harapan ko.

"I want to rest." Tipid na sagot ko.

Adrian shook his head.

"You are resting here for over a year." Mahinang sambit nito.

Mahina lang akong tumawa at sumandal sa upuan. Pumikit ako. Mahigit isang taon na pala. Pero bakit parang kahapon lang? I can still feel the warmth of her tight hug. I can still feel her lips against mine. I can smell her even if she's not here beside me.

"Puwede mo naman siyang puntahan." Narinig kong nagsalita si Adrian.

Nagmulat ako ng mga mata.

"I want to but I promised not to search for her. Promises are very important for me. Kailangan natin iyong tuparin kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon." Sambit ko, diretsong nakatingin sa mga mata nito.

Adrian shrugged his shoulders.

"Nakikita mo pa rin ba kung nasaan siya?" Tanong nito.

Umiling ako.

"She maybe found out that her necklace can help me tracking her. Inalis niya after three months that she left." Tugon ko.

Tumango si Adrian.

"Matalino ang asawa mo." Komento nito.

"She is." Nakangiting sambit ko.

"Paano kapag hindi na bumalik?" Seryosong tanong nito.

"Babalik siya." Mariing tugon ko.

"Paano nga kapag hindi na talaga siya-" Mabilis itong napailag nang binato ko ito ng dagger knife na kinuha ko mula sa bulsa.

Tatawa-tawang napailing lang ito habang nakatingin sa kutsilyo na ngayon ay nasa sahig na.

"Kapag may nabasag kang salamin dito sa headquarters namin, X will get mad at you." Ngumisi ito.

"She's just a fucking computer." Sambit ko.

Biglang lumiwanag ang buong paligid pagkatapos kong magsalita. Awtomatikong lumitaw ang hologram sa harapan ko. Bahagya pa akong nagulat nang makita iyon. Sa mahigit isang taon na pabalik-balik ako dito ay hindi pa rin ako nasasanay.

The headquarters of the Phoenix Snipers is very high-tech. Isa sa mga miyembro ng Snipers ang nag-imbento ng headquarters na ito. Nakakabilib dahil lahat ng mga kilos at sinasabi mo sa loob ng headquarters ay awtomatikong naka-record sa pamamagitan ni X.

In front of me is a full body 3D human hologram. Mukha iyon ng isang babae. Her inventor named her X.

The human hologram automatically scanned my face. And she started to speak.

Ethan Davidson. 34 years old. Married with Hanna Boiser.

I chuckled. Nakakaliw si X sa totoo lang. Lalo pa nang kumunot ang noo nito, patuloy na pinag-aaralan ang mukha ko.

You look sad and broken. You have to drink to lessen your sadness. Searching for a club. C-Club is available for you tonight.

Muli ay mahina akong natawa at tumayo.

"All right, all right. Thank you for reminding me, X. Gusto mo lang akong umalis sa teritoryo mo." Kunwari ay nagtatampo ako.

Muli ay kumunot ang noo ni X.

I didn't meant to hurt your feelings, Mr. Davidson. But you can leave now. Enjoy your drinks. Don't drink too much because it's not good for your health.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon