Kabanata 31

7.6K 249 32
                                    

Kabanata 31

Pabi's Pov

Gabi na at nasakit talaga yung puson ko,bumangon ako at binuksan yung lamp shade ko.Tinignan ko yung oras sa wall clock at saktong 10 na.

Hinimas himas ko yung puson ko at muling humiga yung pa fetus style pero wala paring talab,inis akong bumangon at lumabas sa kwarto ko kasama si Hello Kitty na yakap yakap ko.

Bumaba ako at dumaretso sa kusina para maghanap ng kutkutin at saktong sakto ang Ferrero at Pocky para sakin.

Kinuha ko yun at pumunta sa sala,nakaindian sit akong umupo sa sofa at binaba si Hello Kitty sa sahig.Kinuha ko yung remote at binuksan ang TV.

"Chocolate!chocolate"aniya ko pa na parang baliw na binubuksan yung Ferrero.

Nilipat ko yun sa Star Movies at sakto lang dahil kakasimula palang nung movie,kumain ako ng chocolate kaya feeling ko gumaan gaan ang pakiramdam ko.

Nanood ako at saktong Cars yung palabas,iyon yung kay Lightning McQueen na naligaw sa Radiator Spring.

Maganda naman talaga siya kahit ilang ulit ko nang napanood.Hindi ko alam kung bakit ako napapasayaw pag natugtog yung kanta ewan ko naabnoy lang talaga ako kapag meron ako.

"Meow"sabi ni Hello Kitty na humiga sa lap ko.

"Inaantok na ba ang baby ko?matulog ka muna baby ko"sabi ko at hinaplos haplos ang ulo niya.

"AHAHAHA"natatawa ako kay Tow Mater wala lang gusto ko lang.

5 minutes later...

"Alah!kinikilig si Sally"niyakap ko yung unan at kinagat yung pinakadulo nun.

10 minutes later....
"Ang cool"

15 minutes later....

"WAHHHH Huhuhuhu!wag niyong kunin si McQueen!Paano naman si Sally?Paano na ang Radiator Spring?Masaya na sila eh!magkasundo na sila nung mga taga Radiator Spring e"nagpapadyakpadyak pa ko.

"Tsk!"agad akong napalingon ng marinig ko ang mahiwagang singhal ni Jack Frost este Khalex,nanlaki ang mata ko ng makita silang tatlo na nakahalukipkip.

"Utang na loob naman magpatulog ka pwede"si Kei na kinusot kusot yung mata niya.

"K-kanina pa kayo diyan?"gulat na tanong ko.

"Yesssss"mahabang sagot ni Kairen na agad kinuha yung Pocky na hawak ko.

"I'm begging!pls shut the hell up"si Khalex na hinihilot ang sintido niya.

"Oo na nga"nakapout kong inimis yung mga gamit pati yung pagkain.

"Tara na nga Hello Kitty"

"Ang ganda ng pangalan ah!"nakangising sabi ni Kairen.

"Kaysa naman sayo!Sexy bomb?"nakataas ang kilay na sabi ko.

"Di lang kaya ayun yung pangalan nun"aniya at malapad na ngumuti,lumingon siya sa kambal na nag-uusap.

"Zania Ylezia Xyprus Waileen Keiren Heliot Sexy bomb"ngumiti siya sakin."Apelyido niya lang yung sexy bomb"

"Bakit naman kapangalan ko yung asong yun?!"inis na tanong ni Kei.

"Magkamuka kayo eh!"pang-aasar ni Kairen na agad tumakbo.

"How dare you!"sigaw ni Kei na hinabol si Kairen.

"'Isip bata'"sadyang diniinan ni Khalex yung pagkakasabi niya ng 'isip bata' habang nakatingin sakin kaya napapout ako.

"Meow"sabi ni Hello Kitty na kalong kalong ko.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz