Kabanata 90

7.2K 300 490
                                    

Kabanata 90- Kairen

Keiren's Pov

“HINDI NGA AKO NAGSESELOS!” galit at malakas na sigaw sa'kin ni Khalex. Malakas niyang hinampas ang lamesa dahilan para mapaigtad ako.

“E-E bakit sinuntok mo k-ko?” I sounded like a small kid while I ask that to him. Nag pout ako, umaasang tatanggalin ng charm ko ang galit niya kahit kulang nalang ata ay bugahan niya ako ng apoy sa sobrang pagkapikon niya sa'kin.

Jusmeyo mahabagin, kayo na pong bahala sa'kin.’

Frustrated na sinuklay niya ang buhok niya.“E KASI ANG PANGIT NG MUKA MO. NAASIWA AKO SA MUKA MO.” sigaw niya sa'kin muli.

Aba! ang sama talaga ng tabas ng bibig nito ah! Ako? Pangit? Huh, baka Keiren Montenegro 'to.’

“ABA HOY!” buwelta ko at hinampas ang space sa sofa'ng kinauupuan ko. Pinanlalakihan niya ako ng mata, tila nangunguwestyon kung kaya ko ba talaga siyang patulan.

Bakit lalaban ka?” nanghahamong tanong niya.

“Tss, selos ka lang naman talaga.” nakangiwing bulong ko. Hinawakan ko ang gilid ng labi ko na sinuntok nitong abnormal kong kakambal. Todo deny pa na hindi nagseselos, e halata naman sa muka niya na papatayin na niya ko e.

Aba, pagpasok palang namin dito sa kwarto niya ay sinapak na niya agad ako tapos biglang sasabihin na dahil sa pangit ang muka ko. Aba!

“I already told you that I don't love her anymore.” pikon na sabi niya. Nag make face lang ako dahil hinding hindi ako maloloko ni Khalex lalo na pag tungkol sa nararamdaman niya kay Pabi. Ayan pa? E patay na patay yan doon e.

Weh? Talaga?” nang-aasar na sabi ko. Ireto ko nga yan sa mga tropa ko, payag ka?” tanong ko, lihim nalang akong napangisi dahil kitang kita ko na kaagad ang pagsalubong ng kilay niya.

Pero sa totoo lang hindi ko din siya masisisi kung pilit niyang tinatapalan ng galit ang puso niya kahit halata namang mahal na mahal niya pa si Pabi. Napakalaki na din ng atraso ng pamilya niya samin atsaka one week bago kami mag-graduate ng college ay may nalaman kami tungkol sakaniya na kinagalit ni Khalex.

FLASHBACK...

“Hey Tito Klyde.” tawag pansin ko kay Tito na may dalang maraming papeles. Lumingon siya samin ni Khalex at ngumiti.

“Oy! Wazzup.” lumakad siya palapit samin at pinatong sa cubicle nung isang employee yung mga hawak niyang papeles. “Palagay muna.” sabi niya doon sa employee bago bumaling sa'kin. “Napadaan kayo dito? Atsaka ang aga ata matapos ng klase niyo ngayon.” aniya at tinaas ang sleeves ng longsleeves niya para tignan ang relong pambisig niya.

“May maganda kaming ibabalita kay Daddy.” masayang sabi ko, inakbayan ko si Khalex at malapad na ngumiti. “Ibabalita namin na Summa Cum Laude ang future CEO niya.” tinap tap ko ang balikat ni Khalex at tumingin kay Tito na manghang nakatingin kay Khalex.

“Akalain mo nga naman.” sobrang sayang sabi niya at ginulo gulo ang buhok ni Khalex. “Oh ayan, tama yan. Ngumiti ka din naman kahit minsan, para ka laging binagsakan ng langit at lupa 'e.”

“I just can't believe it. I mean for all the people and ofcourse Keiren, he's doing great as wel-”

“Baka Magna Cum Laude 'to Tito.” mayabang na sabi ko, ngumiwi siya at inirapan ako.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon