Kabanata 59

7.4K 287 178
                                    

Kabanata 59

Pabi's Pov

"Don't cha worry...walang mang-aaway sayo"sabi ni Kei ng mapansin niya ang paulit ulit kong pagtingin sa paligid kasi sa totoo lang kinakabahan ako at the same time nahihiya gawa nung kahapon.

Madaming sasakyan from other schools atsaka meron na din akong nakikitang nakaibang uniform pero konti palang sila.Nandito siguro sila para sa rehearsal  para sa singing contest at dance contest mamayang tanghali.

"Napakagwapo ng body guard mo hayyst"nabalik ako sa ulirat ng marinig ko nanaman ang mababahong salita galing sa bunganga ng kapatid kong mayabang.

"Wag ka ngang magyabang,umagang umaga atsaka bilisan na natin para makaabot ka first class mo"sabi ko."Teka?saan nga ba ulit yung rehearsal?"

"Auditorium"sabi niya at hinawakan ang pulsuhan ko."Sino ba first sub natin ngayon?"tanong niya kaya napaisip ako.

"Drei..oo nga si Drei"

"Ahh okay na yon,sabihin ko nalang hinatid kita"sabi niya at dahan dahang pinadausdos ang kamay niya sa kamay ko kaya napatingin ako sakaniya."Paexperience naman ng feeling na may jowa"sabi niya habang nakatingin sa field.

"Naman"nakangiting sabi ko at dinuyan ang kamay namin habang naglalakad."Pag narinig ko yang sinasabi niyang mga babaeng yan at kung tungkol sayo,sasampalin ko yan"wala sa sariling sabi ni Kei kaya agad akong napatingin sakaniya na nakatingin duon sa mga babaeng nakatingin samin habang nagbubulungan.

Kinilabutan ako sa huling sinabi niya."Woi!anong sasampalin?"tanong ko sakaniya kaya napatingin siya sakin.

"W-wala nabigla lang ako"

"Kahit anong mangyari wag kang mananakit ng babae kasi masamang masamang tignan"pangaral ko sakaniya kaya tumingin siya sakin at inakbayan ako,ginulo gulo niya pa ang buhok ko."Opo na ateeee"

"Naalala mo yung sinabi ko?yung kapag hindi mo nirerespeto yung ibang babae parang hindi mo na din kami nirerespeto nila mommy...like yun ngang ginagawa mo"tumingin ako sakaniya bago tumingin sa nilalakaran namin."Kung sakaling may nakipag sex sakin tapos trip niya lang pala? ano bang mararamdaman mo pag nangyari yon?"tanong ko sakaniya,nagsalubong ang kilay niya at yumukom ang kamao niya.

"Magagalit ako...kasi walang sinuman ang pwedeng gumawa sayo non"galit na sabi niya,bigla akong kinabahan sa aura niya para siyang si Khalex."Kasi sobrang importante mo sakin tapos ganon lang yung gagawin?!baka mapatay ko pa yon sa sobrang galit ko"

Napapantastikuhan ako sa mga salita niya kasi hindi naman siya ganung magsalita,puro sarkasmo,pagyayabang,minsan mahinahon nakikita ko si daddy at Khalex sakaniya ngayon.

"Like what i say...no one mess with a Montenegro"galit na bulong niya at natatakot na ko sa itsura niya kaya pabirong tinampal ko yung dibdib niya."K-kalma"seryosong tumingin siya sakin kaya napalunok ako.

'Baka si Khalex toh!'

Tinignan ko yung pinakababa ng leeg niya kung may tattoo pero wala naman."W-What if l-lang naman hehe"

"Naiinis lang ako kapag naiisip ko na inaagrabyado ka dahil sa estado mo"seryosong sabi niya.

'Ang seryoso ng lolo niyo'

"Wuyy!wag ka nang ganyan natatakot na ko sayo"bigla siyang tumingin deretso sa mata ko."Talaga?!natatakot ka sakin?"sarkastikong sabi niya kaya inis na binatukan ko siya.

"Tumigil ka nga sabe"sabi ko at lumayo sakaniya,tumingin siya sakin na seryoso parin ang muka."Hoy!tigilan mo na yang mukang yan"banta ko sakaniya.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now