Chapter 23

75.1K 2.5K 263
                                    

My last update. 💛😍

Just want to say that I will try to update every SUNDAY. Uulitin ko po, every Sunday.

I am just busy at work kaya hindi ko talaga kayang mag update kapag weekdays. Hinihingi ko po 'yong understandings ninyong lahat. Kaya sana wala akong nakikitang nagdedemand ng updates. It's okay to demand once. I can read it naman. But twice and more? Para naman akong sirang plaka no'n.🤣😂

You do know how much I adore you all. If you are willing to wait for my updates, I should be thankful. Pinagpapasalamat ko po iyon ng sobra.💛 Now, if hindi kayo makapaghintay, you are free to leave. Just leave silently, 'wag na mag hanash, okie? Okie.😂🤣

Just want to say thank you po sa mga comments and votes ninyo. Highly appreciated. Maraming thank you. Alam niyo na kung sino-sino kayo.😘 And to my silent readers as well, thank you! 😘😍

Anyways, HAPPY READING ! 😍💛😘 STAY SAFE ! 😘

CHAPTER 23

HINGAL na hingal na napaluhod ako sa thick foam roll mat. Nasa bakanteng kuwarto kami. Walang kagamit-gamit at maaliwalas.

Ito ang kuwartong ginawang training room ni Ethan. Dito ako tinuturuan ng kasintahan ko at pangatlong araw na namin ngayon.

Araw-araw ay napakasakit ng katawan ko. It's true that Ethan is really strict not only on shooting but on martial arts. He taught me the basics at first until it's getting really hard.

Alam kong nagiging maingat ito pero hindi naiiwasang matamaan nito ang katawan ko kapag nagtuturo. Kaya nagkakaroon ako ng konting pasa sa katawan. He's not just using his true strength. Kitang-kita ko ang pag-iingat nito.

Napabuntong-hininga ako. Umayos ako ng upo sa sahig.

"Here." Napaangat ako ng tingin sa kasintahan.

Akmang kukunin ko ang inaabot nitong bottled water nang bawiin nito iyon. Ito mismo ang nagbukas at muling inabot sa'kin.

"Thanks." Nakangiting sambit ko at uminom.

Umupo ito sa tabi ko. Nang makita nitong tapos na akong uminom ay kinuha nito ang bottled water mula sa akin at sinara iyon.

Napatitig ako sa kasintahan. Such a gentleman. Pawis na pawis ang mukha nito pero napakaguwapo pa rin.

"You okay?" He asked.

Ngumiti ako at tumango. Umusog ito papalapit sa akin. Inalis nito ang nakasampay na face towel sa leeg nito at kapagkuwan ay masuyong pinunasan ang pawisan kong mukha at leeg.

Nakangiting nakatitig lang ako sa kasintahan. He is gentleman, thoughtful and super caring. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat nito sa'kin.

Umangat ang kamay ko at hinaplos ko ang gilid ng labi nito. Natamaan ko iyon kanina habang tinuturuan ako nito kaya medyo nagkapasa iyon.

"You're getting better. Mabilis kang matuto." Komento nito.

"Yeah. I'm sorry for punching you here. Ni hindi ka man lang umiwas." Mahinang sambit ko.

Kaya naman nitong umiwas. Sa totoo lang, ang bilis nitong gumalaw. Mahirap hulihin ang mga kilos nito. He said that I'm getting better. Pero ni wala pa sa one-fourth ang mga nalalaman ko. Ethan is really a skilled one. No wonder he's in military. Ito ang tipo ng tao na hindi mo basta-basta mapapatumba at mas lalong hindi mo maiisahan.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon