Kabanata 74

7.1K 295 364
                                    

Kabanata 74

Pabi's Pov

"Magkaibigan si Mommy at Tito Harrold.Hindi ko na nakilala yung totoong tatay ko dahil tinakbuhan daw niya si Mommy dati"

Bumuntong hininga si Everly.Mahigpit na hinawakan ni Evan ang kamay niya.

"Buong pusong tinanggap nila Tito Harrold at Tita Elly si Mommy dahil walang wala siyang mapuntahan no'n.Pinagbubuntis niya ako kaya hindi nagdalawang isip sila Tito na patuluyin si Mommy.."

"Noong panahon na yon ay buntis din si Tita Elly at si Evan yon.Nung nanganak na sila ni Mommy ay dito parin kami tumira kasi hindi naman sinasabi ni Mommy kung nasaan yung mga magulang niya.."

"Namatay si Tita Elly nung bata palang kami,kinalaunan ay sinabi ni Mommy na kailangan niyang umalis at baka matagal na panahon pa bago siya bumalik."nangangatog ang labi niya na para bang pinipigilan niya lang na umiyak.

Alam ko ang pakiramdam na hindi kasama ang nanay,mahirap,malungkot,masakit at parang may malaking bagay na kulang sa buhay mo.

"Naguguluhan ako non at iyak ng iyak.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong iwan,para siyang laging takot at may tinataguan.Kailangan daw niya akong protektahan,gulong gulo na'ko noon"

Tumulo ang luha sa mata niya habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak.Hinaplos haplos ni Evan ang likod ni Everly para paganin ang loob nito.

'Buong akala ko talaga ay magkapatid sila!'

"Hindi daw nila pwedeng malaman na may anak siya kasi pati ako ay mapapahamak daw.Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya pero hinintay ko siya at hinihintay ko siya hanggang ngayon,pero.."

Humagulgol siya ng iyak,gusto ko siyang i comfort pero sapat na siguro si Evan na pinapatahan siya.

"Humingi ng tulong si Tita Patricia kay daddy"biglang sabi ni Evan kaya sakaniya napunta ang paningin namin."Kailangan daw mabago ang apelyido ni Everlyze"seryosong sabi ni Evan.

"Kahit bata palang kami ay alam na naming gusto namin ang isa't isa.Halos sabay na kaming lumaki,magkasama kami sa lahat ng bagay at lagi naming naasahan ang isa't isa.Nakita iyon ni daddy kaya naisip niya na i arrange marriage kami."tumingin sa malayo si Evan.Siguro ay inaalala niya iyong mga panahon na yon.

"Oh my gosh!"natakpan ni Sephora ang bibig niya sa sobrang gulat.

"Pumayag ako dahil ayoko siyang pakawalan at siya lang ang babaeng gusto kong makasama"

'Awww'

"Pinagkasundo kaming ikasal sa legal na edad namin pero dahil bata pa kami no'n ay inadopt muna siya ni Daddy para maging Leondale siya at mapalitan ang apelyido niya, sa kagustuhan ni Tita Patricia"

Lahat kami ay natahimik dahil sa nalaman naming katotohanan.Hindi makapaniwala na ang akala naming magkapatid ay mag-asawa at nag-iibigan pala.

Hinawakan ni Everly ang kamay namin ni Sephora,nakikiusap ang mata habang nahikbi.

"Walang pwedeng makaalam nito"tiningala niya sila Kei at Khalex na nasa likod ng couch na inuupuan namin ni Sephora."Mga Montenegro,nakikiusap ako.."

"Gustong gusto namin aminin ni Evan sainyo yung relasyon namin dahil nahihirapan na din kaming itago yon.Buong akala niyong lahat ay magkapatid kami kaya sa harap niyong lahat ay umaarte kaming magkapatid pero.. "

"Naiintindihan ko,Everlyze"tinignan ko si Evan."Evan,nangangako akong magiging sikreto ko yon"

Biglang inalis ni Sephora ang kamay ni Everly."Kung asawa mo siya,sino yung boyfriend na ka LQ mo?noong nakaraang linggo"mataray na sabi ni Sephora.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now