Chapter 29

64.8K 2.1K 233
                                    

Happy Sunday ! 💛

CHAPTER 29

"I'LL announce you as the new CEO of Boiser's Brand soon, Selene. Prepare yourself."

"I'm always prepared, Dad. Don't worry."

Iyon ang naabutan kong usapan ng mag-ama pagkapasok ko sa loob ng opisina. Hinatid ko ang kape ng mga ito.

"Did you find Tito Henry?" Natigilan ako sa tanong na iyon ni Selene.

She's asking about my father.

"I couldn't find him. Sana pala ay pinatay ko na lang ang kapatid kong iyon. Hindi ko alam kung paano siyang nakatakas mula sa abandonadong lugar kung saan ay ilang taon ko siyang itinago. Hindi ko na dapat siya binuhay. Isinama ko na lang sana siya sa hukay ng kanyang asawa at anak. Masyado akong nag enjoy habang nakikita kong nahihirapan siya sa mga kamay ko." Mahinang natawa ang tiyuhin ko sa huling sinabi.

Sa nanginginig na mga kamay ay dahan-dahan kong ipinatong ang tasa ng kape sa maliit na mesa. Tila wala man lang pakialam ang mga ito kahit may ibang tao. Wala pakialam ang mga ito kahit naririnig ko.

"It's okay, dad. Ang importante ay wala na ang anak niya. Sumasakit ang mata ko noon kapag nakikita ko siya. Whenever I'm seeing her face, it makes me want to ruin that beautiful face of hers and I did." Mahinang humalakhak si Selene.

Palihim akong napakuyom ng kamao. Ganoon na lamang ang malakas na sigaw ni Selene nang bumuhos sa mga hita nito ang mainit na kape.

"You! Bobo ka ba?" Kaagad na sigaw nito kasabay ng pagtayo nito.

Bahagya akong napaatras.

"Miss Selene, I'm so-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang malakas ako nitong sinampal.

"Ang pangit mo na nga, tanga ka pa! How dare you! Hindi ka nag-iingat!" Halos mag histerikal ito at akma akong sasampalin ulit nang pigilan ito ng tiyuhin ko.

"Stop it, sweetie. Hindi naman niya sinasadya." Saway nito.

"You should fire her, dad!" Histerikal na reklamo ni Selene at tinignan ako ng masama.

Bahagya akong napaatras nang lumapit ito sa akin.

"You look familiar. I've seen you before but I don't remember." Anito habang pinasadahan ako ng tingin.

Hindi nito naalala na ako ang pinahiya nito noon sa birthday party nito. Kilala ko si Selene, mabilis itong makalimot. O tamang sabihin na...mahina ang utak nito, sa kahit na anong bagay.

Wala itong ibang alam kundi ang umasa sa ama nito. Ang tanging alam nito ay sirain ang buhay ng mga tao sa paligid nito lalo na ang mga taong sa tingin nito ay hinaharang ang daraanan nito.

She was my classmate since elementary. Palagi itong bagsak sa mga grades nito. Nakakapasa lang ito dahil sa tulong ng ama ko. Naaalala ko pa kung paano nitong alipustahin ang mga kaklase ko noon lalo na kapag hindi nagagawa ang mga gusto nito. Palagi ko itong sinasaway. Sumusunod ito sa akin pero walang kasing-sama ang tingin nito sa akin kapag ginagawa ko iyon.

Kahit noong nag high school kami ay kaklase ko ito. Mahina ito sa klase. Inaasa lang nito ang grades sa ama ko. Naitawid nito ang high school dahil sa tulong ng ama ko.

"She's good in her job so I couldn't fire her." Naputol ako sa pag-iisip nang magsalita ang tiyuhin ko.

Masama akong tinignan ni Selene.

"Why did you chose this ugly bitch? So disgusting." Bahagya ako nitong itinulak. "'Wag na 'wag kang magpapakita sa akin kapag nandito ako. Labas!" Sigaw nito.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon