Chapter 7

69K 2.5K 382
                                    

I really apologize for updating just now. There are changes in my life and I'm still adjusting so yeah, ina-adjust ko talaga sarili ko.😅😂 But I want to say thank you for patiently waiting for my update. Maraming salamat po. Kahit medyo may pagbabago, isa lang ang mapapangako ko, I'M NOT GONNA LEAVE YOU, guys.💞😍 Patuloy pa rin akong magsusulat para sa inyo.

And thank you also sa mga nag message sa akin at nagtanong if okay lang ba ako. Alam kong worried kayo, na-appreciate ko po ng sobra. I am totally fine. Nagka-lovelife lang si author kaya medyo nanahimik ako dito sa wattpad. Haha.

Anyways, I'm back! I love you all!💞🤗

Enjoy reading!😍

CHAPTER 7

"A-ANO BANG PINAGSASABI MO? Hindi kita maintindihan." Mahinang sambit ko at bahagyang napaatras nang makitang mas lalong dumilim ang mukha nito.

Inisang hakbang nito ang pagitan naming dalawa dahilan para mapahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko upang matakpan ang nakalitaw kong cleavage sa pamamagitan ng paghawak ko sa tuwalya na tanging tumatakip sa hubad at basa kong katawan.

"E-Ethan, p-puwede bang l-lumabas ka muna para-"

Tila nanigas ako sa kinakatayuan ko nang hinawi nito ang buhok na nakatabing sa mukha ko at kapagkuwan ay dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko, partikular ang peklat na dulot ng asidong ibinuhos sa mukha ko noon.

Napatitig ako sa guwapong mukha nito at napalunok nang mapansing umiigting ang panga nito habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglabas ng galit na ugat sa leeg nito at ang pagtalim ng mga mata nito.

Dahan-dahan ay bumaba ang daliri nito sa leeg ko at marahan nito iyong hinaplos.

Mariin itong pumikit at nang magmulat ng mga mata ay masuyo ako nitong tinignan.

"Tell me...When you're ready. Hindi kita pipilitin. Basta kapag handa ka na...lumapit ka lang sa'kin, Hanna. I beg you, sa akin ka lumapit. Sa akin lang." May pakiusap sa mga mata nito.

Napalunok ako at napatitig sa mga mata nito. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano nga ba ang sasabihin ko? Gusto kong magpadala sa sinasabi nito pero natatakot ako. Nakakatakot magtiwala. Minsan na akong nagtiwala noon pero ano ang nangyari? Tinraydor ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko ng husto.

"Iintindihin ko kung ayaw mong magsalita. Naiintindihan ko. Wala ako sa posisyon mo pero alam ko ang nararamdaman mo. I'm just telling you that you can trust me, Hanna. At pangako..." Tumiim ang bagang nito. ",isang salita lang mula sa'yo, kikilos ako para pagdusahin ang mga gumawa nito sa'yo." Pagkatapos ng mga katagang iyon ay dahan-dahan itong umatras nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Sinuyo ako nito ng tingin at kapagkuwan ay ngumiti.

"Nice to meet you again." He said in a low voice. "I promise not to let you out of my sight again. Someday, lalapit ka din sa'kin. At katulad ng sinabi ko, nandito lang ako, handa kang hilahin pataas. Tangina, I'm even willing to be your slave." After that, he left the room.

Tila nanghihinang napaupo ako sa maliit kong kama at napatingin ako sa nanginginig kong mga kamay. Tila naging blangko ang utak ko. Mariin akong pumikit at marahas na napabuntong-hininga.

Mariin kong naikuyom ang mga kamao. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga binitawan nitong salita pero bakit sa kailaliman ng puso ko ay ramdam kong nakatagpo ako ng kakampi sa katauhan ni Ethan? Pero ayokong madamay ito. Tahimik ang buhay nito at ayokong dalhin ito sa mapait at magulo kong mundo. Tama nang ako ang nagdurusa. Tama nang ganito ako.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon