Chapter 17

73.5K 2.4K 132
                                    

CHAPTER 17

NAKATULALANG tumingin ako sa malaking maleta na inilabas ng maid mula sa kuwarto ko.

"T-Teka, ang dami yata?" Nagtatakang tanong ko.

"Nandito na po lahat ng gamit mo, Miss Hanna. Sabi po kasi ni Sir Ethan ay isang linggo kayong mawawala. " Magalang na tugon nito.

Napangiwi ako. Isang linggo? Bakit hindi man lang nito sinabi? Ang buong akala ko ay dalawa o tatlong araw lang kami sa kung saan man ako nito dadalhin.

Napabuntong-hininga ako.

"Sige. Salamat." Magiliw kong nginitian ang katulong.

Akmang kukunin ko ang maleta nang kinuha iyon ni Manong Dante. Personal driver ito Ethan.

"Ako na, Miss Hanna." Nakangiting sambit nito.

Wala akong nagawa kundi ang tumango at sumunod kay Manong Dante sa labas.

"Sabay dapat kayo ni Sir Ethan. Pinagbilin ka lang niya sa'kin dahil dumaan pa siya sa hospital para tignan ang kalagayan ni Miss Arriane, 'yong bunsong kapatid niya. Tapos didiretso na siya kung nasaan ang chopper niya para masiguradong maayos ang lagay at walang sira. Gusto niyang safe kayo." Nakangiting binalingan ako ni Manong Dante pagkatapos nitong ilagay sa backseat ang maleta.

Tumango ako at ngumiti.

"Yeah, he already message me. Saan kaya niya ako dadalhin? Alam mo ang secret place na sinasabi niya, Manong?" Tanong ko.

Kahapon lang sinabi ni Ethan na dadalhin ako nito doon pero wala akong ideya kung saan.

Natatawang umiling ito.

"Pasensya na, hindi ko alam, Miss Hanna. Si Sir Ethan, misteryosong tao talaga 'yan. Minsan hindi mo alam kung ano ba talaga ang totoo niyang ugali. Ayokong nakikita kapag seryoso siya. Nakakatakot. At minsan parang may tinatago siyang pagkatao na tanging siya lang ang nakakaalam o ang mga taong malapit sa kanya. Pero napakabait na bata. Sa ilang taon na naninilbihan ako sa kanya, nakita ko kung gaano siya kabuting tao. Kahit kailan, hindi niya kami minaltrato." Nagpatango-tango ako at ngumiti.

I agree with him. Misteryosong tao si Ethan. Ito ang klase ng tao na hindi mo kayang basahin kung ano ang nasa isip nito o kung ano ang mga pinaplano nito. And I admit that he really looks scary when he is serious. Ito ang klase ng tao na kung ano ang lumalabas mula sa bibig nito ay siguradong gagawin nito.

Habang nasa biyahe kami ay nagtipa ako ng message sa binata. Sinabi kong kasama ko na si Manong Dante at kasalukuyang nasa biyahe na.

Kahit wala akong ideya kung saan ako ihahatid ni Manong Dante ay inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa paligid. Kalahating oras din yata kaming bumiyahe. Napansin kong pumasok kami sa isang pribado at napakalapad na lugar. Unti-unti ay nakita ko ang iba't-ibang klaseng chopper sa paligid.

At higit akong namangha nang makakita ng private plane. Hindi lang isa ang mga iyon. And I noticed that the choppers and private planes have initials.

Italic na E ang nakikita kong initial. Sa ilalim ng E ay may disenyong ibon. It's not an ordinary bird. Sa pagkakaalam ko ay Phoenix ang desinyo niyon. Phoenix design with initial E above it.

Pamilyar ang desinyong iyon. Kung hindi ako nagkakamali, nakita ko na ito noon. Oo, tama. Sa pribadong islang pagmamay-ari ko noon kung saan ay sinundo ng mga kaibigan nito ang binata.

"Pagmamay-ari lahat 'yan ni Sir Ethan." Sambit ni Manong Dante na mapansin siguro ang pagtataka sa mukha ko.

"It's obvious, Manong. Sa initial pa lang na nakikita ko ay alam ko nang sa kanya lahat ng ito. I just can't believe that he owned all of this." Medyo natatawang sambit ko.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon