Kabanata 6

10.5K 304 23
                                    

Kabanata 6

PABI's Pov

Pagkauwi ko palang sa bahay ay agad bumungad sakin sila Tito Luke,Ate Sabel, Kuya Marco,Tito Klyde,Tita Vanessa,Kurt at si Felisha mga anak nila.

"Pabi!"nakangiting tawag ni Tita Vanessa na...buntis nanaman?.Malapad akong ngumiti at niyakap si Tita Vanessa.

"Hey tita,it's nice to meet you po"niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya.

"Hello po Tito"nakangiting bati ko kay Tito Klyde.

"Kamusta ka naman Pabi?!Ang laki mo na,ang ganda ganda mo na rin"sabi ni Tito na pinasadahan ako ng tingin.Napahawak ako sa batok ko.

"Okay naman po ako Tito"nagpilit ngiti ako.Sunod namang lumapit sakin si Kurt at Felisha na agad yumakap sakin.

"Hello po Ate Pabi!"bati nila sakin,ginantihan ko sila ng yakap at hinalikan ang magkabilang pisngi nila.

"Hi Pabi"bati naman ni Ate Sabel at Kuya Marco,ngumiti lang ako at tumango.

"Ano pong ginagawa niyo dito?"takang tanong ko,alam ko kasi ay nasa Cebu sila.Binuhat ko si Felisha habang hinihimas ko ang buhok ni Kurt.

"Sinabi kasi sakin ng mommy mo na umuwi na daw yung kambal at isa pa,gusto rin naming pumarito muna sa Manila kahit saglit"sabi ni Tita Vanessa.

"Miss na namin kayo"sabi ni Tito Luke."At isa pa!ipapakilala ko kay Beshy yung pamangkin niya"sabi ni Tita na hinihimas ang tyan niya.

"Ilang months na po yan?"

"7 months na,konting hintay nalang at may kambal na kami ni Klyde"

Nanlaki ang mata ko at napangiti ng malapad."Ang swerte niyo naman po"nagagalak na sabi ko.

"Ganun talaga Pabi!kulang pa yan kaya dadagdagan ko pa"sabi ni Tito Klyde na agad binatukan ni Tita.

"Beshyyyy!!!"sigaw ni Mommy na dali daling tumakbo pababa ng hagdan.

"My god!You're pregnant again"masayang sabi ni mommy.

"Lexi"bati ni Tito Luke at niyakap si Mommy,gumanti ng yakap si mommy na para bang miss na miss nila ang isa't isa.

"Bitaw!bababa na ang seloso"bulong ni Tito Klyde na nakatingin kay daddy na magkasalubong ang kilay.

"Alexis"sabi iyon ni daddy na agad hinila si mommy palayo kay Tito Luke.

"Ano nanaman!"inis na singhal ni mommy,ginulo ni daddy ang buhok niya at niyakap si mommy sa likod.

"Nagseselos ako"mahinang bulong ni daddy.

"Ang arte mo naman"umirap pa si mommy.Nag kwentuhan sila at nagtawanan kaya pumanik ako sa kwarto ko para magbihis at imisin ang mga gamit ko maya maya lang ay may kumatok sa pinto.

"Saglit"sigaw ko at nilagay sa labahan ang damit ko,binuksan ko ang pintuan at nagulat ako ng makita ko si Kurt.

"Nasaan po si Kairen?"tanong niya habang nakapout.Sinara ko ang pinto ng kwarto ko sakto naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Khalex na nakatingin samin.

Sumulyap siya saglit sakin bago pamulsang naglakad palayo."Bakit ganun po si Kuya Khalex?"tanong ni Kurt na nakahawak sa kamay ko.

"Anong ganun?"

"Bakit para pong nakakatakot siyang tignan,galit po ba siya sakin?"tanong niya,umiling ako.

"Hindi nuh!ganun lang talaga si Khalex"ngumiti ako at kinatok ang kwarto ni Kairen na nasa harapan namin,walang sumagot kaya binuksan ko yung pinto at bumungad sakin ang magulong kwarto ni Kairen.Kalat kalat ang mga laruan niyang kotse at baril.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now