Chapter 15

76.3K 2.4K 423
                                    

CHAPTER 15

HINDI ako mapakali. Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko. Alam kong sinabi ni Ethan na maayos lang ito pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang dami ng dugo sa suot nito kanina.

Pinagpapawisan ang mga kamay ko. Gusto ko na nga itong katukin sa kuwarto nito. Baka hindi lang nito sinasabi na may sugat ito sa katawan o tama ng bala.

Bigla ay nanayo ang mga balahibo ko. Paano nga kung ganoon? Kanina pa nagpaalam si Ethan na maliligo at babalik daw ito pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Paano kung nag collapse ito at-

Muntik pa akong mapatalon nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Napatingin ako doon at tila nakahinga ako ng maluwag nang makita si Ethan. Sinara nito ang pinto at lumapit sa akin.

Tila sinakop ng mabangong amoy nito ang kabuuan ng kuwarto. Titig na titig ako sa mga mata nito at bahagya akong napaatras nang lumapat ang kamay nito sa noo ko.

"May sinat ka pa." Mahinang sambit nito.

Wala sa sariling tumango ako.

"Yeah. Pero kumain na ako at uminom na rin ng gamot. Kabilin-bilinan mo daw 'yon kay Ate Lara bago ka umalis." Sambit ko.

Si Ate Lara ang isa sa mga maid sa bahay ni Ethan. Isa ito sa pinagkakatiwalaan ng binata.

Tumango ito at tumitig sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya nag-iwas ako ng tingin pero masuyo nitong hinawakan ang baba ko at ibinalik ang tingin ko sa mga mata nito.

"'Wag na 'wag kang umiwas ng tingin sa'kin." Anas nito.

Napalunok ako.

"B-Bakit?" Nauutal na tanong ko.

"Lagi mong tatandaan ang mga matang ito, Hanna. Sa ganoong paraan, makikilala mo ang totoong ako kahit iba ang pagkataong pinapakita ko sa'yo." Napakalalim ng kahulugan ng sinabi nito.

"Katulad ng pagkataong pinakita mo sa akin noong..." Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin.

Tumango ito, naiintindihan ang ibig kong sabihin.

"That was another me, Hanna." He murmured.

Nagpatango-tango ako. Alam kong gusto nitong ipaabot sa akin at ipaalam ang isa nitong pagkatao sa paraang hindi na nito kailangang ikuwento ang lahat.

"But that was scary. I don't want to see the another you. I want my...Ethan." I said and bit my lower lip.

Nakita kong tumaas ang sulok ng labi nito. Hindi ko alam pero ang cool nitong tignan kapag ganoon ang ginagawa nito. Ilang beses ko na nga bang nakitang tumataas ang sulok ng labi nito? At sa tuwing ginagawa nito iyon, kumakabog ng napakalakas ang puso ko. He looks like a silent killer that will make you bleed until your last breath.

"That's why I want you to look into my eyes thoroughly, baby. I want you to know the real me." He softly said and held my hand.

Dinala ako nito sa kama at masuyong pinaupo. Lumuhod ito sa harapan ko at kapagkuwan ay masuyong inihiga ang ulo sa kandungan ko. Pakiramdam ko ay umalon ang tiyan ko sa ginawa nito. It's a sweet gesture for me. Tila ba pinaparamdam nito na ako lang ang kailangan nito. Na sa akin lang ito ganito at sa akin lang ito komportable.

"Ethan." Masuyong dumulas mula sa bibig ko ang pangalan nito.

"I'm so sorry for letting them hurt you. But I promise baby, whoever touch you will pay. That's a promise that I will do in a heartbeat." Mariin at puno ng pangakong sambit nito.

Kusang gumalaw ang kamay ko at nilaro-laro ko ang buhok nito. Kumilos ito at tumingala sa akin. Tumitig ako sa mga mata nito. Yes, this is Ethan. That eyes, that emotion in his eyes, this guy is really my Ethan.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon