Kabanata 24

8.1K 243 14
                                    

Kabanata 24

Kei's Pov

So ayun!hapon na po ngayon!

Paano ba naman ginugol namin yung oras namin sa paghukay kay Kairen.

Masyado kasing napabaon sa buhangin,nagalit si daddy at mommy pero worth it parin.

"Paano kung napahamak yung kapatid niyo!"inis na sabi ni daddy samin ni Pabi,nakatungo siya dahil ayaw niyang tignan si Kairen.

Ganun din ako,ayaw kong tignan si Kairen dahil baka mamaya bumulalas ako ng tawa at masigawan pa ko ni daddy.Paano kasi ganun padin yung itsura niya.

"Gaganti ako!"bulong ni Kairen na umasta pang tumatawa na parang demonyo kaya napakagat ako ng labi.

"May balak pa kayong ilibing ang kapatid niyo"sermon pa ni daddy.

Biglang nagwacky face si Kairen,nagtataas baba na ang balikat namin ni Pabi kakapigil sa pagtawa.

"KEIREN!"

"Ay tatay kong supot!"gulat na sabi ko kaya sinaman ako ng tingin ni daddy.

"Kaizer!tama na ang sermon hayaan mo nang magpahinga yung mga bata"si mommy na nakapameywang,tumingin siya kay Kairen at mahinang napatawa.

"Maghilamos ka ng bata ka!"iiling iling na sabi ni mommy at hinila si Kairen paalis,muli siyang lumingon kay daddy.

"Tama na ang sermon"ulit niya,kaya nakapout na umalis kami ni Pabi at lumapit kila Tito na nakapalibot sa bonfire.

"Oh ngayon lang natapos ang misa niyo?"tanong ni Tito Klyde.Tumango ako at umupo sa tabi ni Khalex na nagbabasa ng libro.

"Mahaba magsermon si father e"bulong ko at tumingin kay Pabi na umupo sa tabi nila Sephora na nagcecellphone.

"Grabe ang sarap ng libre"bulong ni Sean na punong puno ng smores ang bibig.

"Kadiri ka!"si Tash na may hawak na camera.

"Ano bang pake mo"muling nagtuhog ng marshmallow si Sean sa stick at tinapat yun sa apoy.

"Eto pa oh!"lumapit samin si mommy at inabot kay Sean ang isang balot ng marshmallow.

"Ayy thank you po talaga Tita,pagpapalain po kayo ng panginoon"nakangiting sabi ni Sean kaya ginulo gulo ni mommy ang buhok niya

"Ikaw talagang bata ka!"natutuwang sabi ni mommy,dun ko nakita si Kairen na masama ang tingin sakin habang kinakausap siya ni Kurt.

"Oh asan yung anak mo?"tanong ni mommy kay Tito Xavier na may bitbit na gitara.

"Natutulog na!kailangan daw niyang mag beauty rest atsaka ayaw daw niyang magka eyebags"napabuga pa ng hangin si Tito.

"May pinagmanahan e"iiling iling pang sabi ni Tito at umupo sa buhangin.

Tumingin ako sa paligid ko at pansin kong lahat sila ay tutok sa mga gadgets.

'Tsk!Tsk!paano uunlad ang Pilipinas kung laging technology ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan?Kailangan ng mga kabataan ang tamang disiplina at ibang pagkakalibangan kaya eto po ako,tumatakbo bilang presidente ng Pilipinas!pag ako ang inihalal niyo bilang presidente ay aasahan niyo ang montly sweldo ng mga single,papatayin natin ang lahat ng mag jowang nag P-PDA,at syempre papalayasin ko ang mga panget kaya ofcourse ako nalang ang matitira'

"Stop praising yourself"sabi ni Khalex at sinara ang librong hawak niya."again"

"Pano mo ba nalalaman yun?"inis na tanong ko sakaniya."Naninira ka ng moment 'e"umirap lang siya at umayos ng upo.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now