Chapter 9

69.2K 2.4K 317
                                    

KEEP SAFE EVERYONE. STAY AT HOME AND PRAY. GOD BLESS US!🙏💞

CHAPTER 9

NAPALINGON ako sa katabi ko habang tahimik itong nagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong magsalita dahil sa nakikita kong kaseryosohan sa mukha nito.

Kanina pa kaming tahimik. Pagkatapos ng mga sinabi ko sa binata kanina ay bigla na lang itong nanahimik at kapagkuwan ay inalok akong ihatid sa tinitirhan ko.

Sinabi na rin nito na ito ang may-ari ng BBM na ikinagulat ko. And he wants me to go home to rest and he said that he'll take care of everything.

Nakarating na kami sa harap ng apartment ko nang walang nagsasalita ni isa sa amin. Iniisip ko kung ano ang nasa isip nito. Pagkatapos ng mga sinabi ko ay wala itong reaksyon. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang iniisip nito.

"S-Salamat sa paghatid." Mahinang sambit ko.

Nilingon ako nito at kapagkuwan ay dahan-dahang dumukwang at kinalas ang seat belt ko.

Nagtama ang mga mata namin at bahagya akong napalunok nang makitang mataman itong nakatitig sa mukha ko.

"T-Thank you ulit sa paghatid." Muling sambit ko.

Walang reaksyon mula sa binata. Sa halip ay patuloy lang itong nakatitig sa mukha ko.

Nakaramdam na ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin pero kaagad nitong nasapo ang baba ko at muling pinagtagpo ang mga mata namin.

"W-What are you doing?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Memorizing your face." He murmured.

"Why are you memorizing my face?" Mahinang tanong ko.

Nakita ko ang bahagyang pagdilim ng mga mata nito at ang pag-igting ng panga nito.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi nito. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig at pananayo ng balahibo.

The Ethan in front of me right now is not like Ethan that I used to know. Sa paningin ko ay tila naging misteryoso ito at tila nag-iba ang pagkatao.

Hinawakan nito ang kamay ko.

"Can you do me a favor?" He softly asked.

"What is it?"

Mataman itong tumitig sa mga mata ko.

"Kapag dumating ang araw na magiging iba ang trato ko sa'yo, puwede ko bang hingiin ang tiwala mo?" Napakaunot ang noo ko sa tanong nito.

"Hindi kita maintindihan." Naguguluhang sambit ko.

Umangat ang isang kamay nito at hinaplos ang buhok ko.

"Marami ka pang hindi alam tungkol sa'kin. Kapag dumating ang araw na tratuhin kita na parang hindi tayo magkakilala, sana 'wag kang magagalit. I want you to trust me. Can you do that, baby?" His voice is gentle.

Kahiy naguguluhan ay tumango ako. Ethan smiled and continued carressing my hair down to my cheek.

"I'm sorry. It must be very hard and painful to you." He murmured.

Napatitig ako sa mga mata nito. Hindi ko magawang basahin kung anong emosyon ang nakapaloob sa mga matang iyon.

"Why you're sorry? Yes, it's hard and painful but I survived." Hindi ko naitago ang pait at lungkot sa boses ko.

Napabuntong-hininga ito at sa hindi inaasahan ay hinalikan nito ang gilid ng labi ko.

"I'm here and I won't allow anyone to hurt you." He said when he pulled away from me.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon