Kabanata 50

6.9K 216 9
                                    

Kabanata 50

Pabi's Pov

Naging sobrang masaya para samin ang naganap na activity'ng yon na kahit naulan at napuputikan na sila ay enjoy na enjoy parin sila,miski mga teacher ay makisali din kaya mga kapwa basa kaming lahat pero atleast nag enjoy kami ng todo todo.

Pero syempre may ibang students na di sumali dahil na ayaw nilang maputikan lalong lalo na si Zsa Zsa,medyo madilim na ang paligid buti nalang at naisipan ng faculty na ipamigay na samin yung extra curricular shirt namin kaya kahit basa ang mga pambaba namin okay lang.Yung damit na yun suppostedly na isusuot namin sa sports fest pero napaaga ngayon ang bigayan para narin hindi kami magkasakit.

"Thank you students for the cooperation"masayang sabi ni Mrs.Divine."Alam kong medyo epic fail tong event natin pero atleast nag enjoy tayo right?!"sigaw niya.

"OPOOOOO"

"Maraming salamat sa pagdalo niyo mga bata lalo na sa isang studyante na nagbigay sigla para muli nating mabalikan ang dati nating kinagawian"nakangiting sabi ni Mrs.Divine.

"Maaari ko bang makilala kung sino yung babaeng natakbo kanina dito?!dahil sakaniya nag-enjoy tayong lahat"

"She's Phoebe Alisha,ma'am"sabi ni Sir Drei kaya agad na nagtinginan sakin yung ibang students,napakamot ako sa batok bigla.

"Halika dito Ms.Alisha"tawag sakin ni Mrs.Divine kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa monoblock at nahihiyang lumapit sakaniya,agad naman niya akong inakbayan.

"Ikaw yung nakita ko kanina diba?!yung kumuha nung kuting?"tanong niya kaya tumango ako.

"Tapos niyaya mo yung ibang istudyante na maglaro kasi ano nga yung dahilan mo?"

"Kasi minsan nalang pong maging bata kaya sulitin na namin?"patanong na sagot ko kaya mas lumawak ang ngiti niya.

"Kayong mga kabataan,dapat sinusulit niyo na ang kabataan niyo kasi minsan na nga lang yan,instead of always using internet try to play some traditional games,hindi naman masamang subukan diba?!kaming mga teacher since buwan ng Wika mas pinopromote namin ang napabalik ang dating mga kaugalian ng bata kung saan punong puno ng saya ang bawat kalye hayyst"bumuntong hininga si Mrs.Divine at hinimas himas ang balikat ko.

"All i can say to you all that, I-enjoy niyo habang bata pa kayo,ika niyo nga YOLO or You only live once, so get the most out of it...that would be all!thank you students!!have a wonderful weekends"sabi niya at tinapik ang braso ko.

"Thank you Ms.Phoebe Alisha,akala talaga namin mauuwi sa lahat yung pinagplanuhan namin but since you're there thank you"

"You're welcome po"nakangiting sabi ko kaya tinanguan niya ako at tinalikuran,narinig kong nag-usap usap sila ng mga kapwa teacher nila na kesyo ngayon lang daw ulit sila nakapaglaro.

Bumuntong hininga ako at hinanap si Kei,gusto kong makisabay sakaniya dahil sa suot ko...komportable na nga ako sa damit sa pang-ibaba naman hindi.

*Phone Rings*

"Hello?"agad na sagot ko.

"Uyy Pabi!uuwi na ko ah!!goodbye na love you ingat see you on monday love you love you ulit"sabi ni Sephora.

"Mmn Love you too!ingat ka din Sephora sabihin mo sa driver mo wag kamo kaskasero ah?"

"Noted madam"

"Si Everly pala?"tanong ko habang hinahanap hanap ng mata ko si Kei ganun din ang kotse niya.

"Nasa principal's office kausap ang daddy niya kasama si Evan"

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon