Kabanata 42

6.8K 230 46
                                    

Kabanata 42

Kei's Pov

KATAHIMIKAN

KALUNGKUTAN

NAKAKAMISS PALA SILA...

Antahimik dito sa bahay,sobrang nakakapanibago yung tipong wala ka ng kukutusan na Khalex tuwing umaga at wala ka ng aasaring Pabi na pikon.

Speaking of Pabi...i always keep my eyes on her pero ngayong magkasama naman na sila ni Kambal sigurado naman akong hindi yun mapapahamak dahil kahit sintu sinto ang kapatid ko palihim yung nagpapakita ng care

Hehehehe ganun yun!kunyare walang pakeelam nakakainis lang minsan yung ugali niya kapag nagagalit siya,sinusumbat lahat lahat masyadong masakit magsalita daig pa babae.

At isa pa,pag nagagalit siya ay nananakit talaga siya..as in yung kahit babae ka pa ay papatulan ka niya kasi ganun yun magalit gusto niya lahat nung galit niya ay nilalabas niya.

"Hayyyyst"si Kairen iyon na pinaglalaruan ang pagkain niya,tumingin naman si mommy sakaniya bago tumingin sakin..

Bumuntong hininga si mommy at sumandal sa upuan."Bakit ayaw niyong magsalita?"takang tanong ni mommy.

"Mommy i miss ate Pabi"malungkot na sabi ni Kairen kaya nakangusong tumingin ako kay mommy.

"Okay na naman po siguro yung isang araw lang sila magkasama dun sa 'punishment house' niyo"pakiusap ko sakaniya.

"Hindi pwede Kei!usapan na namin ng daddy niyo yun..at isa pa!they need to learn their lesson that's why they need to stay in the punishment house"paliwanag ni mommy.

Tumahimik nalang kami ni Kairen at pinapatuloy ang pagkain.Kagabi pagkauwi ko dito sa bahay ay parang gusto ko ulit magpa comfort kay Pabi,gusto kong makausap at makompronta si Khalex.

Ang incentive ng paglipat nila sa punishment house ay mas madami na ang nakakain ko ngayon hehe!matakaw din kasi minsan yun si Pabi minsan buraot pa.

Pagkatapos kong kumain ay uminom muna ako ng gamot."Ina!papasok na ko"sabi ko at kinuha yung susi ng kotse ko sa center table.

"Ingat!wag masyadong bilisan ang pagdadrive"paalala ni mommy.

"Opo ina"magalang na sabi ko at sumakay na sa kotse ko.

Pabi's Pov

"Ayun oh!PARA PARA PO"sigaw ko at winagayway ang kamay ko para tumigil yung bus.

"ANO BA!stop shouting!!kung makasigaw ka diyan parang ngayon ka lang sasakay sa bus"inis na sabi ni Jack Frost.

"Ngayon nga lang bakit?"maarteng tanong ko,tumingin ako sa bus ng tumigil ito sa harapan namin.

"Ayieee!first time"nakangiting sabi ko at sumakay paloob,may nakita akong isang bakante kaya nagmamadali akong umupo dito kaso---umupo ang hayuuupp na nagngangalang Khalex.

"Hoy!"inis na sigaw ko sakaniya,sinenyas niya lang ang hintuturo niya at nagsaplak ng earphones.

"Gago ka talaga!kaninang umaga ka pa ah!"inis na sabi ko at sinapa ang paa niya.

O_O

Dahan dahan siyang tumingin sakin,ayun nanaman yung nakakatakot na tingin niya kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Isa pa!"galit na banta niya kaya napatungo ako at humalukipkip.

'Bakit ba ko nagpapatakot diyan?!kainis naman kasi!hindi ko maiwasang hindi matakot sakaniya lalo na kapag ganun ang tingin niya!'

"Ayyy"sigaw ko ng biglang umandar yung bus,nagtinginan yung mga tao sakin kaya napapahiyang tumungo ako.

"Sorry po,sorry sa abala"nahihiyang sabi ko sakanila pero walang pumansin sakin,humawak ako sa may pole na malapit sa pintuan ng bus para hindi naman ako tumalsik kapag titigil yung bus.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now