Chapter 5

71.4K 2.7K 610
                                    

CHAPTER 5

"CONGRATULATIONS for passing your training. Napakabilis mong matuto. You can start working here tomorrow." Nakangiting kinamayan ako ng may-ari ng Bliss Body Massage.

"Thank you, Miss Daisy. I promise to do well." Nakangiting sambit ko.

"I know. Ikaw ang pinakamagaling sa lahat ng mga nag train as a massage therapist. You told me that you have no experience as a massage therapist but you look expert on it." Papuri nito.

Nahihiyang napayuko ako.

"I trained once before Miss Daisy, hindi ko lang naipagpatuloy dahil nag-aral ako ng fashion desi-" Natigil ako sa pagsasalita nang mapagtantong muntik ko nang mabanggit ang nakaraan ko. Tumingin ako kay Miss Daisy. "I mean, tumigil po kasi ako sa pag-aaral." Patuloy ko.

Tumango-tango ito.

"Well, talented kang tao kahit hindi mo natapos ang pag-aaral mo. Congratulations again. Come to my office para makuha mo na ang uniform mo." Nakangiting sambit nito bago tumalikod.

Napangiti ako. Mabait si Miss Daisy. Sa loob ng isang buwan na nag training ako as a massage therapist, puro kabutihan ang pinapakita nito. I decided not to hide ng face anymore. Thankfully, tinanggap ako nito kahit ganito ang mukha ko. Parang magiliw pa nga ito sa akin dahil ang talented ko daw at mabait.

Sumunod ako sa opisina nito at kaagad nitong binigay ang uniform ko. She discussed my salary and my schedule. Sinama ako nito sa mga papasok ng gabi. Monthly daw ang change of schedule ng mga empleyado nito. Nag orient din ito tungkol sa mga customers nito.

Hindi basta-basta ang mga customers na pumapasok sa Bliss Body Massage. Karamihan ay mga may sinasabi sa buhay, mga pulitiko, negosyante, mga modelo at mga artista.

Nilagay ako ni Miss Daisy sa VIP's. Meaning, mga bigating customers talaga ang mga hahawakan ko. Medyo kinakabahan ako but she assured me na hindi nito hahayaang mabastos ako ng kahit na sino dahil mahigpit nito iyong pinagbabawal.

"Maraming salamat, Miss Daisy. Napakabait mo po." Sambit ko nang matapos kami sa pag-uusap.

"Mabait lang ako sa mga mababait." Natatawang sambit nito at tinignan akong mabuti. "You know, 'wag mong ikahiya ang mukha mo. Siguro kung hindi lang nasunog 'yang mukha mo kagaya ng sinabi mo sa'kin, siguro ay mas maganda ka pa sa'kin. Look at you, nakapakinis ng nakalitaw na balat mo, maputi ka at napakaganda din ng katawan mo. You just have to gain your confidence. Maganda ka, Hanna. Lalong-lalo na ang kalooban mo so I really look forward to work with you for so long." She sweetly smiled at me and tap my shoulder.

Nahihiyang ngumiti ako at kapagkuwan ay nagpaalam. Iniisip ko kung magta-taxi ako pauwi. 'Yong perang inipon ko mula sa cafe ay paubos na dahil nga isang buwan na akong walang trabaho. Ang tagal kong natutong tipirin ang sarili ko dahil kailangan. Minsan ay kakain akong isang beses sa isang araw. Ganoon kahirap ang buhay ko. At problema ko pa ang pambabayad ko sa may-ari ng inuupahan ko.

Hindi ganito ang buhay na nakasanayan ko. Malayong-malayo sa buhay ko noon pero dito ako natuto ng husto. Dito ko napagtanto kung gaano kahirap ang buhay ng mga simpleng tao. Masakit man na kinuha ang lahat sa'kin pero dapat pa rin akong magpasalamat sa Diyos dahil alam kong hindi ako Nito pinapabayaan sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko. God let me live and I should be thankful on that.

Ang Diyos na lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko sa mundong ito. Not anyone, not even Ethan. Yes, not that man.

Nangako itong babalik ito at ako namang si tanga ay umasa ng konti kahit alam kong mapapako iyon. Isang buwan na ang lumipas pero kahit anino nito ay hindi ko na makita. Sabagay, kaano-ano nga naman ako nito para balikan, hindi ba? Sino ba naman ako sa buhay nito? Siguradong naawa lang ito sa akin noon.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon