Chapter 11

74.3K 2.5K 332
                                    

CHAPTER 11

NILALARO-LARO ko ang mga daliri habang nakaupo sa mahabang sofa.

"You can take a shower." Napapitlag ako nang marinig ang baritonong boses na iyon ni Ethan.

Kaagad akong tumayo.

"S-Sige. Saan?" Medyo natatarantang tanong ko, hindi makatingin ng diretso dito.

Pagkatapos ng halik na pinagsaluhan namin kanina ay pareho kaming walang kibo habang nagmamaneho ito patungo sa bahay nito. Ilang minuto na akong nakaupo sa sofa nang makarating kami sa bahay nito at ni hindi ko na ito matignan ng diretso.

"Saan mo ba gusto? Sa kuwarto ko? Puwede rin." Nahimigan ko ang kapilyuhan sa boses nito.

Tinignan ko ito at nakita ko ang kapilyuhan sa mga mata nito.

"You're teasing me." I pouted my lips.

"Oh please baby, don't do that in front of me." Ethan groaned.

Kinuotan ko ito ng noo.

"Ang alin?" Tanong ko.

Napatingala ito at mariing pumikit. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng adam's apple nito kaya napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ang hot nitong tignan sa ginawa nito.

Muli itong tumingin sa akin at kapagkuwan ay inisang hakbang ang pagitan namin.

"Konting-konti na lang ang pagtitimpi ko so please don't act cute in front of me. I'm on my limits already and I'm just holding back, baby." He whispered and brush his lips against mine.

Kusa na itong lumayo sa akin bago pa man lumalim ulit ang halik na iyon.

"Ihahatid ka sa magiging kuwarto mo." Anito at hinawakan ako sa kamay.

Marahan ako nitong iginiya patungo sa isang kuwarto. Ito mismo ang pumihit ng door knob at nang makapasok kami ay iginiya ko ang paningin sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan namin. It's a girl's room. Babaeng-babae ang desinyo niyon. Napakalamig sa mata ng kulay.

"Ito ang kuwarto ng kapatid ko kapag natutulog siya dito sa bahay ko. My own room is right in front of your room so if you need anything, just knock on my door. Dahil wala ka pang damit, hiramin mo muna ang damit ng kapatid ko. She have new undies and brassiere so feel free to use those. Bukas na bukas din ay ibibili kita ng susuotin mo." Anito at hinalikan ako sa noo.

Nahihiyang kinagat ko ang ibabang labi.

"S-Salamat, Ethan. Tatanawin kong utang na loob 'to. Babayaran ko lahat ng magagastos mo at mag-iipon ako para makapaghanap ng ibang apartment para-"

"No. You will stay here, Hanna." Mariing sambit nito.

"P-Pero-"

Napaatras ako nang hinapit ako nito sa beywang pero mabilis din akong napadikit sa matipunong katawan nito. Nagkatitigan kaming dalawa at hindi ko maiwasang titigan ang guwapong mukha nito. Ang magagandang mga mata nito, ang matangos na ilong, ang mamula-mulang mga labi nito at ang nakakaliyong natural na amoy nito ay talagang nakakamangha. Ito ang klase ng lalaki na hindi nakakasawang titigan.

"H-Hindi ako puwedeng mag stay dito. Nakakahiya at-" Pinutol ng halik nito ang sasabihin ko.

Sinakop ng labi nito ang labi ko at sa muling pagkakataon ay wala akong nagawa kundi tugunin iyon. Ilang beses na nga ba ako nitong nahalikan ngayong araw? At bakit ni wala man lang pagtutol mula sa'kin? Aaminin ko na nagustuhan ko ang halik nito. Nakakabaliw iyon at tila gugustuhin mong matikman araw-araw.

Pinalalim nito ang halik habang mahigpit ako nitong hinawakan sa beywang. Hindi ko mapigilang mapaungol nang marahan nitong kagatin ang ibabang labi ko.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon