Chapter 1

81K 2.4K 299
                                    

CHAPTER 1

DAHAN-DAHAN akong nagmulat ng mga mata at nakita ko ang babaeng nakatunghay sa'kin. She was smiling. Pilit kong inaabot ang kamay nito pero umatras ito.

Malungkot itong ngumiti at kapagkuwan ay lumuha.

"Can you help me, please? I need your help. Please."

Napapitlag ako at biglang nagising mula sa isang panaginip.

Umayos ako ng upo at marahas na napabuntong-hininga. That dream keeps pestering me. Ilang taon na nga ba? Dalawa? Tatlo? Madalas kong napapanaginipan ang babaeng nakilala ko sa isang isla noon. A woman who saved my life. At nag-umpisa iyon mismo nang gabing umuwi ako mula sa isla na iyon ilang taon na ang nakakaraan.

That dream keeps bothering me. I even tried to go back in that island but unfortunately, I can't find that house anymore.

Ang sabi ng napagtanungan ko ay matagal nang nawala ang bahay na iyon dahil nasunog daw. Sinubukan ko ring hanapin ang address nito pero hindi ko na makita ang pangalan nito. Her name doesn't exist. Or it was just a fake name? Posibleng ganoon nga. Maaaring fake ang pangalan na binigay nito sa akin noong magpakilala ito bago ako bumalik sa Maynila.

I still remember the name that she gave. Hanna Boiser. Kung hindi nag e-exist ang pangalan na iyon, hindi ko talaga ito makikita.

Hindi lang ako matahimik dahil palagi itong nasa panaginip ko. Mas lumalala ngayon dahil sa bawat pagtulog ko ay ito ang nasa panaginip ko.

Napabuntong-hininga ako at lumingon sa paligid. Nasa loob ako ng isang cafe, sa tabi ng J'Smiths hospital. Dito ako tumatambay sa tuwing bumibisita ako sa nakababata kong kapatid na si Arriane. She's in the hospital because of her heart condition. I'm just thankful that my bestfriend, Prince, was always there for my sister. Halos ayaw na nitong umalis sa tabi ng kapatid ko kahit alam kong pagod ito. His love for my sister, I always admire it. At hindi nito iyon alam ang bagay na iyon. I always admire him the way he love his woman which is my baby little sister.

Muli akong napatingin sa paligid ko. Sa cafe na ito ako lagi umiinom ng kape. I like their coffee here. Pasalamat nga ako dahil hinahayaan ako ng mga empleyado dito kahit nakikita nilang madalas akong nakakatulog sa inuupuan ko katulad na lang ngayon. Ilang beses na yata akong nakakatulog dito.

"Sir, your coffee." Napaangat ang tingin ko sa babaeng nagsalita.

It's the same waitress who served my coffee three days ago. Mukhang baguhan lang ito dito. At ang nakakapagtaka ay ang malapad na scarf na nakatakip sa kalahating mukha nito. Hindi nito iyon inaalis. Mabuti at pinapayagan ito ng may-ari kahit nakatakip ang kalahating mukha nito.

Ipinagkibit-balikat ko iyon. It's not my business anymore. Ang importante ay ginagawa naman nito ng maayos ang trabaho nito.

"Looks like you've waited for me to wake up again." Sambit ko habang nakatitig ako sa mga mata nito.

Her eyes are beautiful. Halos mata na lang kasi nakalitaw dito. Hindi ko makita ng buo ang mukha nito.

"You've been doing that for three days now. I'm sorry again I slept here. And thank you for the coffee." Nginitian ko ito.

Bahagya itong yumuko.

"Ayoko namang gisingin ka, Sir. Ang himbing kasi ng tulog mo. Sige po. Enjoy your coffee." Anito at nagpaalam.

Hindi ko alam kung bakit sinundan ko ito ng tingin. Sa unang araw na pagpasok ko pa lang sa cafe na ito ay naagaw na agad ng babaeng iyon ang atensyon ko. Maybe it was because of her scarf. I'm curious why she's hiding her face o baka trip lang nitong takpan ang mukha nito.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon