Chapter 3

67.4K 2.4K 358
                                    

CHAPTER 3

"ARE YOU SURE you really want to resign?" My manager asked when I told him about my plan.

Tumango ako.

"Yes, Sir." Tugon ko.

Tumayo ito mula sa kinauupuan nito at lumapit sa'kin. Pasimple nitong hinawakan ang balikat ko at hinaplos iyon.

"Sigurado ka talaga? May lilipatan kang trabaho?" Tanong nito.

Bahagya akong nanigas sa panaka-nakang paghaplos nito sa braso ko. Mr. Serriano is the manager of San's cafe and he is also the owner.

"W-Wala pa, Sir. Pero makakahanap naman po ako ng ibang trabaho." Tugon ko at bahagyang umatras dahilan para mabitawan ako nito.

Hindi lang si Ethan ang dahilan kung bakit aalis ako dito sa cafe kundi pati na rin ang may-ari ng pinagtatrabauhan ko. Sa halos isang buwan ko dito ay napapansin ko ang malalagkit na tingin ng may-ari sa'kin at panay na paghawak nito sa kamay at beywang ko.

Tumitig ito sa'kin at pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

"Okay. Wala akong magagawa kung gusto mo nang umalis dito pero pag-isipan mo munang mabuti. I like you as my employee. Masipag ka at..." Muli ay pinasadahan nito ng tingin ang katawan ko. ",gusto kita." Patuloy nito.

Diretso ko itong tinignan sa mga mata.

"I'm sorry but I don't like you, Sir." Diretsong sambit ko.

Mahina lang itong natawa.

Akmang hahawakan ako nito nang may kumatok sa pinto. Pumasok ang isa sa mga kasamahan ko.

"Magtatrabaho na po ako." Paalam ko at dali-daling lumabas.

Nang tuluyang makalabas ay nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ng araw na ito ay hindi na ako papasok. Hindi na ako magpapasa ng resignation letter. Bahala na kahit hindi ko na makuha ang huling sahod ko kaysa naman patuloy akong manyakin ng boss ko.

Napabuntong hininga ako. Nag-umpisa akong magtrabaho. Maraming customers kaya hindi ko na masyadong namalayan ang oras.

Kasalukuyan kong kinukuha ang order ng isang customer nang maagaw ng dalawang lalaki ang atensyon ko. Kakapasok lang ng mga ito sa loob ng cafe at kaagad na pumuwesto sa bakanteng mesa.

Nakita ko si Ethan na lumingon sa paligid nito na tila may hinahanap. Ang kasama nito ay bahagyang pumikit na mukhang iidlip. Pamilyar ang kasama nito. Ito ang isa sa mga lalaking pumunta sa isla noon.

Patuloy ang paglingon ni Ethan sa paligid at kapagkuwan ay tumuon ang mga mata nito sa'kin. Bigla akong nailang sa klase ng pagtitig nito sa'kin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa lalaking customer na nasa harapan ko.

"Sir, what's your order?" I politely asked.

"Can I order you instead?" He ask and smirk.

Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko.

Tumikhim ako. Kahit nakatakip ang kalahati ng mukha ko ay naaagaw pa rin ng katawan ko ang atensyon ng iilang customers. It's true that I had a good shape.

Pero sa kabila ng magandang katawan ko ay ang nasunog kong balat. Kaya madalas ay pants at long sleeve ang suot ko para hindi iyon makita ng ibang tao.

"Your order please, Sir." Sambit ko, hindi pinansin ang tanong nito.

"Bastos ka pala, eh. Gusto ko 'yan." Anito at nakakalokong ngumisi.

Nakangisi pa rin ito habang sinasabi ang order nito at kaagad akong umalis. Habang hinihintay ang order ng customer ay nasulyapan ko si Ethan na ngayon ay seryoso nang nakikipag-usap sa kasama nito habang sumisimsim ng kape.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon