Kabanata 15

9.5K 307 33
                                    

Kabanata 15

Pabi's Pov

"Do you see it?"mahinang bulong ng boses,nakarinig ako ng pagtawa kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Shhhh hmmpp hmppp"rinig kong sabi nung boses na para bang pilit na pinipigilan ang pagtawa.

"Daddy wag kang maingay"huh?nandito na si daddy?Dinilat ko ang mata ko at halos atakihin nako sa puso.Agad ko siyang sinipa sa dibdib sabay malakas na suntok sa muka niya.

"Arayyyyy Pabi"tumalsik si Kei sabay alis ng maskara'ng mukang multo.

"Kingina mo ka"inis na sigaw ko sakaniya habang dinuduro siya.

"AHAHHAHAHA"narinig ko ang tawanan sa cellphone kaya nagsalubong ang kilay ko at dinampot ang cellphone ni Kei.Nakita ko si Daddy at Kairen na natawa,sinamaan ko sila ng tingin.

"Babae ka pa ba?!ang sakit mong manuntok"sabi ni Kei na naka uniform na pala,tumingin ako sa pinto at nakita ko si Khalex na nakahalukipkip lang habang nakasandal sa pinto.

"Badtrip! yung gwapo kong muka"sabi ni Kei na tumayo na."Badtrip ka din"magkasalubong na magkasalubong ang kilay ko.

"AHAHAHAHA ang epic nung AHAHAHA muka mo ate"halos mamatay na kakatawa si Kairen ganun din si daddy.Bigla namang sumulpot si mommy na parang nagtataka.

"Bakit kayo natawa?"tanong niya sa dalawa at tumingin sakin.Ngumiti siya at kumaway."Hi Pabi"

"Mommy si daddy at Kairen inaaway ako"sumbong ko sakaniya kaya sinamaan niya ng tingin si daddy na nakapout lang.

"Kaizer!"puno ng babalang sabi ni mommy,dun na namatay ang tawag kaya sinamaan ko ng tingin si Kei.

"Ikaw na nga tong ginigising"nakapout na sabi ni Kei habang nakahawak sa pisnge niya.Muling nagsalubong ang kilay ko at tinignan ang oras sa cellphone niya.

"7:30?"nanlalaki ang matang basa ko sa oras,dali dali akong tumakbo sa banyo at naligo.

Paglabas ko ay wala na sila Kei kaya nag madali na kong magbihis at halos liparin ko na pababa yung hagdan.Wala na sila Kei at Khalex at tanging si ate jenny nalang ang nandun kasama ang iba pang kasambahay na iniimis yung mga pinggan.

"Pabi,kain ka na oh"sabi ni Ate Jenny na tinuro yung iba pang pagkain sa lamesa,kumuha nalang ako ng tinapay at saging.

"Ayos na po 'toh,babye na po"sabi ko at muling tumakbo papunta sa kotse ko at nagmamadaling pinaharurot iyon.

Kei's Pov

"You're late"sabi samin ni Drei na hawak hawak ang class record niya,nagtaka pa siya ng makita ang muka kong may pasa.

"Tsk"sagot ni Khalex at pamulsang pumunta sa pwesto niya.

"What happen to his face?"

"Kawawa naman siya"

"Buti nalang at gwapo parin siya"

Bulong bulungan nung mga babae kaya kahit papaano ay napangiti ako dahil may nagsabing gwapo parin ako.

Anong magagawa nila?!Anak ako ni Kaizer at Lexi Montenegro kaya syempre gwapo toh boi!!Minsan iniisip ko kung may mas gagwapo pa ba sakin?Wala nanaman siguro kasi kahit bakla nagkakandarapa sa ka gwapuhan ko.Walang sinabi si Daniel Padilla,James Reid,Enrique Gil,Harry Styles, Zayn Malik, Chris Evans, Charlie Puth at Shawn Mendes sa kagwapuhan ko.

"Stop praising yourself"sabi ni Khalex kaya ngumisi ako at tumabi sakaniya.

"I can't stop praising myself"in-a-matter of fact na tono ng pagsabi ko.

"Tss"singhal niya at tumingin sa unahan,tinignan ko si Evan na nakatingin sa kapatid niyang si Everly na parang nilalagnat parin katabi si Sephora na naka mask.

Mukang napansin niyang nakatingin ako sakaniya kaya tinaasan niya ko ng kilay."Bakit ganyan ka makatingin sakin?"tanong niya.

"Close ba kayo ng kapatid mo?"tanong ko sakaniya.

"Bakit mo naman natanong"

"Wala lang,ang swerte naman ni Everly at may kuya siyang katulad mo"sabi ko at sumandal sa upuan ko.

"Ako ang swerte diyan!pagnag-aaway kami isang tawa ko lang magbabati na agad kami..pero syempre hindi maiiwasang mag-away"sabi niya at ngumiti.

"Kawawa naman si Pabi at ako ang naging kapatid niya"mahinang bulong ko pero masaya rin namang maging kapatid siya.Moody siya masyado ewan ko ba kung baliw siya minsan kasi switch emotion siya.

Pero kahit ganun siya at kahit anak siya sa ibang babae ni daddy ay mahal na mahal ko siya na para bang tunay ko na siyang kapatid.Speaking of mahal na mahal!kamusta na kaya siya?!masaya kaya siyang gumraduate?kailan kaya sila ikakasal?

Sumikip ang dibdib ko na para kong kinakapos ng hininga,naramdaman ko ang pagbabadya ng luha sa mata ko kaya malalim akong bumuntong hininga.Sakto namang pagbukas ng pinto,pumasok si Pabi na may kausap na lalaki.

"Babye na ingat ka"nakangiting sabi niya dun sa lalaki at niyakap bago pumasok sa loob ng room.

"Sino yun?"takang tanong ni Sean na nginangatngat yung ballpen ko.

"Malay ko!teka nga!ballpen ko yan e"inis na sabi ko kaya ngumiwi lang siya at patuloy sa pagngatngat ng dulo ng ballpen ko.

"Sorry i'm late"aniya at tumabi na ng upo kay Sephora na agad may sinabi sakaniya.

"Mamaya na pala yung art class natin"sabi ni Tasher kay Khalex na tumango lang at dumukdok sa lamesa.

"Kayo ba?may nagawa na ba kayong kabayanihan?kahit sa simpleng paraan ba?"nakangiting tanong ni Drei,may nagtaasan ng kamay para sumagot.

"Ako sir!"

"Yes Supot"sabi ni Drei kay Nelsong.

"Sir!Nelsong nalang po"sabi ni Nelsong kaya tumango tango si Drei.

"Oh Nelsong"

"Sir ako po nung nakita ko pong tumatawid yung matanda tinulungan ko po siya para makatawid"sabi ni Nelsong,ngumiti si Drei.

"Kahit simple lang yung nagawa niya ay kabayanihan na rin yun,very good"

May iba pang sumagot kaya nainggit ako at tumaas ng kamay."Sir Drei ako po nung bumili ako ng candy tapos sobra yung sukli kaya binalik ko"pag-iimbento ko.

"Hoy Keiren!sinunggaling ka!Sir ayan si Kei..nakita kong bumili ng limang pisong candy tapos fifteen pieces yung kinuha"sumbong ni Sean kaya nagtawanan yung mga classmate ko.

"Batos ka pala eh"natatawang sabi ni Drei."Tapos nung minsang bumili yan ng palamig sa cafeteria bigla nalang umalis ng hindi nagbabayad"natatawang kwento ni Sean kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba!baka may magsumbong sa cafeteria"inis na sabi ko sakaniya kaya naghagalpakan pa sila ng tawa,nakabusangot akong naghalukipkip.

"Ay sir ako po"sabi ni Sean.

"Ano yun?"

"Dati po nung nag ba bike ako nakita kong hinahabol ng aso si Keiren kaya binilisan ko po yung pagpipidal ko at binunggo yung aso para hindi habulin si Kei"kwento niya kaya natahimik ang lahat na kalaunan ay napalitan ng malakas na tawanan.

.....
Vote,Comment and Follow po❤

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now