Kabanata 66

6.8K 270 167
                                    

Kabanata 66

Pabi's Pov

Nagitla ako ng hapitin ni Khalex yung bewang ko palapit sakaniya,nilapit niya yung labi niya sa tenga ko."Wag kang umalis sa tabi ko,"masungit na turan niya

Tumingila ako kay Dan na nakatingin kay Tasher na kakalis lang.

'Ano bang problema nitong si Khalex?!'

"Ayos ka lang ba?"nilipat sakin ni Dan ang paningin niya kaya ngumiti ako at tinignan yung kamay ni Khalex sa bewang ko bago tignan siya.

"Bakit,iiwan mo ko?"nakakunot ang noong tanong niya.

"Kakausapin ko lang siya Khalex,dito lang kami"nakangiting sabi ko at inalis ang kamay ni Khalex sa bewang ko at tinapik tapik ito."Saglit lang"

Umusod ako ng konti palayo sakaniya at tumabi kay Dandreb na mukang nag-aalala sakin.

"Ayos ka lang ba talaga?"nag-aalalang tanong niya,tumango ako at pilit na ngumiti.

"Oo naman,ako pa?"

Mukang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko."Gusto mong kumain?"

"Ayoko"bumuntong hininga ako at ngumuso sakaniya.

"Sayang naman yung pina-bake kong cookies sa tita ko"kunware ay malungkot na sabi niya kaya napairap ako.

"Akin na nga,"

"Talaga??"buong buo ang ngiting sabi niya at binigay sakin yung maliit na tupperware na may laman na dalawang cookies.

"Mukang masarap ah"nakangiting sabi ko at tinikaman yung isa."Ang sarap nga"pakiramdam ko ay panandaliang nawala ang bigat sa dibdib ko.

"Oh gusto mo?"alok ko sakaniya,umiling lang siya at pinatong ang siko sa hita niya habang nakalagay ang kamao niya sa pisngi niya,umiling muli siya at ngumiti lang.

"Ang cute mo talaga"

"Psh!kung pumunta ka dito para bolahin ako,tumigil ka na"

"Malungkot ka ba dahil pakiramdam mo ay hindi ka belong sa pamilya ng mga Montenegro?"biglang tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin sakaniya."Diba sinabi mo na sakin yan dati?!nung nakila Aling Macey ka pa?sabi mo minsan pakiramdam mo ay hindi ka parte ng pamilya nila?"

"Minsan lang naman,"

"Basta Pabi!kapag nagkaproblema ka sa mga Montenegro,sakin ka lumapit ha?!tatanggapin kita"

Kumagat ako dun sa cookies na bigay niya bago magsalita."Minsan pag may time ka puntahan mo naman ako"

"Oo naman,kahit wag mo ng sabihin dahil lagi naman akong nasa inyo"

Ngumisi ako."Paano mo nalaman yung bahay namin"umayos ako ng upo at nagdekwatro,bigla siyang natahimik.

"Alam kong ikaw yung lalaking nagdala sakin sa bahay.Kahit anong suot mo ng cap,salamin at mask,alam na alam ko ang kilos at pananalita mo"

"P-Pabi"gulat na sabi niya kaya sumeryoso ako.

"Bakit lagi mo kong sinusundan?"

"P-Pabi?"

"Anong kailangan mo samin?"matagal ko ng alam na siya yung lalaking yon,hinihintay ko lang na siya mismo ang magsabi sakin kahit alam kong hindi niya gagawin kaya naisip kong hulihin nalang siya.

"Hindi ako galit Dan"mahinahong sabi ko at binalik yung cookies sa lalagyan.

"Mahal kita"biglang sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now