Chapter 20

78.5K 2.6K 289
                                    

WARNING: MATURED CONTENT. NOT SUITABLE FOR 18 YEARS BELOW. NOT SUITABLE FOR NOT OPEN-MINDED. (Kapag hindi ka open-minded, umalis ka. As simple as that. Hindi kita kailangan. Haha.🤣)

CHAPTER 20

"DO IT properly." Naikagat ko ang ibabang labi sa kaseryosohan ni Ethan.

He's been teaching me for two days now. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay tila nasa impiyerno ako. Nakapaseryoso nito kapag nagtuturo at hindi ko inaasahan iyon.

At ang nakakainis ay ni hindi ko magawang patamaan ng maayos ang target. Ni isa ay wala akong natatamaan kaya hindi ko rin masisisi ang binata kung bakit mainit ang ulo nito.

Pero kailangan ba talagang ganito siya kaseryoso sa pagtuturo?

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa paligid. Nasa kakayuhan kami ng isla, hindi kalayuan mula sa bahay. Dito ako dinala ni Ethan two days ago at dito ako tinuturuan. May iilang puno na may nakakakabit na target kung saan ay iyon ang pinag eensayuhan ko.

"Aim at the target." Bahagya akong napapitlag nang marinig ko ang baritonong boses na iyon ng binata mula sa likod ko.

Muli kong naikagat ang ibabang labi at inangat ang mga kamay ko at ng focus ang mga mata ko sa target.

"Pull the trigger." Ethan demanded.

Sinunod ko ito. I pulled the trigger. Pero hindi iyon tumama sa target.

I heard Ethan sighed.

"Sorry." Mahinang sambit ko.

Pumuwesto ito sa tabi ko at bahagya akong napaatras nang makita kung gaano nito kabilis nabunot ang baril mula sa likod ng pantalon nito at sunod-sunod nito iyong pinaputok. Tila slow motion na napatitig ako sa makinis na mukha nito patungo sa matangos nitong ilong habang ang mga mata nito ay naka-focus lang sa harapan. He's so cool.

Ilang beses akong napakurap at kapagkuwan ay napalunok.

Unti-unti akong tumingin sa harapan at napaawang ang mga labi ko nang makita ang target. He didn't miss a single one. Butas na butas ng gitna ng target.

Tumingin ang binata sa akin.

"Hindi ko alam kung hindi ba ako marunong magturo o ikaw itong hindi interesadong matuto." May konting sarkasmo sa boses nito.

"Ethan-"

"Tie your hair."

"H-Huh?"

"Tie your hair." Ulit nito.

Nang hindi ako gumalaw ay ito mismo ang kumilos. May kinuha itong rubber band mula sa bulsa nito. Akmang itatali nito ang buhok ko nang umatras ako.

Kunot-noong tinignan ako nito.

"I-I just don't like it. My face will be too exposed and-" Hindi ko natapos ang sasabihin nang inisang hakbang nito ang pagitan namin at itinali ang buhok ko mula mismo sa harapan ko.

"Hanggang ngayon ikinakahiya mo pa rin ang mukha mo?" Tanong nito habang seryosong tinatali ang buhok ko.

Mas matangkad ang binata sa akin kaya bahagya akong napatingala para mas makita ang guwapong mukha nito.

"Because there's nothing to be proud of with my face." Tugon ko.

Bumaba ang tingin nito sa akin. Matagal nitong tinitigan ang mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin pero sinapo nito ang baba ko para muling ibalik ang tingin ko dito.

"I told you before, don't you ever avoid my gaze. I want you to see it through my eyes. I want you to see and to know how beautiful you are in my eyes, Hanna. And I want you to have confidence." Unti-unti nitong nilapit ang labi sa labi ko.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon