Chapter 32

71.3K 2.2K 217
                                    

Happy Weekends ! 💛

CHAPTER 32

I'm sorry. I made your daughter pregnant but I don't regret it. Please, give us your blessings. I also want to marry her...for a second time. I'm begging you and I am proposing right in front of you, asking for your daughter's hand.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa narinig dalawang araw na ang nakalipas mula sa lalaking pinakamamahal ko. Kaya pala nagkukumahog itong lumabas ng kuwarto. Hindi ko lubos maisip na luluhod ito sa harapan ng ama ko at hihingi ng pahintulot na pakasalan ako.

Pinipigilan ko ang pagngiti pero sa tuwing naaalala ko ang mga katagang iyon mula kay Ethan ay tila ako isang teenager na kilig na kilig. Sobrang saya ko. Napakasaya.

"Baby..." Nakangiting napapikit ako nang maramdaman ang masuyong yakap na iyon mula sa likod ko.

"Goodmorning." Bati ko.

He chuckled.

"I love you." Imbes na sagutin ang pagbati ko ay iyon ang itinugon nito.

Nagmulat ako ng mga mata. Ang kamay nito ay gumapang patungo sa tiyan ko.

"I love you both." Walang kasing-lambing ang boses nito.

Hinarap ko ito. Titig na titig ito sa mga mata ko nang magsalubong ang tingin namin. Sa klase ng titig nito ay tila ako ang pinakamagandang babaeng nakita nito sa buong buhay nito.

"Why are you looking at me like that?" Hindi ko mapigilang itanong.

He just smiled and gently caressed my cheek. He is caressing my scar on my face.

"Did I ever tell you how much I love you?"

Tumango ako.

"Ilang beses na." Nakangiting tugon ko.

"Ilang milyong beses kong sasabihin 'yan sa'yo." Anito habang hinahaplos pa rin ang nasunog na parte ng mukha ko.

"You are my most favorite view." He gently said.

"This ugly face is your most favorite view?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin.

Mahina lang itong natawa at hinawakan ang baba ko. Hinarap ako nito.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na 'wag na 'wag mong aalisin ang tingin sa'kin?" May bahid ng pakiusap sa boses nito.

"Dahil naiilang pa din ako kapag tinititigan mo ako." Tugon ko.

He gently cupped my face.

"Hanna, mahal kita. Ikaw man ang pinakamaganda o pinakapangit na babae sa mundong ito, mahal pa din kita. Hinding-hindi magbabago 'yon at mas lalong hinding-hindi mawawala. Wala akong pakialam sa hitsura mo. Kahit ano pang sabihin mo, kahit ano pang dahilan, mahal pa din kita. Hindi nag hitsura mo ang minahal ko, lagi mong tatandaan 'yan. Minahal kita sa kung ano ka. Tumibok ang puso ko dahil sa'yo." Masuyong pumulupot ang kamay nito sa bewang ko.

Ang mga katagang iyon ay tumagos ng husto sa puso ko. A man like this deserves the best.

Pumulupot ang mga kamay ko sa batok nito.

"Mahal din kita, Ethan. Mahal na mahal kita." Madamdaming sambit ko.

Ngumiti ito at basta na lamang akong binuhat sa bewang. Natagpuan ko ang sariling nakahiga sa kama habang ito ay nasa ibabaw ko.

"Malambot o matigas?" Pilyong tanong nito.

Mahina akong natawa.

"Matigas ka na." Tugon ko, ramdam ang matigas na sandata nito na tumatama sa puson ko.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon