Kabanata 55

8.5K 230 148
                                    

Kabanata 55

Pabi's Pov

"S-Sean"tawag ko sakaniya,bigla siyang huminto sa pag-iyak habang ang muka niya ay nakasubsob parin sa lapida ng girlfriend niya.

Bahagya akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang likod niya."U-umalis ka muna Pabi hehe"alam kong pilit niya akong pinapaalis para hindi ko makitang mahina siya.

"Sean nandito lang ako"mahinang bulong ko sakaniya."Wag mo kong ipagtabuyan please!hindi kita huhusgahan kung ayan ang iniisip mo"

"Sean hindi man tayo gaanong kaclose at alam kong alam mo na naiilang ako sayo dahil sa nangyari pero handa akong makinig sayo Sean"mahinahong sabi ko,hindi siya umimik at nanatiling nakasubsob sa lapida.

"Hindi mo rin kailangang pigilan ang hikbi mo!!naiintindihan ko kung iiyak ka at promise hindi ko sasabihin kahit kanino"sabi ko habang hinahaplos haplos ang likod niya,hindi siya umimik ng ilang segundo samantalang ako ay nakahanda lang sa kung anong sasabihin niya.

Hanggang sa bigla siyang humagulgol ng iyak at biglang napayakap sakin kaya nagulat ako pero binaliwala ko din agad yon."Okay lang yan Sean"pagko comfort ko sakaniya at tinapik tapik ang likod niya.

"Iiyak mo lang lahat nung sakit!!makakatulong yan para mailabas mo yung sakit sa puso mo"sabi ko kaya ganun nga ang ginawa niya,umiyak siya ng umiyak sa balikat ko habang ako ay awang awa sakaniya at pilit na hindi din umiyak kasi kung maririnig niyo yung iyak niya talagang masasaktan ka.

Ramdam na ramdam ko din ang pagkabasa ng balikat ko dahil duon nakabaon ang muka niya,akala ko masakit makita ang isang babaeng umiiyak dahil sa lalaki pero mas masakit palang makakita ng lalaking umiiyak dahil sa babae.Sobra sobra kasi sila kung magkimkim at hindi ganun kadali para sakanila ang ilabas ang emosyon nila.

"Pabi"humihikbing wika niya."Pagod na pagod na ko"mahinang bulong niya."Pagod na pagod na kong mabuhay"pumipiyok na wika niya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sakaniya.

"Sean!susko po!mahirap ang buhay pero wag na wag mong isipin na tapusin ang buhay mo"kinakabahang sabi ko at habang hinihimas himas ang likod niya.

"Sean!umayos ka ha"

"Nahihirapan na kasi ako..."paos na pagkakasabi niya."K-kasi hanggang ngayon hindi ko parin tanggap"

"Matagal na siyang patay pero hindi ko parin tanggap kasi hanggang ngayon mahal ko parin ko siya"tinunghay niya ang ulo niya at bahagyang tumalikod sakin para punasan ang muka niya gamit ang palad niya,narinig ko pa siyang suminghot singhot kaya kinuha ko ang pocket tissue ko sa bag at inabot sakaniya."Here!suminga ka"nakangiting sabi ko kaya kinuha niya iyon at tumalikod sa akin at suminga.

'Hinay hinay baka pati utak mo masinga mo na nyehehehe!'

"S-sorry"sabi niya nung humarap siya sakin,inabot niya sakin yung pocket tissue ko na nangalahati agad.

"For what?"takang tanong ko.

"For disturbing you and crying like a pussy in your shoulder"nakatungong sabi nito

"Nako naman Sean!wala na sakin yon!okay lang kahit umiyak ka sakin kasi naiintindihan ko naman na nasasaktan ka kaya ka naiyak"

"Sana wag mong sabihin sa mga kapatid mo yung nakita mo"aniya agad naman akong tumango at nagthumbs-up dun ko naalala nung nakita ko siyang umiiyak sa may sanga ng puno habang naninigarilyo.

"Teka nga!isang beses kasi nakita kita sa may sanga ng puno dun sa school naiyak ka non tapos naninigarilyo?!anong nangyari sayo noon?"puno ng kuryosidad na sabi ko.

"Ah!that"mahina siyang natawa at bumalik ang lungkot sa muka at mata niya."That day was Princess' first death anniversary"malungkot na sabi niya at hinaplos ang lapida nung girlfriend niya.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now