OWNED BY KHALEX MONTENEGRO

By blacklydian_6

832K 26.9K 11.1K

Khaizer Alex Montenegro More

Reminder
OWNED BY KHALEX MONTENEGRO
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Notice
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Montenegro & Montemayor
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Kabanata 90
Kabanata 91
Kabanata 92
Kabanata 93
Kabanata 94
Kabanata 95
Kabanata 96

Kabanata 55

8.5K 231 148
By blacklydian_6

Kabanata 55

Pabi's Pov

"S-Sean"tawag ko sakaniya,bigla siyang huminto sa pag-iyak habang ang muka niya ay nakasubsob parin sa lapida ng girlfriend niya.

Bahagya akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang likod niya."U-umalis ka muna Pabi hehe"alam kong pilit niya akong pinapaalis para hindi ko makitang mahina siya.

"Sean nandito lang ako"mahinang bulong ko sakaniya."Wag mo kong ipagtabuyan please!hindi kita huhusgahan kung ayan ang iniisip mo"

"Sean hindi man tayo gaanong kaclose at alam kong alam mo na naiilang ako sayo dahil sa nangyari pero handa akong makinig sayo Sean"mahinahong sabi ko,hindi siya umimik at nanatiling nakasubsob sa lapida.

"Hindi mo rin kailangang pigilan ang hikbi mo!!naiintindihan ko kung iiyak ka at promise hindi ko sasabihin kahit kanino"sabi ko habang hinahaplos haplos ang likod niya,hindi siya umimik ng ilang segundo samantalang ako ay nakahanda lang sa kung anong sasabihin niya.

Hanggang sa bigla siyang humagulgol ng iyak at biglang napayakap sakin kaya nagulat ako pero binaliwala ko din agad yon."Okay lang yan Sean"pagko comfort ko sakaniya at tinapik tapik ang likod niya.

"Iiyak mo lang lahat nung sakit!!makakatulong yan para mailabas mo yung sakit sa puso mo"sabi ko kaya ganun nga ang ginawa niya,umiyak siya ng umiyak sa balikat ko habang ako ay awang awa sakaniya at pilit na hindi din umiyak kasi kung maririnig niyo yung iyak niya talagang masasaktan ka.

Ramdam na ramdam ko din ang pagkabasa ng balikat ko dahil duon nakabaon ang muka niya,akala ko masakit makita ang isang babaeng umiiyak dahil sa lalaki pero mas masakit palang makakita ng lalaking umiiyak dahil sa babae.Sobra sobra kasi sila kung magkimkim at hindi ganun kadali para sakanila ang ilabas ang emosyon nila.

"Pabi"humihikbing wika niya."Pagod na pagod na ko"mahinang bulong niya."Pagod na pagod na kong mabuhay"pumipiyok na wika niya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sakaniya.

"Sean!susko po!mahirap ang buhay pero wag na wag mong isipin na tapusin ang buhay mo"kinakabahang sabi ko at habang hinihimas himas ang likod niya.

"Sean!umayos ka ha"

"Nahihirapan na kasi ako..."paos na pagkakasabi niya."K-kasi hanggang ngayon hindi ko parin tanggap"

"Matagal na siyang patay pero hindi ko parin tanggap kasi hanggang ngayon mahal ko parin ko siya"tinunghay niya ang ulo niya at bahagyang tumalikod sakin para punasan ang muka niya gamit ang palad niya,narinig ko pa siyang suminghot singhot kaya kinuha ko ang pocket tissue ko sa bag at inabot sakaniya."Here!suminga ka"nakangiting sabi ko kaya kinuha niya iyon at tumalikod sa akin at suminga.

'Hinay hinay baka pati utak mo masinga mo na nyehehehe!'

"S-sorry"sabi niya nung humarap siya sakin,inabot niya sakin yung pocket tissue ko na nangalahati agad.

"For what?"takang tanong ko.

"For disturbing you and crying like a pussy in your shoulder"nakatungong sabi nito

"Nako naman Sean!wala na sakin yon!okay lang kahit umiyak ka sakin kasi naiintindihan ko naman na nasasaktan ka kaya ka naiyak"

"Sana wag mong sabihin sa mga kapatid mo yung nakita mo"aniya agad naman akong tumango at nagthumbs-up dun ko naalala nung nakita ko siyang umiiyak sa may sanga ng puno habang naninigarilyo.

"Teka nga!isang beses kasi nakita kita sa may sanga ng puno dun sa school naiyak ka non tapos naninigarilyo?!anong nangyari sayo noon?"puno ng kuryosidad na sabi ko.

"Ah!that"mahina siyang natawa at bumalik ang lungkot sa muka at mata niya."That day was Princess' first death anniversary"malungkot na sabi niya at hinaplos ang lapida nung girlfriend niya.

"Alam kong hindi siya natutuwa sa ginagawa ko ngayon sa sarili ko"bumuntong hininga siya."Pero gusto ko na siyang kalimutan kasi napapagod na ko kapag nanatili pa siya dito sa puso ko"

"Bakit hindi mo subukang mahalin si Sephora?!"pagpapayo ko sakaniya pero ngumiwi lang siya.

"Matagal ko na siyang nakikitang nakatingin sakin,matagal ko na ring alam na may nararamdaman siya sakin pero hindi ko siya kayang mahalin Pabi hindi ko alam kung bakit"malungkot paring sabi niya kaya pati ako ay nalungkot din

"Kahit konti?!"

"Hindi ko alam basta ang alam ko si Princess parin ang mahal ko"matamlay na sabi niya,saglit kaming natahimik kaya tinignan ko siya na nakatingin sa lapida nung girlfriend niya.

"Pwedeng magtanong?"agad naman siyang tumingin sakin at pinunasan ang gilid ng mata niya.

"Ano yon?"pilit ngiting tanong niya.

"Paano siya namatay?!bakit?"nagtatakang tanong ko.

"I knew you'll gonna ask that"

"But if you don't want to it's fine"

"Hindi..okay lang!alam kong napagkakatiwalaan ka naman"tipid ang ngiting sabi niya,malalim na bumuntong hininga siya."Saan ba ko magsisimula"sinuklay niya ang daliri niya sa buhok niya.

"Okay naman na ang lahat samin ni Princess 'eh!parang hinihintay nalang namin na makagraduate kami para makapagpakasal kami"nakatingalang sabi niya habang nakangiti.

"Matalik na magkaibigan kami lagi kasi kaming napunta nila mommy sa bahay nila kasi friend ni mommy yung mommy ni Princess kaya naging magbestfriend kami,nung unang beses ko palang siyang nakita naramdaman ko yung kakaibang kilig sa puso ko para nga siyang nag-iislowmotion sa paningin ko habang nakangiti siya sakin"

"Napaka cute niya noon,ang chubby niya pa tapos laging nakaladlad ang kulot niyang buhok.Basta parang nainlove na ko sakaniya noon kaya lagi kong niyaya pumunta si mommy sa bahay nila"masayang sabi niya.

"Naging close kami hanggang elementary pati highschool,nagkagusto si Evan sakaniya kaya sinimulan ko nang ligawan si Princess at pinagtapat yung matagal ko ng kinikimkim nagulat pa ko non ng sabihin niya na mahal din daw niya ako"

"Napakasaya!!hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko sa mga nakalipas na araw na naging kami napakamaalaga,maaalalahanin,napakamagmahal,lagi siyang nakayapos sakin at paulit ulit niyang sinasabi kung gaano ako kamahal kaya sinabi ko sa sarili ko na 'hindi ko na papakawalan yung gantong klaseng babae' kahit malayo pa ay bumili ako ng engagement ring para pag graduate namin ng college magpapakasal na agad kami at bubuo ng masayang pamilya"ang masayang muka ni Sean ay unti unting nawala,napatungo siya at napapikit.

"Akala ko okay na ang lahat,i thought sumasang-ayon sakin ang kapalaran but i'm wrong hah!"may tumulong butil ng luha sa mata niya."Habang nakasakay kami sa kotse ko,pupunta kasi kaming mall para magdate pinilit ko siya noon kasi gusto kong manood kami nung bagong labas na movie kahit sinabi niyang ayaw niya dahil pakiramdam niya daw ay may masamang mangyayari pero dahil ako tong si makulit pinilit ko parin siya hanggang sa pumayag siya"tumingala siya habang hinahayaang dumausdos pababa ang luha sa mata niya,pinunasan ko ang luha sa mata ko at pinigilan ang hikbi parang alam ko na kasi ang mangyayari.

"Habang nagdadrive ako ay sumusulyap sulyap ako sakaniya na nagcecellphone tumingin siya sakin at ngumiti ng malapad duon bumilis ang tibok ng puso ko kaya ngumiti din ako,parang islowmo lahat sa paningin ko..yung dahan dahang pagtingin niya sa kalsada at ang panlalaki ng mata niya"

"Tumingin din ako at nakita kong babangga kami sa isa pang kotse na mabilis magpatakbo agad akong niyakap ni Princess at binulong na 'i-i love you'"humikbi si Sean kaya hindi ko mapigilang humikbi habang nakatakip ang muka ko ng palad ko.

"T-tapos nandilim nalang bigla lahat p-paggising ko nalaman ko na na coma ako ng isang buwan tapos si P-Princess?!p-patay na siya"mas lumakas yung iyak niya kaya tinaggal ko yung palad ko sa muka ko at niyakap siya."S-Shhh naiiyak din ako"pagpapatahan ko.

"K-kahit hindi pa ko gaanong nakakarecover ay nagpumilit akong pumunta dito,kahit naulan p-pinilit kong hukayin si P-Princess kasi h-hindi ako naniniwala!buhay pa yung mahal ko!"sana pala hindi ko nalang siya pinagkwento para siyang mamatay kakahikbi pero hindi ko parin maiwasang hindi sumakit ang puso ko habang pinapanood siyang umiyak.

"Tahan na Sean please"sabi ko at hinaplos haplos ang likod niya,kinuha ko yung water bottle sa bag ko at pinainom sakaniya."Shh Sean tama na"sabi ko habang pinapainom siya ng tubig at hinahaplos haplos ang likod niya.

"Tama na hmm!Sean tama na"mahinahong sabi ko,ilang minuto din ang magdaan bago siya kumalma at tumigil sa pag-iyak.

"Okay ka na?!"tanong ko sakaniya,matamlay na tumango siya hindi na ko nagsalita at tinignan siya na mugtong mugto ang mata habang nakatingin sa lapida ni Princess.

"Thank you for comforting me"sabi ni Sean na hindi tumitingin sakin.

"Hmm your always welcome"magiliw na sabi ko,narinig ko siyang bumuntong hininga."I hate crying but i can't stop my emotion damn it"inis na sabi niya at tumingin sakin

"Alam mo mas mabuti nga yung umiiyak ka kasi nailalabas mo yung lahat ng sakit na nararamdaman mo sa puso atsaka hindi naman masama ang umiyak at kailanman ay hindi kabadingan para sakin kung naiyak ang lalaki para sakin katapangan yon"nataas taas ang kilay na sabi ko

"Bat ang galing mong mag-advice ano?!parang gumaan yung pakiramdam ko,wala kasi akong mapaglabasan nito e"nakangiting sabi niya.

"Ate ako kaya sanay akong magbigay ng advice lalo na kay Kei pero wag kang mag-alinlangang mag open sakin pakikinggan kita ako bahala"nakangiting sabi ko,tumayo siya at nilahad ang kamay niya.

"Friends?"nakangiting tanong niya,malapad na ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya kaya tinulungan niya akong tumayo."Friends"

"Bibigyan mo ko ng pera pamparenovate sa bahay namin"biro niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay ko.

"Unfriend"

"Joke lang hehe"

"Wag mo na kasing ipaalala yun okay?"

"Sige na nga"nakangiwing sabi niya."Pero kahit yung pagswing mo sa chandelier namin?"nakangiting biro niya.

"Se-an!!!!"inis na sabi ko kaya tumawa siya samantalang ako ay nakasimangot.

"Geh tawa"

"Ang cute mong magalit"nanggigigil na sabi niya at pinisil ang magkabilang pisngi ko."Kingina namana oh"iritang sabi ko at inalis ang kamay niya sa pisngi ko.

"Tara na baka hinahanap ka na ng mga kapatid mo"sabi niya at inakbayan ako,tumingin siya dun sa lapida.

"Mahal balik ako bukas ah *muwaaahh*"sabi ni Sean at nagflying kiss pa sa lapida.

"Parang kanina lang halos magwala ka na kakaiyak ngayon naman parang okay na okay ka na ah"

"Syempre nasabi ko kasi sa ibang tao yung kinikimkim ko tapos nagbigay ka pa ng advice kaya feeling ko gumaan yung pakiramdam ko at parang nawala yung negative thoughts sa isip ko"

"Hmm ikaw tropa naman tayo 'eh wag mo lang ipapaalala ang nakaraan---ouch"napahawak ako sa talukap ng mata ko ng mapuwing ako.

"Pahipan bilis!bilis!"sabi ko at humarap sakaniya,hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nilapit ang muka niya para hipan yung mata ko.

"A-ayan okay na"sabi ko at pinikit pikit ang mata ko."Ayan wala na hehe"nakangiting sabi ko at tinignan siya na nakatingin sakin habang nakahawak parin sa magkabilang pisngi ko

"Kaya naman pala gusto ka nila...i understand now"natango tangong sabi niya.

"Huh?"yung lalaki ba na nagbigay ng letter?yung lalaki bang binabanggit ni Kei?!sino ba?

"Wala tara na...kaya ka maraming boy bestfriend napakabait mo kasi plus maganda plus sexy kaso nagwawala pag nalalasing"

"Tsh!naman oh"inis na sabi ko at sinuntok ang balikat niya."Araaaay"daing niya

"Ayan pa!nung naka filipiñana kayo ang astig mo noon nung sinuntok mo yung lalaki hehe"

"Wala naman akong balak pumatol 'eh!pero alam kong kung si Kei ang papatol sakaniya mas masasaktan siya"nakangiwing sabi ko kaya napangiwi din siya.

"Parehas kami nun 'eh"

"Oo parehas hambog"

"Bukod dun hehe..parehas kaming iniwan kaso yung sakin namatay yung sakaniya nanloko at nagpakasal sa iba"

Bigla akong nalungkot."Kaya nga nagbago si Kei eh!pero okay lang akong bahala sakaniya hindi ko hahayaang magpakatanga pa siya duon sa Helainn na yon"

"Kilala mo si Helainn?"

"Oo naman!nag-open na sakin si Kei at talagang awang awa ako sakaniya pero past is past wag lang magpapakita sakin yung hinayupak na Helainn na yun ah!ah! maghahalo ang balat sa tinalupan"

Nakita kong ngumiti siya kaya tinignan ko siya."Napakaswerte naman ni Kei dahil may ate siyang mapagmahal...sana all"

"Bakit puro lalaki lang ba kayo sa bahay?"

"Oo 'eh!nag rerebelde pa yung panganay hindi din kami gaanong close nila Kuya parang si Laurenx lang nga ang close ko sakanila"bumuntong hininga siya.

"Okay lang yan!atleast may kaibigan ka ng maasahan ngayon diba?"nakangiting tanong ko,ngumiti siya at muli akong inakbayan.

"Hmm tumpak"

"Para kang bakla HAHAHA"sabi ko at hinampas ang dibdib niya.

"Tara na nga umuwi na tayo"

"Wala kang kotse?"

"Simula kasi nung namatay siya at nangyari yung car accident hindi nako nagmaneho ng kotse"sabi niya kaya napa-awww nalang ako.

"Pero nagmo-motor ako"aniya at kinuha ang susi sa bulsa niya at nilapitan yung Ducati na nakaparada sa may tabi ng poste,sumakay na siya at isinalpak yung susi.

"Hop in"sabi niya kaya ayon ang ginawa ko,pagkasakay ko palang ay inabot niya sakin yung helmet niya."Baka mapahamak ka papatayin ako ng mga kapatid mo"nakangiwing sabi niya kaya tinanggap ko yon at sinuot.

Nagmaneho siya habang ako ay tinuturo sakaniya yung dereksyon papunta sa bahay namin.

K I N A B U K A S A N....

Kei's Pov

"Hindi ka na umuwi iniwan mo si Pabi mag-isa!"inis na sabi ko kay Khalex na kakagising lang,napasapo siya sa ulo niya at kinuha ang cellphone niya sa upuan.

"F-ck!alas sais na ng umaga?"inis na sabi niya."Sabi ko na dapat hindi ako nakipag-inom sayong hayop ka"sabi niya at umupo habang nakahawak sa magkabilang ulo niya.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Evan at sa mismong kwarto niya kami natulog kasama si Tasher,hindi namin mahanap si Sean kaya kami nalang apat ang nag-inuman pagkatapos naming magpractice ng basketball kasama ang buong team.

Nag-unat unat ako at humikab."Tatawagan ko nga"sabi ko at dinial yung number niya,naka ilang ring pa muna bago niya sagutin.

"Hello?"paos ang boses na sabi niya."Sino to?"

"Ah Pabi si Kei 'toh"sabi ko,tinignan ako ni Khalex kaya ini loud speaker ko yung phone.

"Ahh ikaw pala!nasaan yung magaling mong kakambal?"inis na tanong nito."Parehas kayong magaling ano!ikaw na babaero tapos yang kakambal mo na hindi umuwi magaling kayong mga kupal kayo"iritang sabi niya kaya napabuntong hininga ako.

"Sorry na nga kasi Pabi.."

"Bahala ka sa buhay mo...nasaan si Khalex?"

"Nandito kami sa bahay ni Evan,hindi siya nakauwi kasi parehas kaming lasing at nakatulog dito sa bahay nila"

"Ahh ganon ba?"she paused."Okay lang kasama ko naman si Sean e"pagkasabi niya nun ay napatayo si Khalex at sabay na napabangon sila Tasher at Evan.

"A-ano?"nauutal na tanong ko

"Kasama ko kamo si Sean!grabe ang saya niyang kasama,naglaro kami tapos nag pillow fight hehe ang sarap din niyang magluto grabe"napatingin ako kila Khalex na mukang nakikinig.

"W-wala ba kayong ginawang iba?"kinakabahang tanong ko.

"Anong iba?"

"Y-yung parang...hindi!hindi!magkatabi ba kayong natulog?"napahawak ako sa dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya.

"Hindi,nandun siya sa sala sobra kaming napagod kasi pinasaya ko siya"

"ANONG PINASAYA?!"gulat na sigaw ko,napahawak si Evan sa balikat ni Khalex habang ang isa naman ay nakahawak sa bibig niya.

"A-Araaay naman ang sakit"inis na reklamo niya."Malungkot kasi siya!kinuwento niya yung girlfriend niya e sobrang lungkot niya parin kaya pinasaya ko siya at nilibang para hindi na siya malungkot..bakit iba iniisip mong kingina ka?!"inis na sabi niya kaya natahimik ako at tumingin kila Evan na nakangiwi.

"K-kasi syempre kayong dalawa lang malay ko ba"nakangusong sabi ko.

"Hoy matinong tao ako atsaka hindi gagawin sakin yun ni pareng Sean friends kami 'eh"

"Friends?!kailan pa?"

"Kahapon nakita ko kasi siya----tangina ang baho---Hello Kitty bakit ka tumae diyan?!what the f-ck!!naman oh!ang baho"reklamo niya.

"Gonna end this call shit ang baho *toot*"napaupo ako sa sofa.

"Anong ginagawa nung gagong yun sa bahay?"tanong ko at tumingin kay Khalex na walang emosyon ang muka.

"Tanong paano niya nalaman ang bahay na yon?"nakangiwing sabi ni Evan.

"Why do i feel something bad will happen?"seryosong tanong ni Tasher.

Habang nilalamon kami ng matinding katahimikan ay bumukas yung pinto nang kwarto ni Evan."Kuya kakain na daw"sabi niya,nagulat pa siya ng makita kami.

"Himala hindi niyo kasama si kurimaw na kinababaliwan ng kaibigan ko"nakangising sabi niya."Tanginang pagdadrama"bulong niya at umalis na.

"Tara na kumain na tayo"sabi ni Evan na nagpauna na palabas agad naman kaming sumunod,pansin ko ang well alam kong tahimik naman talaga si kambal pero parang may mabigat na aura ang nakabalot sakaniya.

"Do you have f-cking pain med?"walang emosyong tanong nito miski ang boses niya ay parang walang ka buhay buhay.

"A-Ahh oo kukuha kita mamaya"sabi ni Evan at tumabi saakin."Ang weird nanaman ng kambal mo"bulong niya kaya tumingin ako kay Khalex,hindi ko alam pero may kakaiba talaga sakaniya.

Pero binaliwala ko nalang iyon."Goodmorning boys"sabi ni Mr.Leondale na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.

"Goodmorning po tito"mag-isang bati ko,tumingin siya samin.

"Nasaan si Sean?!"

"Wala po 'eh"sabi ko at umupo na sa upuan nila.

"Pakain po ah"sabi ko at kumuha ng kutsara,umupo din sila Tasher.

"Khalex?"tawag ni tito kay Khalex na napakaseryoso ng muka.

"What?!"iritang tanong ni Khalex kaya mahinang hinampas ko ang balikat niya.

"Is he in the bad mood?"tanong ni Tito at sumimsim ng kape.

"Suddenly"sabi ni Evan at kumuha ng toast bread.

"Hmm just like his father"iiling iling na sabi ni Tito at tumingin sa anak niya.

"Evan,pag-igihan niyo sa sportsfest mababa na ang grades mo kaya pag-igihan mo nalang diyan sa larangang yan i want you to be MVP"sabi ni Tito kaya mayabang na tumango si Evan.

"Peace of cake!kayang kaya ko yan"

"Ang yabang mo nanaman"nakangiwing sabi ni Everly na nagbubuklat ng magazine.

"Wala kang pakeelam"

"Tss matalo ka sana"pang-aasar ni Everly.

"Napakasama ng ugali mo"inis na sabi ni Evan at nakaamba ang kamay niya.

"Daddy si Kuya sasaktan ako!"pagsusumbong niya kay tito.

"Evan!!"

"Bleeehh!mas mahal ako ni daddy kaysa sayo ang pangit mo kasi"pang-aasar ni Everly.

"Tangina ka"

"Hala daddy minumura ako 'oh"

"Wag ka ngang parang bata umasta pag nasa school ka daig mo pa siga"

"Pero daddy nagmura siya,minura niya yung baby mo"

"Evan!Everly tumigil na kayo may mga bisita kayo"sabi iyon nung Manang nila na dala dala ang mga kakainin ko.

"Eh Manang Glo inaaway ako ni Kuya"

"Tumigil ka nga kayo"suway ni Manang Glo at nilapag ang mga pagkain.

"Magandang umaga manang ganda mas maganda pa kayo sa umaga"pambobola ko kay Manang.

"Aba naman Kei?!"gulat na sabi niya at tumingin kay Khalex."Abay hindi ko kayo matutukoy kung hindi ka nagsalita,abay ang inyong buhok ang aking tinitignan e dahil kayoy magkamukang magkamuka talaga"

"Mas gumwapo ako diba manang?"nataas taas ang kilay na sabi ko.

"Wala ka paring pinagbago napakahangin mo parin"tatawa tawang sabi niya kaya ngumuso ako.

"Manang naman seryoso kaya ako bakit di ba ko gwapo?"nakangusong tanong ko.

"Gwapo ka namang tunay!napakaputi mo pa,napakatangos ng iyong ilong at napakaganda ng mata mo kaso nga laang ay ikay mahangin,hindi gugustuhin ng mga babae ang ganyang sobrang mahangin"

"Manang naman e nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko"

"Nako tumigil ka na at kumain"sabi nito at ginulo gulo ang buhok ko."Abay wala ang kasama mo sa kalokohan si ano nga iyon si Sean"

"Kasama po daw nung kapatid ko"

"Ano bang itsura niyang kapatid mo,akoy naniniwalang magandang babae yan"

"Sobra manang"singit ni Everly."Bestfriend ko yon"

"Ganoon ba?!abay patingin nga ng itsura"sabi niya kaya nilabas ko yung phone ko at hinanap yung picture niya,wala siyang matinong picture sa cellphone ko dahil puro stolen at tulog siya kaya pinakita ko nalang yung family picture namin.

"Eto po si bunso si Kairen po tapos eto si Pabi,Phoebe Alisha ang buong pangalan"

"Abay anong ganda naman ng iyong mga kapatid ng babae!itong bunso niyo ay napakaamo ng muka tapos eto namang Pabi---abay napakaganda nga!mukang artistahin"manghang sabi ni Manang.

"At eto naman ay ang iyong ina na si Lexi Montenegro at ang iyong ama na si Kaizer Montenegro"sabi niya at tinuro sila mommy at daddy."Talaga ngang magaganda at gwapo ang magiging anak,nako napakaganda talaga nitong Pabi siguro at habulin ito ng mga lalaki"

"Ay sobra po manang!madami pong nagkakagusto sakaniya sa school pero deadma niya lang lagi study first 'eh!"

"Aba naman!hindi ba ito nagkanobyo?"

"Hindi ko po alam eh!pero may duda ako na may boyfriend yan,lagi pong napunta sa library dati minsan nakita kong may kasama siya pero hindi ko kilala tapos ang sweet nila i don't know o baka bestfriend niya lang pero iba yung kislap sa mata niya e"kuwento ni Everly,narinig ko ang malalim na paghinga ni Khalex.Parang isang hawak ko lang sakaniya magwawala na siya,para siyang sasabog na hindi ko alam.

"Hindi rin imposible abay napakagandang bata 'eh!"tinignan ko ang reaksyon ni Khalex at inaamin kong kinakabahan na ko sa paganyan ganyan niya.

Fast Forward...

Sabay na kaming pumasok ni Khalex nakisakay siya sa kotse ko,umuwi kami sa bahay kahit bawal siya at swerte nalang at walang tao maliban kala Ate Jenny pero secret lang namin yon at sa iba pang maid.

"Ayos ka lang ba talaga Khalex?"tanong ko sakaniya,nakalagay ang siko niya sa may bintana habang naninigarilyo.

"Stop talking"seryosong sabi niya kata hindi na ko umimik at minaneho papasok sa LSA yung kotse ko,as usual hindi parin nawawala ang mga tilian kasi nga napakagwapo ko kasi...haysst minsan nakakapagod na ding maging gwapo e.

Pagkababa namin ay pinagkaguluhan kami ng mga babae pero wala akong oras na i entertain sila dahil iniisip ko si Khalex dahil baka mamaya bigla siyang magwala.

"You here the news?"

"What"

"Sean and Pabi are official"

"Whaaat?!"

"I'm Seanphora pa naman pero pwede din sila"

"Deadma naman ni fafa Sean si Sephora e"

"Support nalang natin sila ang sweet kaya nila sa picture"

"Hindi ba parang ang landi naman ni Pabi kung sinulot niya si Sean kay Sephora"

"Oo nga noh?!oh my god"

"Look magkasabay sila"

Sabay kaming napatingin ni Khalex sa gate at nakita naming sabay na naglalakad si Sean at Pabi habang nagkakatuwaan.

"Bro!bro!tignan niyo 'toh"sabi ni Evan na hinihingal na tumakbo papalapit samin."Tignan mo kalat na sa school yung picture nila Pabi at Sean sa sementeryo"sabi ni Evan agad kinuha ni Khalex yung phone ni Evan at tinignan iyon kaya tinignan ko rin.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Pabi at Sean sa sementeryo merong nakayapos si Sean kay Pabi,meron namang si Pabi yung nakayapos sakaniya,meron ding magkaakbay silang dalawa at....hawak hawak ni Sean ang magkabilang pisngi ni Pabi na parang hahalikan ito.

Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat ni Khalex na parang nabagsakan siya ng mundo.

Nakaramdam ako ng galit kaya tinignan ko si Sean.hayop ka!!kapatid ko pa kakantihin mong tarantado ka

"F-f-ck"mahinang mura ni Khalex,ang malungkot na muka niya ay napalitan ng seryosong muka hanggang sa unti unting magsalubong ang kilay niya,namumula ang muka niya,nakayukom ang kamao niya at umiigting ang panga niya.Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan at sobrang sama ng kutob ko.

Sa isang iglap ay padabog siyang naglakad palapit kila Sean at maya maya lang ay malakas na sinuntok ni Khalex si Sean kaya parang nabingi ako sa katahimikan.

"Sean!Sean!ANO BANG PROBLEMA MO!"galit na sigaw ni Pabi habang inaalalayang tumayo si Sean parang napako ako sa kinatatayuan ko at tila lahat ng tao ay nakatingin sakanila.

"Araaaay"daing ni Sean habang nakahawak sa pisngi niya,dumura siya ng dugo kaya kitang kita ko ang pag-aalala sa muka ni Pabi.

"Sean!okay ka lang?!my god!"nag-aalalang sabi ni Pabi at pinaharap sakaniya si Sean."How are you feeling?!"biglang hinigit ni Khalex ang braso ni Pabi kaya napadaing ito.

'shit umawat ka Keiren'

"BITAWAN MO NGA AKO!!TANGINA!!BAKIT GINAWA MO YON KAY SEAN HAH"galit talagang sigaw ni Pabi.

Nabigla kaming lahat ng biglang pumasok sa eksena si Sephora kasunod si Everly na pilit inaawat si Sephora hanggang sa malakas na sampalin ni Sephora si Pabi kaya naalarma ako ng mapaupo si Pabi.

"AHAS KADIN ANO?!"galit pero sarkastikong sabi ni Sephora."HOW DARE YOU!YOU'RE MY FRIEND!!ALAM MONG GUSTONG GUSTO KO SI SEAN TAPOS ANO KAYO NA PALANG DALAWA?!NAPAKA AHAS MO!YOU'RE A SLUT"naiiyak na sigaw ni Sephora habang sinisipa sipa si Pabi,agad akong tumakbo at tumulong sa pag-awat sakanila.

-Heyyooww sorry ngayon lang ako mag-uupdate sa mga wrong spelling at grammar sensya na hindi ko na ieedit gagawa pa ko ng assignment e

Thank you kay @sexy_middle for the book cover hehe love you baby ghorl

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.6M 97.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...