Chapter 8

70.7K 2.5K 433
                                    

CHAPTER 8

"IKAW ang haharap sa isa sa mga VIP ng Bliss Body Massage. He's one of our top customer here so galingan mo, ha? He already know that we have new employee so he's looking forward to meet you. Don't worry he's kind, honey." Nakangiting salubong ni Miss Daisy sa akin.

Ngumiti ako at tumango. I'm already here at work at ito ang unang araw na mag-uumpisa ako, or unang gabi rather. 7:00pm ang schedule ng trabaho ko hanggang alas tres ng madaling araw.

"And also, the owner of Bliss Body Massage called. Welcome and goodluck daw sa unang araw mo dito." Malapad ang ngiti ni Miss Daisy.

Tinignan ko itong mabuti. Nabanggit nito noon na minsan lang daw namamalagi ang may-ari ng BBM dito at iilan lang ang nakakakilala dito. Sa pagkakaalam ko ay si Miss Daisy lang ang nakakakilala sa may-ari ng BBM at ang iba pang matataas ang posisyon.

The owner is mysterious they said. He don't like public appearance. Kahit ang mga empleyado ng BBM ay hindi pa yata nakikita sa personal ang owner. Si Miss Daisy daw ang kanang kamay ng owner at dito pinagkakatiwala ang negosyo nito. Miss Daisy is the owner's second cousin, they said.

And I can say that BBM is not just an ordinary company. Malaking kompanya iyon at maging sa ibang bansa ay may mga branches. Hindi rin basta-basta ang mga customers na pumapasok. In fact, ilang artista at modelo na ang napansin kong naririto kanina sa BBM.

"The VIP customer will be here in a minute. Goodluck, Hanna." Miss Daisy said and tap my shoulder.

Tumango ako at ngumiti. Kakaiba talaga ang kabaitan na pinapakita nito sa'kin. At komportable itong kausap kahit pa sabihing mataas ang posisyon nito sa BBM.

Nang makaalis ito ay napabuntong-hininga ako.

"Hanna, alam mo ba? Ang pogi daw ng may-ari ng BBM." Napalingon ako kay Kristy, isa sa mga kasamahan ko.

Tipid ko itong nginitian.

"Paano naman nila nasabi? Hindi pa nga daw nakikita ng mga empleyado dito ang mukha ng may-ari." Tugon ko.

Mahinang humagikhik si Kristy.

"Ayon sa source ko, nagpapanggap daw siyang customer dito paminsan-minsan. I want to know him. Ang hot daw kasi niya tapos single pa yata. God, bakit kasi napaka-private naman niya. Hindi man lang pinakita ang mukha sa mga empleyado niya. 'Yan tuloy mas lalo namin siyang pinagpapantasyahan." Nangingislap ang mga mata nito at bahagyang nakatingala na parang ini-imagine ang mukha ng may-ari ng BBM.

Napailing ako.

Isang linggo na si Kristy dito sa BBM at kahit noong nasa training pa lang ako ay napaka-friendly na nito.

"Papasok na ako sa VIP room." Paalam ko.

"Sige, goodluck. Si Sir Enzo ang customer na siansabi ni Miss Daisy. He's a regular customer here. Ang hot din no'n." Anito na tila kilig na kilig.

Kumunot ang noo ko at bahagyang kumirot ang puso ko nang marinig ang pangalang iyon. Alam kong marami magkakapareho ang pangalan sa mundong ito pero nagdulot ng sakit ang pangalang iyon sa puso ko.

Tuluyan akong pumasok sa VIP room at inihanda ang mga gamit.

Nang bumukas ang pinto ay kaagad akong napatingin doon.

"Goodevening Sir and welcome to-" Naputol ang sasabihin ko nang makilala ang lalaking pumasok sa VIP room.

Bahagya akong napaatras at tila naging blangko ang utak ko.

"Goodevening." Narinig kong bati nito at ngumiti.

Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko. Sadyang binibiro ako ng tadhana. Sa dinami-dami ng Enzo sa mundong ito, bakit ito pa?

"Looks like you're the new employee here?" Tanong nito.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at kapagkuwan ay tumango.

"Y-Yes, Sir." Bahagya akong nautal.

Napatitig ito sa akin, partikular sa pisngi ko. Bahagyang kumunot ang noo nito at tila gustong magtanong pero parang mas pinili nitong manahimik na lang. Mataman itong nakatitig sa mga mata ko.

Bahagya akong napayuko, kinakabahan na baka makilala ako nito sa kabila ng mukha ko ngayon. Ang alam ng mga ito ay tuluyan na nila akong nabura sa mundong ito. Hindi dapat ako nito makilala.

"So, let's start? I will just spend one hour here." Untag nito.

"M-May kukunin lang po ako sa labas." Sambit ko.

"Okay. Take your time." Pagkasabi niyon ay kaagad na akong lumabas ng VIP room.

Nanginginig ang buong katawan na naglakad ako. Tila nawala ako sa sarili. Totong naging blangko ang utak ko at ang takot sa puso ko ay mas lalong lumakas.

Naglakad lang ako sa hallway hanggang sa bumangga ako sa isang matigas na bagay. Hindi, bumangga ako sa isang matigas na katawan.

Tumingala ako at una kong nakita si Miss Daisy na nag-aalalang tumingin sa akin. Sunod kong tinignan ay ang taong nakabangga ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kapanatagan nang makita ko si Ethan.

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Awtomatikong umangat ang mga kamay nito at ikinulong sa mga palad nito ang mukha ko.

"You okay, baby?" He softly asked, he even look worried.

Tumitig lang ako sa mga mata nito habang tuloy-tuloy na umaagos ang mga luha ko.

Ethan look at Miss Daisy.

"Ako nang bahala sa kanya. You can go now." Utos nito kay Miss Daisy at kaagad namang tumalima ang huli.

Naiwan kaming dalawa ni Ethan.

"What's the problem? Tell me." Masuyo ngunit mapanganib na sambit nito.

Hindi ako nagsalita kaya napabuntong-hininga ito. Masuyo ako nitong hinila at dinala sa kung saan. Parang opisina itong lugar. Sinara nito ang pinto nang hindi ako binibitawan sa kamay.

Hinarap ako nito at muling sinapo ang magkabilang pisngi.

"Tell me now, baby. I don't want to see you like this. Tangina, ang putla mo. I am worried, Hanna. Tell me now." Anito sa mariing boses.

Paulit-ulit akong umiling at ang kaninang hikbi ko ay paunti-unting lumalakas.

Ethan gritted his teeth.

"Why are you doing this to me, huh? Don't make me feel like I am useless, Hanna. Nandito nga ako, hindi ba? Mahirap ba akong pagkatiwalaan? Tangina, handa akong ialay pati kaluluwa ko sa'yo. Anong gagawin ko para magsalita ka, huh? Tell me." Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa nakikiusap at desperadong boses nito.

Sa nanginginig na mga kamay ay niyakap ko ito at mas lalong umiyak ng malakas. I heard him sigh but he didn't speak. Masuyo nitong hinagod ang likod ko na tila ba pinapatahan ako.

"H-Help me. Help me, please. H-Help me, Ethan." I said with a trembling voice.

Awtomatiko ako nitong niyakap.

"That's what I want to hear from you, baby." He said in a stern voice. "Now...tell me everything. Everything, Hanna. And let's see what can I do to make them taste hell." May babala sa boses nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"N-Natatakot ako." Sabi ko at kumalas mula sa yakap naming dalawa. "Natatakot ako, Ethan. Takot na takot ako. All these years, I've been scared. H-Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Minsan iniisip ko na s-sana, sana natupok na lang ako ng apoy na 'yon para hindi na ako nagdurusa ngayon at-"

Natigil ako sa pagsasalita nang muli na naman nitong sinapo ang mukha ko at masuyo akong tinignan sa mga mata.

"'Wag kang matakot. Kasama mo ako at kaya kong iharang ang buong pagkatao ko para sa'yo. Langgam lang sila sa paningin ko. Kung may tao mang kaya kang protektahan, ako 'yon. Ako lang, Hanna. So please, trust me." May pakiusap sa boses at mga mata nito.

Wala sa sariling tumango ako at sa kauna-unahang pagkakataon ay bumuka ang bibig ko para ilabas ang lahat ng mga masasakit na nangyari sa buhay ko. Binuksan ko ang sarili ko para sa lalaking ito.

And yes, I will trust this man. Ito lang ang pagkakatiwalaan ko. Tanging si Ethan lang.

To be continued...

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon