Kabanata 86

6.1K 306 215
                                    

Kabanata 86- Kakain o Kakainin?

Phoebe Alisha's Pov

"Holy shit.." bulong ko, natatarantang iginala ko ang paningin ko para makahanap ng tatakasan. Nang makita kong bukas ang grand door ay muli kong binalik ang paningin ko sakaniya.

Nakaawang ang labi niya habang matiim na nakatitig sa labi ko na parang ano mang oras ay susunggaban na niya ako ng halik. Umatras ako at mabilis na tinakbo ang pintuan.

'I'm messed up..'

Agad lumingon sa'kin ang mga bantay sa paligid, inihanda ko ang kamao ko para sa pag-atake nila pero kataka takang hindi nila ako sinugod at tinignan lang ako mula ulo hanggang paa.

Nilingon ko ang ulo ko para tignan si Khalex, nakatayo parin siya sa lugar na pinag-iwanan ko sakaniya. Nakahalukipkip habang nakatitig sa'kin.

'Kung ganyan siya ka kampante, ibigsabihin lang non ay alam niyang wala akong takas sa lugar na 'to?! No! Hindi pwede!'

Kahit walang sapin sa paa ay tumakbo ako at nilampasan ang mga bantay. Hindi ko alam kung saan talaga ako tatakbo dahil napakalawak at napakalaki ng lugar na ito.

Gusto kong maiyak sa halo halong emosyon na nararamdaman ko, frustration, galit, pagkalito at takot. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang malaking palasyo kung saan hindi na talaga ako makakalabas.

Paano si Everlyze? Si Cramleigh? Susunod pa'ko sakanila sa Pilipinas. Kailangan ako ng pinsan ko, kailangan mautakan ko sila Musac. Hindi pwedeng mangyari ang pinaplano niya laban sa'min ni Everlyze.

'Pero paano ko mapoprotektahan si Everlyze kung nandito ako?'

Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagtakbo ko, hindi ako pwede panghinaan ng loob. Tama! Hindi na ako ang dating Pabi na mahina at laging naiyak kapag naiipit sa sitwasyon. Makakaalis ako dito, kailangan ko lang gamitin ang utak ko.

'Sa lahat ng mahirap na sitawasyon, laging may solusyon.'

Tinanaw ko ang gate mula sa malayo, nakasara ito at may dalawang nakabantay na wala man lang hawak na armas. Siguro ay may patibong or something diyan, kasi kung ayaw akong patakasin ni Khalex ay naglagay na dapat siya diyan ng pulu putong na mga lalaki para harangan ako.

Napaka unpredictable ng mga kilos ni Khalex. Yung tipong wala kang  kamalay malay na nahulog ka na sa patibong niya.

Masyado ko siyang minaliit, ni hindi ko nga alam na nauutakan na pala niya ako nung mga oras na minamaliit ko ang kakayahan niya sa isip ko.

Tumingin ako sa gate. Kung diyan ako tatakas ay baka hindi din ako magtagumpay. At isa pa kung sakaling matakasan ko ang dalawang bantay ay pwede akong maligaw dahil ang pagkakatanda ko ay dumaan pa kami sa tunnel at isa pa hindi ko din masyadong tanda ang daan palabas.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko para humanap ng ibang daan para makatakas.

Yung dinadaanan ko ay sementado samantalang yung kaliwa't kanan ko ay puro puno na. Ang pagkakaalala ko ay may matayog na pader na humaharang dito sa buong lupain ng mga Montenegro.

May skills naman ako sa pag-akyat akyat, kapag inakyat ko yung pader daretso sa kalsada ang lalabasan ko.

'Tama!'

Tumingin ako sa kaliwa ko at mabilis na tinakbo iyon. Paninindigan ko ang plano ko, aakyat ako sa pader para lang makatakas dito. Basang basa na ang mga paa ko dahil sa mga basang damong naaapakan ko, umulan nga pala kahapon.

Walang dereksyon akong tumakbo at tiningala ang mga puno at ang mamasa masa nitong sanga at dahon.

"Bakit ba ang laki nito?" iritang bulong ko, kinapa ko ang tagiliran ko sa pag-aakalang may bulsa ang nightdress na suot ko.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon