Kabanata 10

10K 272 5
                                    

Kabanata 10

PABI's Pov

"daddy samaaaaa akooooo!"pagmamakaawa ni Kairen na nakayakap kay daddy na nagsusuot ng relo.

"It's a business matter anak"sabi ni daddy at inayos ang coat niya,maluha luhang humikbi si Kairen.

"Bakit si mommy kasama mo"parang nagtatampong sabi ni Kairen."...di mo ko mahal"nagpout pa siya with matching halukipkip.

"Kairen..kailangan talagang kasama ko ang mommy mo,i can't focus my mind kapag malayo siya sakin"si daddy na inayos muna ang buhok bago tignan si Kairen.

"Kasi siya lang mahal mo"nagpapadyak padyak pa si Kairen.

"Hindi naman sa ganun---aishhh!may kailangan kaming asikasuhin ng mommy mo sa Greece okay?uuwian kita ng pasalubong,what do you want?a toy car?a toy gun?new tshirt?name it"

"Ayoko!gusto kong pumunta sa Greece!sila Kuya at Ate pumunta na sa Greece"

"Next time nalang Kairen!isasama ko kayo"pamimilit ni daddy.

"Gusto ko na makita si lolo at lola,gusto ko din pumunta sa Santorini"umiyak pa si Kairen.

"Your acting like a child again!be mature and stop being a spoiled brat"seryosong sabi ni Khalex na katabi ni Kei na katabi ko din,bali napaggigitnaan namin siya.

"Para kang tanga"sabi ni Kei habang nagkukutkot ng kuko.

"Hayaan mo na sila Kairen,baka importante yung gagawin nila at isa pa may pasok ka bukas..mga ilang linggo din sila dun"sabi ko kay Kairen,nagpout naman siya habang nanggigilid ang luha.

"Susumbong ko kayo kay mommy...mommy inaaway ako"sigaw niya at pumanhik sa hagdan,napabuntong hininga pa si daddy at ngumiti samin..may kinuha siya sa bulsa niya at nagulat ako ng makita kong hawak niya ang credit card namin pati yung akin.

"Nilagyan ko ng allowance niyo yan,i put hundred thousand each kaya pwede niyong bilhin lahat ng gusto niyo"lumapit siya samin na parang may ibubulong."Just please don't tell your mom,she will be mad at me"

"Thanks"sagot ni Khalex ng iabot sakaniya yung credit card niya,nang iabot sakin yung akin ay buong buo na ang ngiti sa labi ko.

"Thank you po,ingat po kayo sa Greece"

"Kayo din dito"ngumiti muli siya bago maging seryoso."Kayo kambal!i know that you're up to something,hindi ko kayo papakeelaman but once na may napahamak sainyo..malalagot kayo sakin"napakaseryoso ng muka ni daddy,narinig ko pa ang paglunok nitong dalawa.Tinignan ako ng makahulugan ni daddy bago muling ngumiti.

'Lagot ka Pabi'

"Call us if something bad happen"hinalikan niya ako sa pisngi bago tumingala at tinignan si mommy na pababa sa hagdan.

Alam niyo yung tingin na para bang nag-iislowmo lahat?parang ganun si daddy.Wala eh!patay na patay kay mommy.

Tinignan ko si mommy na nakasuot ng sun dress na itim,nakakainggit si mommy kasi kahit 39 years old na siya napakaganda niya parin pati hubog ng katawan niya nagmumuka tuloy siyang bata.

Sobrang bait niya pa sakin na para bang hindi ako bastarda,hindi siya yung parang katulad ng stepmother ni Cinderella.Napakabait niya at matulungin din sa kapwa,hindi na ko magtataka kung bakit patay na patay si daddy sakaniya.

"Isama na lang natin si Kairen hubby"parang namomroblemang sabi ni mommy,tumingin ako kay daddy na titig na titig lang kay mommy.

'Wala na tulala nanaman'

"Kaizer?"

"Yes my wife!?"parang biglang naging maamong tuta si daddy na buong buo ang ngiti.

"Si Kairen,isama na tin..ieexcuse nalang daw siya sa teacher niya kahit isang linggo lang tapos uuwi na daw siya"sabi ni mommy na inaayos yung hikaw niya.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon