Kabanata 7

9.9K 311 10
                                    

Kabanata 7

PABI's Pov

*Blaggg!*

Napaigtad ako ng padarag na bumukas ang pinto at may pumasok na payat at matangkad na lalaki,muka siyang chinese dahil singkit ang mata niya at medyo maputi siya.

Hindi siya nagsalita at nagsulat nalang bigla sa board,tinignan ko si Kei na nakatingin din dun sa lalaki.

"Okey!Ako si Mr.Tan at ako ang teacher niyo sa CE or Character Education"isa isa niya kaming tinignan,bakas palang sa mata niyang strikto talaga siya.

"Tandaan niyo na ayaw na ayaw ko ang tatanga tanga,papansin,bobo at pabibo sa klase ko"sa paraan niya ng pagsasalita ay mahahalata mong chinese nga talaga siya.

"Wara ako pakeeram kung anak kayo ng kung sinong sikat o kilala sa buong mundo,basta ako teacher niyo at kayo istudyante lang..understand!"sigaw niya.Hindi umimik yung mga kaclassmate ko kaya ganun din ako.

"Ang CE o Character Education ay tungkol sa paghubog ng pagkatao niyo bilang tao hindi hayop,para mahubog ito ay mayroong apat na aspekto..."

"ang una ay pag-iisip,kung ang isip mo ay nagpo focus lang sa makakabuti para sayo at sa kapwa mo ay isa kang tao pero kung iniisip mo ay tungkol sa porno at kalaswaan ay hindi ka tao!manyakis ka"aniya kaya mahina akong napatawa.

'Walang filter ang bunganga ng teacher na'to masyadong harsh magsalita'

"Pangalawa,sa pananamit...kung isa kang disenteng tao at nasa paaralan ka..ano dapat ang suot mo?"tanong niya.

"Uniform malamang"pabalang na sagot ni Zsa Zsa na nakapangalumbaba habang nakatingin kay Khalex pero mukang narinig siya ni Mr.Tan

"Diba sabi ko ayaw ko ng bida bida!?...you!what's your name"tanong ni Mr.Tan kay Zsa Zsa,hinawi niya ang mahaba at kulot niyang bulok.

"Zsa Zsa Cassandra Guzman"maarte nitong sagot na hindi tumatayo.

"Ms.Guzman"pinasadahan ng tingin ni Prof si Zsa Zsa at biglang ngumisi.

"Ako sigurado,hindi ka mabubuhay ng walang make up"

"What do you mean?"medyo inis na sabi ni Zsa Zsa.

"Ampanget mo kasi"sabi ni Prof.Narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Everly na sinabayan ni Sephora,natawa din ako dahil kitang kita ko ang butas ng ilong ni Everly na nagalaw.

"Why are you laughing at me!"galit na sabi ni Zsa Zsa na nakatingin sakin,natikom ako.

'Sabi ko nga'

"Pangatlo,sa pananalita..kung banal kang tao malamang magsasalita ka ng  mga salita galing sa bibliya o simbahan pero kung bastos ang bunganga mo lagi kang nag PPI"aniya kaya nangunot ang noo ko.

"Anong PI?"mahinang bulong ko.

"Tsk"singhal iyon ni Khalex.

"Hindi niyo aram PI?Huh!Pvtang*na niyo"nabigla ako sa sinabi ni Prof pero etong mga loko kong classmate naghiyawan lang.

'Pvtang'na mo din'

"Oh baket!tinatanong niyo ang meaning ng PI diba?"ngumisi siya at tumingin sakin,napaayos ako ng upo.

Lumapit siya sa direksyon ko kaya napalunok ako.
"Marami parang magagandang babae dito ah"ngumisi siya sakin at pinasadahan ako ng tingin.

'Sundutin ko yang mata mo'

Matapos ang klase ay agad nang lumabas si Mr.Tan.

"Ako buduy si Sir abnuy"sabi ni Kei na kaharap sila Sean,sumulyap sakin si Tasher bago tumingin kay Khalex na seryoso ang muka.

"How dare that guy!Arghhh!isusumbong ko siya kay daddy"naiiritang sabi ni Zsa Zsa.

"Ampanget mo kasi"pang-aasar ni Sean lalo siyang nabuwisit.

"Excuse me!?bakit ako?!baka yang si Pabi ang panget"

Nagsalubong ang kilay ko."Bakit ako nadamay?!nananahimik ako"

"I saw you laughing...and also your friends"

"Eh totoo naman kasi"untag ni Everly.

"Like excuse me!i'm a Guzman!maganda ang lahi namin"pagmamayabang niya.

May dumating na teacher kaya tumahimik silang lahat.Inayos ni Prof Belinda ang arrangment ng upuan.Dun ako sa kaliwang side sa huli dahil by height ang basis nila,katabi ko sila Sephora at Everly.Sa kabilang row naman sila Khalex,Kei,Evan,Sean at Tasher.

"Exchange papers"sabi ni Prof kaya nag exchange kami ng papel ni Khalex,naiilang pa ako habang binibigay sakaniya.

Napatapat sakin yung test paper ni Kei."Ang ganda naman ng penmanship ng hudas na yun"

"Tignan mo yung kay Khalex"sabi ni Sephora na hawak ang test paper ni Khalex.Sumulyap ako kay Khalex at dun ko naalala yung ano basta alam niyo na yun,tumingin siya sakin at inirapan ako

"Lalaki pa ba yang mga kapatid mo?!Daig pa ang sulat ko ah"nakapout na sabi ni Sephora habang nakatingin sa papel ni Khalex at Kei

"Teka?!---asan yung papel ni Sean?!akin dapat yun"sabi ni Sephora na agad inagaw ang papel na hawak nung isa naming classmate na babae.

Matapos ang klase ay lunch break na kaya dumaretso na kami nila Everly sa cafeteria.

"AYY!"sigaw ni Sephora ng muntikan ng tumama samin yung upuan,tinignan ko yung pinagmulan nun at nakita ko si Khalex na halos patayin na sa suntok yung lalaki.

Agad ako maalarma at nag-alala kay Khalex, mabilis akong tumakbo sa gawi nila."Gago ka ba?!bubulong ka nalang kailangan naririnig ko pa"galit na sabi ni Khalex,tinignan ko si Kei na nakangiwi habang nakahawak sa balikat ni Khalex.

"Tama na Khalex!"awat sakaniya ni Kei,akmang tutulong din ako sakaniya dahil nakita kong nahihirapan na siya nang..

"Wag"nabigla ako ng hawakan ni Tasher ang balikat ko."Baka mabuntunan ka ng galit niya"dagdag niya,hindi ako umimik at inis  na inalis ang kamay niya.

Hinawakan ko sa balikat si Khalex para awatin siya pero nabigla ako ng itulak niya ako."Don't touch me!"sigaw niya.

Nadali ang bewang ko sa gilid ng lamesa sa lakas ng impact ng tulak niya.

"Aray!!"daing ko,agad huminto si Khalex.

"Pabs"si Sephora.

"Ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Everly.

Napakagat ako ng ibabang labi ko habang natango."A-ayos lang ako"

"Pabi"nag-aalalang bulong ni Kei at bigla nalang kinuwelyuhan si Khalex.

"Tumigil ka na sabi,tignan mo ang nangyari kay Pabi"galit na sabi ni Kei at pinaharap sakin si Khalex.

"Masyado ka kasing pakeelamera"inalis niya ang kamay ni Kei sa kwelyo niya at padabog na umalis sa cafeteria,nagtatabihan yung mga taong nadadaanan niya dahil sa takot sakaniya.

"Pabi ayos ka lang ba?"tanong ni Kei.

"Ayan ang napapala ng pakeelamera"

"Lalo niyang ginalit si Khalex"

"Papansin kasi kay Kei"

Akmang lalapit si Kei nang umatras ako at ngumiti."Okay lang po ako"

....

Vote,Comment and Follow po💓

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now