Kabanata 45

7.7K 238 57
                                    

Kabanata 45

Pabi's Pov

"Sa gaganaping sports fest"tamad na sabi ni Sir Rex,halatang atat na atat ang mga classmates ko syempre walang klase nun eh.

"Syempre bukod sa sports like basketball,volleyball,tennis,gymnastic,soccer,baseball,taekwondo at iba pang sports naisipan ng MaPEH department na isali ang dancing and.."agad akong napatunghay ng mapansin kong nakatingin sakin yung row ni Khalex ganun din si Sephora at Everly.

"..Singing contest..ngayon sinong may kakilala sainyo na may talent sa pagsayaw at pagkanta?"tanong ni Sir Rex nagtaasan naman ng kamay yung ibang classmates ko samantalang ako ay pinaglalaruan lang yung ballpen na hawak ko.

"Hindi biro ang isang 'toh!bukod sa board members ang ilang judge meron ding sikat na tao ang pupunta dun lalo na sa singing contest"patuloy ni Sir Rex.

"Yung mga interesado sa dance contest pwede kayong pumunta sa Gym mamaya pwedeng solo,duo,trio or as a group"naglakad lakad sa unahan si Sir Rex.

"Pero yung interesado sa singing contest..pakakantahin ko dito sa unahan para malaman ko kung karapat dapat ba talaga kitang isali"sabi ni Sir at umupo sa side ng lamesa."Ngayon sinong interesadong sumali sa singing contest"

'Jahe!wag na wag niyo kong subukan Kei'

Pakiramdam ko ay namamasa ang kamay ko sa katotohanang makapal ang muka at malakas ang trip ni Kei baka mamaya isali niya ko bigla.

"Alam ko may premyo yun"dagdag ni Sir,tinignan ko yung iba kong classmates na nagtaas ng kamay.

"Sir ako po"si Kiara na dali daling tumayo,ganun din si Justin,Glia at si Zsa Zsa?what the heck?!

"I'm not into the price gusto ko lang ilabas ang hidden talent ko sa pagkanta"maarteng sabi ni Zsa Zsa,isa isa na silang pinakanta merong trying hard merong magaling merong sintunado.

"Ano ba yan!wala ba kayong maipagmamalaki sa section niyo??sa section niyo ako umaasa ng pambato"medyo inis na tanong ni Sir Rex.

"Pero sir!yung boses ko okay naman ah"maarteng sabi ni Zsa Zsa.

"Yah!i know you can sing but that was not enough..i want someone who can give me goosebumps..gusto ko yung magaling..marami ngang magaling kumanta,maganda ang boses pero ang gusto ko yung magalibg na magaling at sobrang ganda ng boses"seryosong sabi ni Sir Rex,naiyukom ko ang kamao ko ng makita kong tinititigan ako ni Kei,Sean at Evan.

Hanggang sa..

"Sir!"biglang tinaas ni Kei ang kamay niya kaya sakaniya napunta ang atensyon ng lahat.

"Yes Mr.Montenegro?"nakangiting tanong ni Sir Rex."May kilala po akong magaling kumanta!for sure masasatisfy yang gusto niyo"taas noong sabi ni Kei.

"Sino naman siya?!"tanong ni Sir Rex.

"Sir hindi ko sinasabing kapatid ko siya...pero parang ganun na nga"mayabang na sabi niya kaya sakin napunta lahat ng mata nila.

"Ms.Briones?"tawag sakin ni Sir Rex,kinakabahang tumayo ako..nagsisimula ng mangatog ang kamay at tuhod ko.

"Y-yes sir"nakatungong sabi ko.

"Sing for us please"nakangiting sabi ni Sir Rex.

"B-but i don't sing po"nauutal na sabi ko at tinignan ng masama si Kei na nakahalukipkip.

"Kahit konti lang parinig nung boses mo"pamimilit ni Sir Rex.

"S-sir kinakabahan po ako"nauutal na sabi ko.

"Okay hindi natin siya mapipilit kung ayaw niya"bumuntong hininga si Sir Rex kaya nakahinga ako ng maluwag at nanghihinang napaupo.

"Sissy Pabs!ang ganda ganda kaya ng boses mo"nanlalaki ang matang sabi ni Sephora.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now